Gaano Kayaman Si Megastar Sharon Cuneta?

Gaano Kayaman Si Megastar Sharon Cuneta?

Gaano Kayaman Si Megastar Sharon Cuneta?

Ang Star sa ating paksa ngayon ay walang iba kundi ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta. Bukod sa siya ay isang mega, aba watch out! dahil ang kanyang yaman din ay Super Mega!

Nakilala si Sharon Gamboa Cuneta Pangilinan sa industriya ng showbiz bilang si Sharon Cuneta. Dahil sa kanyang kahusayan pagdating sa talento ng pagkakanta at pag-arte siya ay binansagang Megastar. Ngunit hindi lang siya isang Filipino actress o singer, isa rin siyang Television host. 

Personal background/early career:  

Bago pa man siya ay tuluyang magtagumpay sa kanyang karera bilang Megastar siya ay nakilala na dahil sa kanyang pinagmulan, siya ay anak nina Pablo Cuneta at Elaine Gamboa Cuneta na ngayo’y pareho ng namayapa.

Unang nakitaan ng galing sa pag awit si Sharon noong siya ay nasa edad 12, siya ay unang napakinggan sa publiko ng sila ay dumalo sa isang birthday party kung saan kinanta umano ni Sharon ang Bato sa Hangin, dahil doon marami ang naantig sa kanyang himig kasama na si Tito Sotto na kasalukuyang presidente noon sa Vicor Music. 

Kaya naman matapos ang kanyang pagkanta siya ay agad na inalok ni Tito Sotto upang gumawa ng sarili niyang kanta, hindi naman ito pinalampas ni Sharon at ng kanyang mga magulang, sila ay agad na pumayag. Doon unang nagkaroon ng single si Sharon na ang pamagat ay Tawag ng Pagibig, bukod dun naging sunod-sunod na ang swerte ni Sharon Cuneta taong 1985, ito ang naging bukas pinto para pasokin nya ang sining sa pagaarte. 

Una siyang nakasama sa Bituing Walang Ning Ning kasama ang mga batikang actress at actor na sina Christopher de Leon at ang nag-iisang Cherie gil na ngayo’y kamakailan lang namayapa.  Dahil sa kahusayan nitong umarte naging matagumpay ang mga pelikula na binidahan nya. 

Samantala, maraming nakapansin ngayon sa biglang pagpayat ni Sharon. Marami din humanga at na-inspire sa fitness journey nito dahil k𝔦tang-kita ang kanyang pinagpaguran ng ilang taon. 

Ayon sa kanya ay nasusuot na niyang muli ang mga damit na hindi niya nasusuot dati dahil hindi na ito magkasya sa kanya. Pangarap din nito na makapag-suot ng bikini dahil nawala ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili noon dahil sa kanyang timbang.

Ilang taon din niyang pinaghirapan ang kanyang figure at dahil sa kanyang determinasyon ay nakakamit na niya ito. Sa isang IG post naman niya, size 38 na lamang daw ang kanyang jacket at nahuhulog na ang kanyang suot na pantalon kaya naman masayang masaya ito sa nakamit niya ngayon.

Tatlong taon na nang magsimulang baguhin ni Megastar ang kanyang lifestyle at eating habits. Hindi lamang daw ito para sa kanyang sarili kundi gusto din niyang mabuhay pa ng matagal para sa kanyang mga anak at apo.

Samantala, nagdiwang naman sina Sharon at Kiko Pangilinan ng kanilang ika-26th wedding anniversary ngayong taon. Isang napakahabang mensahe ang ibinahagi ni Sharon para sa kanyang asawa na may caption na,

"Happy 26th Wedding Anniversary to my boyfriend of 28 years, best friend, protector, defender, shock-absorber, biggest fan, nicest critic, “neybor,” adviser, teacher, the best father God could have ever picked for my children, our playmate - one of the best men on the planet - my Kiko. Thank you for all these rollercoaster of a ride-filled but beautiful years! I love you with all my heart and I am proud to be your wife. Here’s to the rest of our lives together! Always, your baby Sutart."

Net worth/Kayamanan: 

Ayon sa Celebrity Net worth at MSN News, nagmula umano sa Tv series, Movie, concerts, at endorsement ang earnings ni Megastar. Kaya hindi nakakapag-taka na isa siya sa mga Richest Celebrity sa ating bansa. 

Ayon sa mga balita, si Sharon Cuneta ay mayroong 1 Billion Net worth as of 2022, at nitong nakaraang buwan ay nag viral muli si Sharon Cuneta sa North Korea noong ito ay magpasyang magshopping ngunit hindi umano siya pinapasok sa sikat na Hermes shop.

Ayon sa mga bali-balita siya umano ay na-discriminate dahil sa kanyang simpleng kasuoutan, dahil sa inis ni Megastar, siya ay pumasok nalang sa Louis Vuitton at namili ng marami mamahaling produkto ng LV. 

Subalit bago ito umalis siya ay dumaan muli sa Hermes shop upang maipakita na afford niya ang kung ano mang meron sa Hermes shop. Samantala si Sharon ay may collection ng mga mamahaling gamit, siya ay mahilig magshopping, siya rin may pinapatayong mansion sa exclusibong subdivision sa Silang Cavite. 

Ngunit, hindi lang ‘yun, marami ng naipatayong bahay si Sharon. Isa na ang mansion nila ng kanyang Asawa na si Kiko o Francis Pangilinan sa Forbes park sa Makati City.

Oh ano? Tunay na buhay Mega ano? Ang kanyang angking talento ang naging susi sa kanyang tagumpay sa buhay.



No comments:

Post a Comment

Sponsor