Ganito Pala Kayaman Si Luis Chavit Singson

Ganito Pala Kayaman Si Luis Chavit Singson

Ganito Pala Kayaman Si Luis Chavit Singson

Isa siya sa mga tanyag na pangalan pagdating sa yaman, siya si Chavit Singson ano kaya rason?

Si Luis Crisologo Singson o kilala bilang si Chavit Singson ay isang Filipino politician at Business Tycoon. Siya ang isa sa mga naging dating governor sa Ilocos Sur na umabot sa halos tatlong dekada. Ang magkabilaang partido ng pamilya ni Singson ay talagang parte na ng politika noon paman sa Ilocos Sur Region.

Singson's wealth:  

Bilang Chairman ng LCS group Companies, siya ay naging responsable para ganapin muli ang Miss Universe pageant pabalik sa Manila sa taong 2016. Siya ay halos naging laman ng balita sa panahong iyon, siya ang gumastos sa mga pangangailangan ng mga Miss Universe Official kasama ang accomodations, production, transportation, kagamitan at pagkain ng mga MUO candidates, at siya rin ay nagbayad ng milyones para lang maisakatuparan ang pag-ganap ng Miss Universe 2016 sa ating bansa. 

Naibalita pa noon na si Governor Chavit Singson ang bumili at gumastos ng luxury yacht na nagkakahalaga ng halos 100 million, ito ay may 5 floor ang taas, 16 bed rooms, Jacuzzi hot tubs, at entertainment room. Ang luxury yacht na iyon ang ginamit ng mga Miss Universe Candidates upang libutin ang Manila hanggang Batangas.

Subalit kahit gaano kalaki ang naitulong ni Chavit Singson sa bansa natin noong taong iyon hindi parin siya nakatakas sa mga negatibong opinion ng mga tao, marami ang balita na lumabas na kung saan nagtataka ang mga tao kung saan nangaggaling ang pera na nilalabas nya. 

Dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Chavit Singson na sagutin lahat ng paratang sa kanya. Base sa isang panayam Entrepreneur PH, ang kanyang pera umano ay nanggagaling sa kanyang mga business property. 

Dahil umano sa kanyang mga net revenue siya ay halos kumikita ng 120 million a month, meron rin siyang construction business na kumikita ng billion a month at transportation business na kumikita naman ng 100 million a month. 

Dagdag pa niya ang billion ay mabilis niya lang kitain dahil sa halos 100 plus company business na hawak niya. Ilan sa kanyang pinangalanang pagmamay-ari na property ay ang Blemp Commercial of the Philippines, Inc., Partas Transportation, The Chavit Tree Project Corp, at isang Wild Life Sanctuary na may 80 ektarya ang lawak. Ito ay kanyang pinangalanan na "BALUARTE ni Chavit Singson" na matatagpuan sa Vigan Ilocos Sur. 

Mayroon ring Commercial airline si Chavit na may rutang pang domestic at International. Bukod pa doon siya ay may pinatayong Banko sa bansa ng Puerto Rico na may pangalang (Vigan Banco International). 

Subalit nilinaw ni Chavit na ang kanyang mga yaman ay galing sa legitimate business activities at hindi galing sa corruption or illegal activities. Dagdag pa niya ang ama niya ay isang engineer. 

Bago pa man siya isinilang ay meron na silang Construction business and business properties kaya pinalago niya lamang ito ng lubosan. At base sa aming mga nakalap na impormasyon sa JournalNews.com, si Governor Chavit ay nag donate ng pera na may halagang 15 billion pesos, ayon sa kanya hindi niya umano madadala ang pera kapag siya ay namatay. 

Kaya ang pera na ito ay para sa mga imprastraktura na proyekto tulad ng mga five-star hotels, malls, convention centers, entertainments facilities, two 40-storey super towers, iconic buildings, a world television network, at mga jobs opportunities para sa mga mamamayan. 

Dagdag pa niya, masiyado na umanong marangya ang buhay niya at sapat na raw iyon para magbahagi naman ng tulong sa iba.

Oh diba! Andaming sources of income. Sa loob ng isang buwanang kita lamang ay tumatagingting na milyon na ang kanyang kinikita. Tunay na nakakalula.  


No comments:

Post a Comment

Sponsor