Heart Evangelista at Chiz Escudero, nagkasama ulit matapos ang hiwalayan rumor

Heart Evangelista at Chiz Escudero, nagkasama ulit matapos ang hiwalayan rumor

Heart Evangelista at Chiz Escudero, nagkasama ulit matapos ang hiwalayan rumor
Tila normal na lang sa atin na makabasa o makarinig na naghiwalay na ang isang celebrity couple. Taun-taon nga ay may celebrity couple na naghihiwalay, magkasintahan man o mag-asawa.

At noong 2022, marami-rami rin ang mga celebrity couple na naghiwalay o pinaghihinalaang naghiwalay. Isa nga sa mga mainit na tinalakay na hiwalayan rumor noong nakaraang taon ay ang paghihiwalay ‘di umano ng mag-asawang sina Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Tinaguriang power couple sa showbiz:

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na tinaguriang power couple sa showbiz sina Heart at Chiz.

Si Heart na nasa showbiz na mula pa noong siya ay teenager ay itinuturing na isa sa mga magagaling na artista o top actress ng bansa.

At bukod sa pagiging artista, kilala rin si Heart bilang isang international luxury influencer. Ang kanyang impluwensya ay hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Habang si Chiz naman, kahit hindi isang artista, ay isa ring sikat na personalidad, lalo na sa larangan ng pulitika.

Isa siyang abogado, dating senador at ngayon ay tumatayong gobernador ng probinsya ng Sorsogon.

Kaya naman nang maging magkarelasyon ay tinagurian silang power couple dahil sa kanilang kasikatan at impluwensiya.

Mga pagsubok na hinarap nina Heart at Chiz:

Hindi naman lihim sa publiko na maraming pagsubok na pinagdaanan sina Heart at Chiz bago maikasal.

Isa na rito ang pagtutol ng mga magulang ni Heart sa relasyon niya kay Chiz.

Taong 2012 nang unang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon. Unang nagkakilala ang dalawa dahil sa yumaong senadora na si Miriam Defensor-Santiago.

Noong mga panahong iyon ay kaka-annul pa lang ng kasal ni Chiz sa dati nitong asawa habang si Heart ay kagagaling lang din sa hiwalayan nito sa hunk actor na si Daniel Matsunaga.

Nagkamabutihan nga ang dalawa at kalaunan ay naging magkasintahan. At sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ni Heart, nauwi rin sa simbahan ang relasyon ng dalawa.

Pebrero 15 taong 2015 nang mangyari nga ang mala-fairytale na wedding nina Heart at Chiz sa Balesin island.

Makalipas ang ilang taon ay naging masaya ang pagsasama nina Heart at Chiz hanggang noong 2018 ay isa na namang matinding pagsubok ang dumating sa kanila.

Ito ay matapos makunan si Heart at mawala ang ipinagbubuntis niyang kambal.

Hiwalayan rumor noong 2022:

At nitong 2022 lamang nga tila muling nasubok ang relasyon ng mag-asawa matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila.

Nag-ugat ang hiwalayan rumor na ito matapos burahin ni Heart ang apelyido ni Chiz sa kanyang Instagram account.

Ang pag-amin naman ni Heart na dumadaan siya sa ilang personal challenges ay nagpasiklab din sa hinala ng netizens na hiwalay na sila ni Chiz.

Hindi rin nakatulong ang balitang lumipat siya ng tirahan.

Gayunpaman, hindi kinumpirma o itinanggi nina Heart at Chiz ang balitang hiwalay na raw sila.

Sweet message ni Heart para kay Chiz:

Hanggang noong Disyembre 26 lamang ay ginulat ni Heart ang marami nang i-tag niya sa kanyang post si Chiz.

Kinilig din ang marami sa iniwan niyang mensahe para kay Chiz.

Ani Heart, “Living between 2 worlds Paris and Manila. 2 clocks in one @philipstein walking around Paris before heading home for New Year. Ps See you soon @escuderochiz”

Dahil nga sa Instagram post na ito ni Heart kaya natuldukan na ang balitang hiwalay na sila ni Chiz.
Magkasamang nagdiwang ng Bagong Taon:

At mula nang magsimula ang tsismis, namataan sina Heart at Chiz na magkasamang nagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa isang Instagram post, nagbahagi si Heart ng isang family picture kuha mula noong Bagong Taon.

Sa nasabing larawan ay kasama niya si Chiz at ang dalawang anak nito. Sa hiwalay na larawan, makikita ring sweet na magkahawak-kamay ang dalawa.

Caption pa ni Heart sa kanyang post, “Happy 2023”.

Patunay lamang ito na hindi totoo ang kumakalat na balita na hiwalay na sila ni Chiz.

Samantala, bagama’t nagkasama ulit sina Heart at Chiz matapos ang hiwalayan rumor, hindi maikakaila na dumaan sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon noong 2022.

Subalit ang pinagkaiba lang nila sa ibang celebrity couples ay hindi nila ito isinapubliko.

Pinatunayan nga nilang hindi lahat ng nangyayari sa buhay ng mga artista o sikat na personalidad ay kailangang ibahagi sa social media.

Minsan mas mainam na panatilihin itong pribado upang maiwasang lumalala ang problema dahil sa dami ng mga nakikisawsaw rito.

No comments:

Post a Comment

Sponsor