Visa-Free Travel Destinations For Philippine Passport Holders - Let's Explore

Visa-Free Travel Destinations For Philippine Passport Holders - Let's Explore

Visa-Free Travel Destinations For Philippine Passport Holders - Let's Explore

Mga destinasyon o bansang hindi nangangailangan ng visa para sa mga Pinoy na gustong mag-travel—ano-ano nga ba ang mga ito? 

As of November 2022, ang Philippine Passport Holders ay maaari nang mag-travel nang ‘visa-free’ sa bilang na 67 countries! Kabilang dito ang tatlumpu’t tatlong bansang walang visa, habang ang natitirang tatlumpu’t apat na bansa ay maaaring bisitahin gamit ang visa-on-arrival o electronic travel authority.

At kung nagpaplano kang magbakasyon pagkatapos ng pandemiya ay narito ang listahan ng nasabing mga bansa, pati na rin ang maximum days na maaari kang manatili sa nasabing mga lugar:

Asia:

Unahin natin ang mula sa kontinente ng Asia. Kabilang dito ay ang mga bansang:

Brunei: 14 days

Cambodia: 30 days

Hong Kong: 14 days

Indonesia: 30 days

Kazakhstan: 30 days

Kyrgyzstan: 30 days

Laos: 30 days

Macao: 30 days

Malaysia: 30 days

Maldives: 30 days

Mongolia: 21 days

Myanmar: 14 days

Nepal: 90 days

Pakistan: 30 days

Singapore: 30 days

Sri Lanka: 30 days

Taiwan: 14 days

Tajikistan: 45 days

Thailand: 30 days

Timor-Leste: 30 days

Vietnam: 21 days


Africa:


Burundi: 30 days

Cape Verde Islands: 90 days

Comoro Islands: 45 days

Cote d'Ivoire: 90 days

Guinea-Bissau: 90 days

Madagascar: 90 days

Malawi: 30 days

Mauritania: 30 days

Mauritius: 60 days

Morocco: 90 days

Mozambique: 30 days

Rwanda: 90 days

Senegal: 90 days

Seychelles: 90 days

Somalia: 30 days

Tanzania: 90 days

The Gambia: 90 days

Togo: 7 days na maaari pang i-extend hanggang 30 days habang ikaw ay nasa Togo pa.

Uganda: 90 days


America:


Bolivia: 90 days

Brazil: 90 days

Colombia: 90 days na extendable pa para sa isa pa uling 90 days.

Costa Rica: 90 days

Nicaragua: 90 days

Peru: 183 days

Suriname: 90 days


Caribbean:


Barbados: 90 days

Dominica: 21 days

Haiti: 90 days

St. Lucia: 42 days

St. Vincent and the Grenadines: 30 days

Trinidad and Tobago: 30 days


Oceania:


Cook Islands: 31 days

Fiji: 4 months

Marshall Islands: 90 days

Micronesia: 30 days

Niue: 30 days

Palau Islands: 360 days

Papua New Guinea

Samoa: 60 days

Tuvalu: 30 days

Vanuatu: 30 days


Middle East:


Armenia: 120 days

Iran: 30 days

Israel: 90 days

Palestine: 90 days

Ngunit sa lahat ng mga bansang iyan ay may ilang destinasyong inirerekomendang puntahan ng mga tao, at narito rin ang listahan ng mga ito:

Unang-una na riyan ang bansang Singapore. Bagama’t maaaring may kamahalan ang destinasyong ito para sa pamantayan ng mga taga Southeast Asia, ang Singapore ay hindi maikakaila bilang pinakaligtas at pinakamadaling puntahang destinasyon sa Asia, dahil sa pagiging manageable ng laki nito, pati na rin ang mahusay na public transportation!

Kung ikaw ay isang first time traveler, ang Singapore ay magiging isang magandang lugar na magbibigay sa ’yo ng magandang simula. Iyan ay lalo na kung ang iyong travel itinerary ay binubuo ng mga food trip, nature walk, pagbisita sa mga amusement park, o world-class shopping, ang Singapore ay tiyak na may maiaaloo sa ’yo na talatang e-enjoy-in mo hanggang sa katapusan ng iyong bakasyon. Maaari kang magtagal sa bansang ito hanggang tatlumpung araw nang walang visa!

Sunod na riyan ay ang Hong Kong. Isa rin ito sa pinakamadali at pinakasikat na destinasyon para sa mga Filipino, dahil bukod sa malapit lamang ito ay kilala rin naman ito sa pagbibigay ng enjoyment sa mga turistang bumibisita rito. 

Idagdag pa na kapag ikaw ay nagpunta rito, hindi malayong marami ka ring makasasalamuhang ‘kababayan’ dahil sa dami rin naman ng mga Pinoy dito. Para ka pa ring nasa sarili mong bansa, sa mas malamig nga lamang na klima.

Isa sa mga bagay kung saan kilala ang hongkong ay tuntkol sa aspeto ng pagsha-shopping. Alam naman nating mahilig tayong mga Pinoy d’yan, dahil sa Hong Kong ay matatagpuan din natin ang marami sa mga paborito nating brands ng anumang gamit o pagkaing mabibili rito, na ang nakatutuwa pa ay mabibili mo sa abot-kayang halaga! Dito naman ay maaari kang manatiling ‘visa-free’ sa loob ng labing apat na araw. Sulit na rin, hindi ba?

Isa pang destinasyong kasama sa listahan ay ang Indonesia, partikular na ang probinsya ng Bali na may visa-free duration na tatlumpung araw.

Siguro naman ay hindi ito tatawagin sa palayaw na “Island of the Gods” kung hindi tunay na nakamamangha ang mga beach nito, hindi ba? Ngunit alam n’yo ba na bukod diyan, ang islang ito ay biniyayaan din ng magagandang tanawin at talaga namang kamangha-manghang mga templo! 

Pagkatapos mag-enjoy mula sa mga buhangin at dagat nito, ay maaari ka namang maglibot sa kanayunan ng Ubud upang iparanas sa iyong sarili sa kulturang Balinese. Ang Bali ay isang tunay na paraiso ng tag-init para sa sinumang mahilig sa isla.

Idagdag pa natin sa listahan ang Taiwan na may labing apat na araw ding visa-free duration. Kung ikaw ay mahilig mag-food trip, magiging perpektong destinasyon sa ’yo ang lungsod ng Teipei—ang capital ng Taiwan. 

Bisitahin ang napakarami nilang night market sa Taipei kung saan matatagpuan ang kanilang mga nakatatakam na pagkain! Ang mga kalye ng Taipei ay nabubuhay sa gabi habang ang mga turista at lokal na mamamayan doon ay nagsasama-sama upang bigyang-kasiyahan ang kanilang mga gutom na sikmura. Ito raw ang maituturing na pinakamagagandang pasyalan at atraksyon sa Taipei!

At ang pinakahuli, ngunit ’di padadaig na destinasyon para sa videong ito ngayon ay ang Thailand na mayroon ding thirty days visa-free duration.

Ang mga kalye ng Bangkok ay makapagbibigay din sa ’yo ng isang masaya at enjoyable experience! Tiyak na maliligaw ang mga turista sa isang maze ng mga palengke na puno ng makukulay na damit, masasarap na pagkain, kung saan uso rin ang paboritong gawain ng mga Pinoy—ang pakikipagtawaran sa presyo. 

Kalat-kalat sa mga abalang kalye na ito ang mahigit 400 magarang templo sa Old City, na nagpapakita ng kultura at relihiyon ng Bangkok na perpekto para sa iyong cultural excursion. Malaki ang pagkakaiba ng kabiserang ito sa tahimik at nakare-relax na beach ng bansa, ngunit sinasabing ito ay makapagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga turista, kaya naman hindi dapat palampasin ang pagbisita rito kung ikaw ay pupunta sa Thailand. 

Ito ay makapaghahatid sa ’yo ng isang kakaibang timpla ng modernity at culture na ang maganda pa ay hindi masakit sa bulsa!

Alin sa mga ito ang ninanais mong mapuntahan? Ikwento mo naman ’yan sa comment section!


No comments:

Post a Comment

Sponsor