Kilalanin Ang Artistahing Kapatid Ni David Licauco Na si James Licauco

Kilalanin Ang Artistahing Kapatid Ni David Licauco Na si James Licauco

Kilalanin Ang Artistahing Kapatid Ni David Licauco Na si James Licauco

Isa si David Licauco sa mga sinusubaybayan ngayong aktor lalo na ng mga kababaihan. Ngunit alam n'yo bang ang napakagwapong Kapuso hunk actor na ito na kinahuhumalingan ngayon ng marami ay may artistahing kapatid din pala? Siya ay walang iba kundi si James Licauco.

Viral sa social media:

Naging maugong ang pangalan ni David noong nakaraang taon dahil sa galing ng kanyang pagganap sa karakter ni ‘Fidel’ sa historical drama series na "Maria Clara at Ibarra".

Dahil sa kanyang kasikatan kaya naman marami ang naintriga sa buhay ni David. Hindi nga pinalampas ng fans ang mga detalye tungkol sa kanya, pati na ang tungkol sa kanyang pamilya. 

Kaya naman nalaman ng marami na may kapatid siyang papasa ring maging isang artista!

Kilalanin si James Daniel Licauco:

Si James ay kasalukuyang 20 taong gulang. Siya ay nakababatang kapatid ni David. Marami ang nagsabing mistula siyang  ‘mini-me’ ni David dahil talagang magkamukha silang dalawa. 

Sinasabing namana nina David at James ang kanilang kagwapuhan sa kanilang ama na si Jac Licauco. Dahil nga sa taglay nilang kagwapuhan, sumasabak na rin si James sa pagmomodelo gaya ng kanyang Kuya David.

Bukod naman sa pagmomodelo, ay nag-aaral ngayon si James sa Ateneo de Manila University . At tulad ng kanyang Kuya David, mahilig din siya sa sports gaya ng basketball. Maliban naman sa basketball, volleyball ang isa pang sport ni James. 

Siya ay miyembro ng Ateneo Men’s Volleyball Team. Ang kanyang position sa team ay setter. At sobrang galing niyang maglaro. Dahil nga riyan, marami ang nahuhumaling sa kanya. Marami rin ang kinikilig tuwing siya ay naglalaro. Talaga namang hinihiyawan siya sa court kapag naglalaro. 

Mas nakilala naman siya ng netizens dahil sa pagiging aktibo niya sa social media gaya ng TikTok. Unang upload pa lamang niya ay napansin agad siya ng marami dahil nga sa pagkakahawig  niya sa kanyang Kuya David. 

Madalas namang ibahagi ni James sa kanyang TikTok account ang mga bagay tungkol sa kanyang mga laro. Bukod dito, madalas din niyang maging content ang dance performances niya na laging pinupusuan ng netizens at nagti-trending. Katunayan, napakarami na rin niyang followers sa TikTok at maging sa Instagram.

Sa ngayon ay wala pa namang nababalitang girlfriend si James. 

May ‘future’ sa showbiz:

Samantala, hindi maikakaila na may kalalagyan sa showbiz si James. Maliban sa gwapo, talented at athletic din siya.  Kapansin-pansin din ang maganda niyang pangangatawan. Kung kanya ngang gugustuhin ay pwedeng-pwede siyang mag-artista at tiyak gaya ng kanyang kapatid ay hahangaan din siya ng marami.

Ngunit mukhang wala pa sa plano ni James an mag-artista dahil nga pokus muna siya ngayon sa kanyang pag-aaral, sports, at trabaho bilang isang modelo at social media personality.

Gayunpaman, alam ng lahat na naghihintay lang ang mundo ng showbiz sa kanyang pagpasok.


No comments:

Post a Comment

Sponsor