Mga Anak ng Celebrities na Pang-Beauty Queen Ang Ganda

Mga Anak ng Celebrities na Pang-Beauty Queen Ang Ganda

Mga Anak ng Celebrities na Pang-Beauty Queen Ang Ganda

Sa larangan ng pageantry, kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang nagpo-produce ng maraming beauty queens.

At kung titignan ang mga naggagandahang celebrity kids na ito, hindi maikakaila na bukod sa kanilang 'artistahin looks', pang-beauty queen din ang taglay nilang ganda na pwedeng-pwede ilaban sa mga beauty pageant. Kilalanin sila!

Mga Anak ng Celebrities na Pang-Beauty Queen Ang Ganda:

Juliana Gomez

Pangalan pa lang niya ay talagang pang-beauty queen na! Si Juliana Maria Beatrice Torres-Gomez o mas kilala ng publiko bilang 'Juliana' ay ang nag-iisang anak ng celebrity power couple na sina Lucy Torres at Richard Gomez. Bata pa lang ay napapansin na ng marami ang taglay na ganda ni Juliana na namana niya mula sa kanyang mga magulang. 

Marami nga ang nakapagsabing pwedeng pasukin ni Juliana ang showbiz at maging ang mundo ng pageantry. Bukod kasi sa pagiging maganda, matangkad din si Juliana at kahanga-hanga ang achievement sa buhay. 

Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa University of the Philippines kung saan kumukuha siya ng kursong Public Administration. Kamakailan, naging maugong din ang kanyang pangalan matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa isang international fencing competition.

Maxine Gutierrez

Galing si Maxine sa angkan ng mga ‘Gutierrez’ na kilala ring pamilya ng mga artista. Siya ang bunsong anak ng dating celebrity couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez. Nakatatandang kapatid naman niya ang aktres na si Janine Gutierrez! Kaya naman masasabing dumadaloy ang kagandahan sa kanyang dugo.

Siya ay 23 taong gulang at nasa kolehiyo na. At hindi tulad ng kanyang Ate Janine, hindi siya sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang at naging artista. Gayunpaman, siya ay sumabak sa modeling. Sa bawat litrato nga niya sa kanyang social media account, kapansin-pansin ang kanyang kaakit-akit at mala-beauty queen na kagandahan.

Atasha Muhlach

Isa sa ‘bet’ ng maraming pageant fans na celebrity kids na pwedeng sumabak sa beauty pageant ay ang unica hija ng showbiz royalties na sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach na si Atasha. 

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Charlene ay isang beauty queen kung saan hawak niya ang titulong Bb. Philippines Universe 1994. Habang si Aga ay itinuturing na isa pinakagwapong aktor sa bansa. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit pinaghalong artistahin at pang-beauty queen ang kagandahan ni Atasha. 

Maliban naman sa kagandahan, talagang pang-beauty queen din ang tangkad ni Atasha na nasa 5’6 hanggang 5’7 ft. Maliban dito, kahanga-hanga rin ang kanyang credentials. Hindi naman isinasarado ni Atasha ang kanyang pinto sa pageantry. Ngunit sa ngayon, pokus muna siya sa kanyang pag-aaral. Siya ngayon ay kumukuha ng kursong business sa isang unibersidad sa United Kingdom.

Lorin Gabriella Bektas

Manang-mana sa kanyang Mommy Ruffa, kapansin-pansin ang mala-beauty queen na ganda at kaseksihan ng 19 taong gulang na si Lorin Gutierrez-Bektas. Matatandaang taong 1993 nang makoronahan bilang Bb. Pilipinas World ang actress-host na si Ruffa. Hindi nga imposibleng sumali sa pageantry ang kanyang panganay sa kanyang dating mister na ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Sa kanyang Instagram account, makikitang dalagang-dalaga na si Lorin at mahilig sa fashion at modeling. Madalas pusuan ng  netizens ang mga larawan ni Lorin suot ang ilang trendy fashion. Hinahangaan din ng marami ang napakaganda niyang katawan na ifini-flex niya sa kanyang mga bikini photos. 

Sa kasalukuyan ay nag-aaral sa Pepperdine University sa Los Angeles, California, U.S.A. si Lorin kung saan kumukuha siya ng kursong business.

Kendra Kramer

Sa edad na 13, nakitaan na ng potensyal ng marami ang panganay na anak nina Cheska Garcia at Doug Kramer na si Kendra na maging isang beauty queen. Sa katunayan, binansagan siya ng marami bilang ‘beauty queen in the making’. Dahil din sa pagkakahawig nila ni Catriona Gray kaya binansagan siyang susunod na Miss Universe.

Una nang napansin ng marami ang potensyal ni Kendra maging isang beauty queen nang sumabak siya sa isang photoshoot kung saan pinakita niya ang kanyang modeling poses. 

Dahil sa ganda ng resulta nito, kaya naman marami ang tila hindi na makapaghintay sa kanyang paglaki dahil tiyak umanong mas lilitaw pa ang mala-beauty queen niyang kagandahan. At sino ang nakakaalam? Baka hindi lang showbiz ang papasukin niya kundi pati na rin ang pageantry!

Angelina Cruz

Si Angelina Cruz Montano ay anak ng sikat na mga aktor/aktres na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Siya ay isang modelo at aspiring aktres na nagsimula sa kanyang showbiz career noong 2017. Taong 2020 noon pasukin niya ang pag-arte ng mapabilang siya sa TV5 sitcom na John En Ellen na pinabidahan nina Ellen Adarna at John Estrada. 

Siya ay nakatanggap ng maraming atensyon mula sa publiko dahil sa kanyang ganda at talento. Siya ay naging cover girl ng iba't-ibang mga magasin. Ayon kay Angelina ay gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz at hindi lamang dahil anak siya nina Sunshine at Cesar. 

Callie Ahmee

Si Dimples Romana ay isang sikat na aktres sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga naging pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Siya ay may isang anak na babae na si Callie Ahmee na pang beauty queen din ang ganda. 

Ayon kay Dimples ay walang balak na pumasok sa pag-aartista ang anak dahil mas gusto nitong maging isang beauty queen balang araw. Sa ngayon ay nag-aaral si Callie para maging isang piloto na isa rin sa mga pangarap niya.

Arabella Davao

Siya ay mas kilala bilang Ara at anak ng mga batikang aktor na sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao. Kapansin-pansin ang kagandahan ng kanilang anak at maraming nagsasabi na pang-beauty queen umano ang ganda nito. 

Siya ay pinakabunso sa kanilang magkakapatid at pinsan ng Kapamilya aktres na si Janine Gutierrez. Madami din nagsasabi na kahawig din niya si Maine Mendoza na nakilala bilang Yaya Dub. 

Siya ay nakapagtapos sa Ateneo de Manila University noong 2019 at parehong present ang kanyang mga magulng sa kanang graduation kahit hiwalay na sila.

Ikaw, may kilala ka bang ibang celebrity kids na pwede ring pumasa bilang beauty queen?


No comments:

Post a Comment

Sponsor