Gaano Kayaman Sina Gretchen Barretto At Tonyboy Cojuangco?

Gaano Kayaman Sina Gretchen Barretto At Tonyboy Cojuangco?

Ganito Pala Kayaman Sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco

Successful together is better! Ayan naman talaga ang tunay na relationship goals. 

Si Gretchen Barretto ay isa sa mga popular na actress noong 80's and 90's kung saan siya mas lalong sumikat dahil sa kanyang mga ginampanan na sexy and daring roles sa mga pelikula. Ngunit alam mo ba na hindi lang siya isang Actress,  kundi isa rin siyang singer, model, at entrepreneur.

Ang kanyang asawa naman na Si Tony Boy Cojuangco ang nagma may-ari ng Asia Institute For Distance Education, Inc, at Siya rin ang  tagapangulo ng Tanghalang Pilipino, ang resident theater company ng Cultural Center of the Philippines. 

Siya rin ang Chairman ng Board of Ballet Philippines, Cinemalaya Foundation Inc. Nakilala rin si Tony bilang isang businessman at chairman sa Kompanya tulad ng CAP Life Insurance Corporation, The Philippine Trade Foundation Inc., Shang Properties, Nabasan Subic Development Corporation at ang Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc.

Educational Background: 

Kung usapang educational background naman, aba hindi magpapahuli ang mag-uwi ng diploma ang mag-asawa. Si Gretchen ay nakapag tapos ng kolehiyo sa De La Salle University, Manila, at ang kanyang asawa naman na si Tony Boy Cojuangco ay nakapag-tapos ng pagaaral sa Stanford University at Ateneo de Manila University.

Personal life: 

Sa mga nakaraang taon ng pagsasama ni Gretchen at Tony hindi naging tahimik ang kanilang pagsasama. Dahil si Gretchen ay palaging nagkakaroon ng issue pagdating sa mga lalaki na nalilink sa kanya. 

Subalit bukod sa kanya personal na buhay pagdating sa pagibig, marami rin ang bali-balita tungkol sa hidwaan nilang magkakapatid na sina Marjorie Barretto at Claudine Barretto. Alam nating lahat na ang magkakapatid na barretto ay talagang sikat pagdating sa showbiz, sila ang palaging nangunguna pagdating sa mga artista na magaling umarte at may maaamong muka. 

Kaya naman labis na kinalungkot ng mga tao ang pagkakaroon ng away-away ng mga ito. Hindi man natapos ang hidwaan nila magpasa hanggang ngayon ay maayos naman ang lagay ng buhay pagibig ni Gretchen dahil sa kabila ng mga hamon sa kanilang pagiibigan ni Tony Boy Cojuangco ay mas lalong nangingibabaw ang pagmamahalan nila at nangako rin si Tony na sila ay maikakasal sa tamang panahon.

Net worth:

Si Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuanco ay kasalukuyang naninirahan sa kanilang napaka-gandang mansion sa North Forbes Park House sa Makati City, bukod doon may bahay rin sila sa exclusibong subdivision sa Dasmarinas Village. 

Base rin sa aming pananaliksik si Gretchen ay nagpadala ng pera na may halagang 100 thousand pesos sa kanyang dating manager na si Lolit Solis bilang isang tulong sa kanyang pagpapagamot sa Hospital. Ang Net worth ni Gretchen mula sa taong 2021 hanggang 2022 ay lumagapak sa halos 185 million pesos na kalaki. 

Ito umano ay dahil sa kanyang mahusay na pag-iinvest sa stocks, substantial property holdings, lucrative endorsement deals at CoverGirl cosmetics. Siya rin ay may restaurant na Fat Barretto Burger at ang kanyang Vodka brand na Pure Wonderbarretto-Philippines. Ang kanya namang asawa na si Tony Boy Cojuangco ay halos kumikita buwan- buwan ng 5 million dahil sa kanyang hinahawakan na 17 different enterprises sa boung bansa. 

Oh diba lubos na nakakamangha, pinagtambal na parehong madiskarte kumita. Bukod sa kanilang pagmamahalan wala na talagang mas sasaya pa sa parehong umaangat na yumaman. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor