Kilalanin Ang Mga Pinay Celebrities Na Buntis Ngayong 2023

Kilalanin Ang Mga Pinay Celebrities Na Buntis Ngayong 2023

Kilalanin Ang Mga Pinay Celebrities Na Buntis Ngayong 2023

Ang pagbubuntis o pregnancy ay isa sa mga hindi malilimutang kabanata sa buhay ng maraming kababaihan. 

Para naman sa mga  hinahangaan nating pregnant celebrity, maaari rin itong maging isang panahon ng matinding excitement habang ibinabahagi nila ang kanilang kasiyahan at pregnancy journey sa kanilang mga tagahanga.

Paraan ng Pregnancy Reveal ng mga Celebrity:

Sa Pilipinas, maraming sikat na artista, mang-aawit, at personalidad ang nagpahayag ng kanilang pagbubuntis nitong mga nakaraang taon.

Mula sa tradisyunal na pregnancy photo shoot hanggang sa mga social media announcements, ipinakita ng mga celebrity mother-to-be na ang pagbubuntis ay maaaring maging simple, glamorous, maganda, nakakakaba, at higit sa lahat ‘empowering’.

Sa artikulong ito, kikilalanin natin ang mga celebrity na buntis noong 2022 at magiging ganap na ina ngayong 2023! Aalamin din natin kung paano nila ibinahagi ang kanilang pregnancy journey sa kanilang mga tagahanga.

Mga Pinay Celebrities Na Buntis Ngayong 2023

Iza Calzado

Si Iza Calzado ay isang kilalang aktres, TV host, dancer, at model sa showbiz. Ikinasal siya kanyang asawang si Ben Wintle, isang British-Filipino tech-businessman, noong 2018. Sa edad na 40, nabiyayaan si Iza ng isang napakagandang biyaya, ito ay ang maging isang ina.

Noong Agosto 12, 2022, inanunsyo niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang makabagbag-damdaming Instagram post. Simula noon, ibinabahagi niya ang kanyang pregnancy journey sa kanyang mga tagahanga sa social media. 

Kamakailan lang, masayang pinasilip ni Iza ang masayang surprised baby shower na inihanda ng kanyang pamilya at mga kaibigan para sa kanya. Inaasahang manganganak si Iza anumang oras ngayong Enero o unang linggo ng Pebrero 2023.

Isabelle Daza

Noong Nobyembre 7, 2022, ginulat ng actress-host at model na si Isabelle Daza ang kanyang mga followers sa Instagram matapos niyang inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa baby number 3 nila ng kanyang asawang si Adrien Semblat. Ang anunsyo ay ginawa ni Belle sa isang malikhain at nakakatawang paraan  kung saan nag-pose siya sa isang Halloween poster at ibinida ang kanyang baby bump.

Kamakailan naman ay ibinahagi ni Belle na siya ay kasalukuyang nasa kanyang ika-28 linggo ng pagbubuntis. Excited na nga ang kanilang fans sa pagdating ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya. Isinilang ni Belle ang kanilang panganay na si Baltie noong 2018, habang ang ikalawa nilang anak na si Valentin ay isinilang naman niya noong 2021.

Bianca King

Sumikat ang aktres na si Bianca King noong 2004 matapos maging bahagi ng Kapuso teen-oriented show na "Click". Nakilala siya sa kanyang mga papel sa maraming hit Kapuso series tulad ng "Mulawin", "Sinner or Saint", at "Broken Vow". 

Gayunpaman, noong 2021, iniwan ni Bianca ang showbiz para sa isang mas simpleng buhay sa Australia pagkatapos niyang pakasalan si Ralph Wintle, ang kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

Mula noon ay sinusubaybayan na maraming fans ang kanyang bagong buhay sa Australia. Agosto ng nakaraang taon, ibinalita ni Bianca ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ni Ralph. Hindi maikakaila na namimiss na ng kanyang mga tagahanga ang kanyang pag-arte, ngunit masaya naman sila sa bagong kabanata ng buhay ni Bianca sa Australia. 

Roxanne Barcelo

Pinananatiling pribado ng TV actress na si Roxanne Barcelo ang kanyang buhay pamilya mula nang umalis siya sa entertainment industry noong 2019. Ikinasal siya sa kanyang asawang Amerikano na si Jiggs, at kasalukuyan silang naninirahan sa Taiwan. Noong Mayo 2021, winelcome nila ang kanilang unang anak na si Cinco. 

Setyembre ng nakaraang taon naman ay ibinalita ni Roxanne na buntis siya sa kanilang pangalawang anak na isa pa ring baby boy. Nakatakda namang manganak si Roxanne anumang araw ngayong Enero.

Samantala, laging pinag-uusapan ang celebrity pregnancy. Bukod sa excitement, kapupulutan din ng inspirasyon ang kanilang pregnancy journey para sa kapwa nila buntis o naghahangad na magkaanak.

Rachel Peters

Ang Miss Universe Philippines 2017 na si Rachel Peters ay masayang inanunsyo sa kanyang social media ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng mister na si Congressman Migz Villfuerte. 

"Been baking a little bun. Can’t believe we’re a family of four!!!"

"Also belated happy birthday to the hubs- you already know this counts as your gift for the next few years. Love you & love us forever." @@@

Rachelle Ann Go

Ang theatre actress na si Rachelle Ann Go ay buntis sa kanilang pangalawang anak ni Martin Spies. Disyembre noong nakaraang taon ng inanunsyo ng singer sa kanyang Instagram ang kanyang pagbubuntis. 

Masaya at tahimik na ang buhay niya ngayon sa ibang bansa kasama si Martin at ang panganay nilang anak na si Lukas Judah Spies. 

Muli, congratulations sa mga soon-to-be-celebrity-mom na ito!


No comments:

Post a Comment

Sponsor