Pinakamayamang Pinoy Gay Celebrities
Pinakamayamang Pinoy Gay Celebrities
Ang Pilipinas ay tahanan ng maraming matagumpay at mayayamang gay celebrities. Ngunit ang mga gay celebrities na kasama sa listahang ito ay itinuturing na pinakamayaman sa lahat ng Pinoy gay celebrities. Kilalanin sila!
Vice Ganda
Siya ay ang pinakasikat at nangungunang komedyante sa bansa. Bukod din sa pagiging komedyante, siya rin ay isang aktor, TV host, at vlogger na kilala sa kanyang makulay at kwelang personalidad na mabilis magpatawa sa madla.
Siya ay bumida na sa ilang mga pelikula at palabas sa telebisyon, at isa ring regular host sa sikat na Kapamilya noontime show na "It’s Showtime," kung saan niya nakilala ang kanyang partner na si Ion Perez. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa mahigit $40 milyon ang net worth ni Vice.
Boy Abunda
Siya ay isang beteranong talk show host at talent manager, na kilala sa kanyang katalinuhan at propesyonalismo. Siya ay binansagang “Asia’s King of Talk” matapos siyang maging host ng ilang sikat na talk show sa telebisyon gaya ng “The Buzz”, “Showbiz News Ngayon”, “The Bottomline With Boy Abunda”, at “Tonight With Boy Abunda”. Noong nakaraang taon ay nagdesisyon lumipat si Boy sa GMA Network kung saan siya nagsimula.
Dahil sa kanyang kasikatan, impluwensiya, at tinatayang net worth na $10 milyon, kaya tinagurian si Boy na isa sa pinakamayamang gay celebrity sa Pilipinas.
Michael Cinco
Itinuturing na Pinoy pride, isa siyang sikat na Filipino fashion designer ng mga mayayaman at kilalang personalidad sa buong mundo na naka-base sa Dubai. Siya ay sumikat sa international fashion scene dahil sa kanyang napakagandang ball gowns at dresses.
Ilan lang sa mga sikat na international celebrities na naging kliyente niya ay sina Beyonce, Jennifer Lopez, Lady Gaga, at marami pang iba. Sa tinatayang net worth na halos $6 milyon, si Michael ay itinuturing na isa sa pinakamayamang Pinoy gay celebrity.
Raymond Gutierrez
Siya ay isang kilalang Filipino television host, actor, model, at negosyante. Galing siya sa angkan ng mga Gutierrez, na isang prominenteng pamilya sa showbiz. Siya rin ay kasalukuyang in a relationship sa kanyang foreign partner na si Robert Williams na nakabase sa California.
Ang kabuuang yaman ni Raymond ay tinatayang nasa $3 milyon, kaya itinuturing siyang isa sa pinakamayamang gay celebrity sa bansa. Nabuo niya ang kanyang kayamanan hindi lamang mula sa kanyang matagumpay na showbiz career kundi pati na rin sa kanyang mga negosyo.
Joel Cruz
Siya ay isang negosyante at entrepreneur, na kilala sa kanyang luxury brand ng pabango na Aficionado Germany Perfume. Binansagan siyang “King of Scents” at itinuturing na isa sa pinakamayamang indibidwal sa Pilipinas na may tinatayang net worth na $12 milyon.
Ang kanyang yaman ay nagmumula mula sa kinikita ng kanyang perfume company at ilan pang negosyo. Umabot sa tumatagingting na 60 milyon pesos ang ginastos ni Joel Cruz para maisakatuparan lamang ang pangarap niyang pagkakaroon ng sariling pamilya sa pamamagitan ng surrogacy sa Russia.
Sa ngayon ay may walong anak si Joel na lahat ay produkto ng surrogacy.
Rajo Laurel
Si Rajo Laurel ay isang kilalang Filipino fashion designer na gumawa ng isang matagumpay na karera mula sa industriya ng fashion. Siya ay itinuturing na isa sa pinakakilala at pinakamayamang fashion designer sa Pilipinas.
Siya ay kilala sa kanyang pagkamalikhain at likas na artistic talent pagdating sa design. Siya rin ay may malawak na hanay ng mga kliyente at nakabihis ng maraming mga kilalang tao at pulitiko. Tinatayang nasa $1 hanggang $5 milyon ang kabuuang net worth ni Rajo kaya naman pasok siya sa listahan ng pinakamayamang Pinoy gay celebrity.
Hindi maikakaila na ang mga Pinoy gay celebrities na ito ay hindi lamang nakamit ang tagumpay sa kani-kanilang karera, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa kanilang mga kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community.
Napatunayan nila na posibleng makamit ang mga pangarap sa buhay, anuman ang kanilang kasarian at sekswalidad. Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing paalala rin sa lahat na ang anumang bagay ay posible kung may pagsisikap, determinasyon at tiyaga ang isang tao.
No comments:
Post a Comment