Danica Sotto, Isinilang Na Ang Ikatlong Anak Nila Ni Marc Pingris

Danica Sotto, Isinilang Na Ang Ikatlong Anak Nila Ni Marc Pingris

Danica Sotto, Isinilang Na Ang Ikatlong Anak Nila Ni Marc Pingris

Isinilang na ni Danica Sotto-Pingris ang ikatlong anak nila ng basketbolistang si Marc Pingris na pinangalanan nilang Baby Jean-Luc Pingris. Sa Instagram ng mag-asawa, ibinahagi nila ang mukha ng kanilang bagong silang na anak. 

Caption ni Danica, 

"All glory, praise and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery. Our hearts our filled with so much joy!!! Still feels so surreal. Can’t believe he’s finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us."

Ito naman ang kay Marc, 

"LORD, thank you! Gabayan nyo po ako na mapalaki sila ng maayos at gabayan mo ko Lord sa lahat lahat ng bagay na gagawin ko para sa pamilya ko.Salamat at maayos na nanganak si Danica salamat po Ama! Welcome to the world Jean-Luc pingris! Love you! Thank you sa mga kaibigan at family namin ni danica sa lahat ng mga nag pray!"

Nagpaabot naman ng pagbati sina June Mar "The Kraken" Fajardo, Jimmy Alapag, Japeth Aguilar, Kg Canaleta, Bianca Gonzalez, Pauleen Luna, Iya Villania, Camille Prats, RR Enriquez, Carla Abellana, Sunshine Dizon, Karla Estrada, Iza Calzado, Lizz Uy, Mariel Padilla, Jackie Forster, Marjorie Barretto, Isabelle Daza at marami pang iba.

May dalawang anak sina Marc at Danica bukod pa kay Jean-Luc na sina Jean-Michel na isinilang noong June 26, 2008 at Anielle Micaela na ipinanganak naman noong September 20, 2011. 

Answered prayer ito para sa mag-asawa dahil sampung taon din ang hinintay nila bago ulit nabuntis si Danica. 

Ayon kay Marc ay lima sana ang pinaplano nilang anak pero masaya na siya sa tatlong biyaya sa kanila ng Panginoon.


No comments:

Post a Comment

Sponsor