Dennis Padilla, todo effort parin para mapansin ng kanyang mga anak

Dennis Padilla, todo effort parin para mapansin ng kanyang mga anak

Dennis Padilla, todo effort parin para mapansin ng kanyang mga anak

Usap-usapan ngayon ang isang video na ibinahagi ng aktor na si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account kung saan nagpaabot siya ng pagbati noong kapaskuhan sa kanyang mga anak na sina Julia, Claui, at Leon Barretto. Pati ang anak nina Marjorie at Kier Legaspi na si Dani ay binati din ni Dennis. Pero lumipas na ang Pasko at Bagong Taon ay wala parin natanggap na mensahe ang aktor sa kanyang mga anak. 

Magkakasamang nagdiwang ng kapaskuhan at bagong taon ang pamilya ni Marjorie kasama sina Julia at kasintahan na si Gerald Anderson, Dani at ang kanyang mister, Claui, at Leon.

Sa panayam ni Karen Davila noon kay Julia, inamin ng aktres na hindi parin maayos ang estado ng relasyon nila ng kanyang ama at hindi parin sila nag-uusap.

Aniya, "I'll be very honest, we have not spoken and it's because there's just so much fear inside me now if I am being very open. I'm just really scared because I feel like over the years it's been a cycle of making up and then getting hurt and then waking up and then getting hurt."

"You know, I kind of just want to 'huminga muna from that cycle' and I've just been praying also na I don't know maybe in God's time and way na mag meet kami in the middle without having to get hurt again."

Maraming beses na daw nagreach-out sa kanya ang kanyang ama pero hindi pa daw ito ready na makaharap siya at ayaw niyang maging sapilitan ito dahil masasaktan lamang silang dalawa.

Masakit din umano itong isipin dahil dati ay sila lamang dalawa ni Dennis ang may hindi pagkaka-unawaan pero nadamay na rin ang kanyang mga kapatid lalo na si Leon.

Marami naman netizens ang nalungkot at naawa kay Dennis dahil hanggang ngayon ay pinagpipilitan parin niya na magkaayos sila ng kanyang mga anak. Madaming beses na din nagpost si Dennis sa kanyang social media account para mamalimos ng atensyon at pagmamahal pero bigo ito.

Iba't-ibang kumento ang natanggap ni Dennis mula sa mga netizens patungkol sa pag-abot ito ng mensahe sa mga anak sa pamamagitan ng kanyang Instagram. 

"Ako sayo sir Dennis wag mo na ho ipagpilitan sarili nyo. Nagmumukha kayung kawawa. Sana sa 2023 kalimutan nyo na mga taong nakalimutan kayo."

"Kawawa mga anak mo. Bina bash ng mga taong hindi naman sila kilala at hindi alam ang buong story ng pag aaway nyo."

"Di po masamang umasa. Sana dumating na po ng araw na inaasam nyo na sana mkasama nyo po sila. In God's time po, wala po imposible."

"I grew up without dad , he is still alive ,, i dont believe that your children dont love you and i dont believe that they hate you , dee in their heart there is love , if they say they dont , they are not telling the truth …… Their mom has to tell them that you are their father and your love is unconditional … one day you will be gone … my mom and dad is separated but never did my mother tell bad things about my dad."

"I can't still understand why ganun ka nalang idedma ng mga anak mo sir... Ako sobrang close ko sa father ko.. Sana wag turuan ng mother ang mga anak nyo to hate you bcoz you are still the father.. That's how I told to my kids also.. Kahit anong pagkukulang pa Un at magka hiwalay pa kau u are still the father. "


No comments:

Post a Comment

Sponsor