Artistahing Anak Ng Mga Pinoy Celebrites Na Hindi Pinasok Ang Showbiz
Mga Artistahing Anak Ng Mga Pinoy Celebrites Na Hindi Pinasok Ang Showbiz
Maraming mga sikat na celebrities ang may mga anak na artistahin pero mas pinili ang pribado at tahimik na buhay.
Ang iba ay mas pinili nilang makapagtapos ng pag-aaral dahil alam naman natin na hindi permanente ang buhay sa showbiz. Kaya ating kilalanin ang mga anak ng mga sikat na Pinoy celebrities na artistahin pero hindi sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang sa industriya ng showbiz.
1. Myki Manalo
Bukod sa pagiging komedyante at co-host ng Eat Bulaga ay isa rin si Jose Manalo sa mga may anak na malayo na ang narating sa buhay. Siya ay si Myki Manalo na 30 taong gulang na ngayong taon.
Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa De La Salle University sa Maynila noong 2012 sa kursong Bachelor of Science in Psychology. Nakapagtapos din siya ng Doctor of Medicine sa FEU-NRMF Institute of Medicine at lisensyadong doktor na.
Tulad ng kanyang ama, mahilig din si Myki na kumanta, sumayaw at umarte. Malapit din sila sa isa't-isa at malaki ang pasasalamat ni Myki sa ama dahil sa suporta nito sa kanya lalo na noong nag-aaral pa ito.
2. Lyza Bayola
Katulad ng kanyang ka-tandem na si Jose Manalo, maraming hindi nakakaalam na meron din na artistahing anak si Wally Bayola na si Lyza.
Malaking ang paghanga ni Lyza sa kanyang ama lalo na noong gumanap ito bilang Lola Nidora sa Kalserye na nagpakilig sa mga milyon-milyong tao dahil sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang ALDUB. Madalas din dumalaw si Lyza sa studio ng Eat Bulaga at nakabonding na rin niya ang mga co-hosts ng programa.
3. Jocas de Leon
Lima ang anak ng Eat Bulaga main host na si Joey de Leon at ang dalawa dito ay sa dati niyang asawa na si Daria Ramirez.
Sila ay sina Kimpee at Chinee de Leon. Ang anak naman nila ni Eileen Macapagal na si Jocas ay kapansin-pansin din sa social media dahil sa taglay nitong kagandahan. Hindi lamang ganda kundi matalino din si Jocas dahil nakapagtapos siya sa isang kilalanng unibersidad sa New York sa kursong Bachelor's Degree in Economics at siya ang naging cum laude sa kanilang klase.
May master's degree din siya sa luxury brand management sa isang eskwelahan sa London. Marami ang nagsasabi na mas kamukha niya ang kanyang ina na si Eileen at nakuha naman ang katalinuhan kay Joey.
4. Maxine Gutierrez
Ang bunsong anak nina Ramon Christopher o mas kilala bilang Monching at Lotlot de Leon na si Maxine Gutierrez ay kapansin-pansin din sa social media dahil sa artistahin nitong mukha tulad ng kanyang kapatid na si Janine Gutierrez.
Siya ay 22 taong gulang na ngayon at maraming nagsasabi na para silang kambal ng kanyang ate Janine dahil halos magkasing-tangkad at halos pareho ang hugis ng kanilang mga katawan.
5. Alex Jazz
Si Alex Jazz ay ang anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Siya ay labing-apat na taong gulang na at kapansin-pansin ang taglay nitong kagwapuhan.
Mapapanood din natin na tila ba artistahin ang galaw at mukha ni Alex, may pinost kasi si Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram na kung saan nagpapamahagi din ito ng sikat na content na “a day in jazz life”. Hindi naman talaga maipagkakaila na possibleng may kinabukasan ang kanyang binata sa industriya ng showbiz.
6. Raechelle Marie at Marella Rosabelle Ricketts
Si Ronald Ricketts o mas nakilala bilang Ronnie Ricketts ay isa sa mga batikang aktor na sa mundo ng Philippine showbiz. Siya ay ikinasal sa aktres na si Mariz Ricketts noong 1993 at biniyayaan sila ng dalawang anak na babae na sina Raechelle Marie at Marella Rosabelle Ricketts.
Naging usap-usapan sila noon sa internet dahil maraming netizens ang nakikitaan sila ng potensyal sa showbiz dahil sa taglay nilang kagandahan.
7. Ria Mae Subong
Agaw pansin ngayon ang anak na komedyanteng si Pokwang na si Ria Mae dahil sa taglay nitong karisma. Siya ay half Filipino/Japanese at lumaki sa Pilipinas. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa Enderun Colleges sa kursong Culinary Arts.
Bago pa man sumikat si Pokwang ay naging entertainer/choreographer at dancer siya sa Japan noon kung saan niya nakilala ang ama ni Ria Mae na isang Japanese.
8. Sebastian Uy
Madaming nagulat nang magdesisyon si Julia Clarete na mag-resign bilang isa sa mga co-hosts ng Eat Bulaga noong 2015. Ayon sa kanya ay kailangan muna niyang mag-focus sa kanyang personal na buhay at sundan ang kanyang puso.
May isang anak na lalaki si Julia na si Sebastia na anak nila sa dati niyang asawa na si Stephen Uy. Maraming nakapansin sa artistahing mukha ng anak na pang matinee idol. Ayon kay Julia ay napakasipag, matalino, bibo na bata si Sebastian.
Sila ay ilan lamang sa mga anak ng mga Pinoy celebrities na hindi pinasok ang pag-aartista at pinili ang pribadong buhay.
No comments:
Post a Comment