Ganito Pala Kayaman Si Maine Mendoza

Ganito Pala Kayaman Si Maine MendozaGanito Pala Kayaman Si Maine Mendoza

Nakukuha lang ba lahat sa pamamagitan ng pag-manifest? Pwes bukod sa Arjo cutie, sabay-sabay tayong mag pera cutie! 

Si Nicomaine Dei Capili Mendoza o kilala bilang si Maine Mendoza ay isang Filipino actress, Writer,  TV host, Comedian, at highest-paid product endorsers sa ating bansa. Siya ay mas higit na kilala bilang si 'Yaya Dub' sa tv show na Eat Bulaga. 

Kasama ang sikat na sikat noon na si Alden Richard. Sa kanilang pag-ganap ng impromptu comedy act ay talaga namang sobrang kinagigiliwan ito ng taong bayan. Sila ay nagkaroon ng Screen name na "Aldub".

Unang nakilala sa Maine Mendoza sa isang Dubsmash video kung saan ginagaya niya ang boses ni Kris Aquino. Nagsilbi itong pagbubukas ng maraming opportunity para kay Maine. Matapos noon ay napa-bilang na siya sa Eat Bulaga "Kalyeserye”, kasama ang kanyang katambalan na si Alden Richards.  

Sila ay nagpatuloy bilang magka love team na Aldub. At dahil sa matagumpay na pagpapakilig sa buong bayan, naging bunsod ito ng tuloyang pag-angat ng kanyang karera sa showbiz. 

Education/personal life: 

Bago pa man nabago ang tadhana ni Maine at mapunta sa industriya ng showbiz, siya ay talagang pinanganak na sa pamilyang may kaya. Kumbaga si Maine ay dati ng mayaman. Ang kanyang magulang na sina Mary Ann Capili Mendoza at Teodoro Mendoza Jr. ay isa na talagang negosyante. 

Ang kanyang mga magulang ay may sariling Shell Gas Station at bukod doon maraming negosyo ang kanyang pamilya. 

Pagdating naman sa kanyang pag-aaral, siya ay nag Highschool sa St. Paul sa Bocaue Bulacan at ng siya ay tumungtong sa kolehiyo, nag-aral siya sa De La Salle College of St. Benilde at nagtapos sa kursong Hotel management and Culinary arts. Base sa aming nakalap si Maine ay mahilig magsulat. Dahil sa kanyang hilig magsulat, meron na siyang naibahaging libro sa publiko tulad ng kanyang sinulat na 'You! I Am That Girl' na na- released sa taong 2017, kung saan naging madaliang sold out sa loob lamang ng ilang oras. 

Net worth/wealth/business:  

Pagdating sa negosyo si Maine ay may maraming Franchise sa mga sikat na Fast food Restaurants sa ating bansa gaya ng McDonald's. 

Isa sa lugar ng pinaglagyan niya ng kanyang Restaurant Franchise ay ang kanyang home town sa Sta. Maria Bulacan na talagang namang dinomug ng mga tao. At taong sa 2021 si Maine ay inanyayahan ng PEP.Ph sa isang Zoom Interview, ayon sa actress siya ay may pinapatayong mansion sa isang exclusive subdivision. 

Ito umano ay may two-story mansion with pool, entertainment room at may malawak ng garden. Ayon naman sa Star News (Asia) si Maine Mendoza ay may Net worth na 12 Million pesos sa taong 2017. At siya umano ang Top Regional Individual Taxpayer sa bansa ayon sa The Bureau of Internal Revenue (BIR)

Kumikita rin ng malaki si Maine Mendoza sa kanyang mga iniendorsong produkto, at as of 2022, ang kanyang estimated net worth ay umabot na sa 87 Million pesos.

Tunay ngang nakakabilib ang diskarteng pang-masa ni Maine Mendoza. Ikaw anong opinion mo sa ating bagong chika?


No comments:

Post a Comment

Sponsor