Mga Celebrities na Pinili ang Simpleng Buhay sa Probinsya

Mga Celebrities na Pinili ang Simpleng Buhay sa Probinsya

Mga Celebrities na Pinili ang Simpleng Buhay sa Probinsya

Hindi maikakailang karaniwan na sa mga celebrity ang mamuhay nang marangya. Sa katunayan, marami ang pinapasok ang pag-aartista para sila ay umangat sa lipunan. Ngunit para sa ilan, ang kinang at karangyaan na kalakip ng pagiging isang celebrity ay hindi para sa kanila. 

Katulad ng mga celebrity na ito na piniling ipagpalit ang kanilang marangya at high-profile career para sa mas simpleng buhay sa probinsya.

Mga Celebrities na Pinili ang Simpleng Buhay sa Probinsya:

John Lloyd Cruz

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga prominenteng personalidad sa Philippine entertainment industry. Siya ay binansagang “Box Office King” at sumikat dahil sa kanyang matagumpay na acting career, good looks, at on-screen chemistry sa kanyang mga nakakaparehang leading lady. Siya ay humakot na rin ng maraming parangal para sa kanyang mga natatanging pagganap sa teleserye at pelikula.

Gayunpaman, noong 2017, ginulat niya ang marami nang maghain siya ng “indefinite leave”. Kasunod nito, nilisan niya ang limelight para mamuhay nang simple at tahimik sa iba’t ibang probinsya gaya ng Cebu at El Nido Palawan. Mula noon, ilang beses nang namataan si John Lloyd na nakikipagsalamuha sa mga lokal na residente at ordinaryong tao.

Nadine Lustre

Si Nadine Lustre, ay isa sa mga matagumpay na aktres sa kanyang henerasyon. Sumikat siya sa kanyang lead role sa 2014 hit rom-com film na "Diary ng Panget" kasama ang kanyang dating ka-loveteam at boyfriend na si James Reid. Sa mga nakalipas na taon, pinili niyang lisanin ang mabilis at maingay na buhay sa lungsod para mamuhay nang simple at masaya sa isla ng Siargao kasama ang kanyang bagong boyfriend na si Christophe Bariou. 

Madalas ipasilip ni Nadine ang kanyang simpleng buhay sa isla kabilang dito ang pagsi-surf, pamamasyal sa isla, pagkonekta kalikasan at pakikisalamuha sa mga lokal na residente. Naging inspirasyon nga para sa kanyang maraming tagahanga ang pagiging mapagkumbaba ni Nadine, lalo na ang desisyon niyang mamuhay nang simple sa Siargao.

Piolo Pascual

Isa si Piolo Pascual sa mga kilala at matagumpay na aktor sa showbiz. Kilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang pelikula at teleserye, at syempre, sa kanyang kagwapuhan! Ngunit sa kabila ng kanyang katanyagan at tagumpay bilang isang aktor, pinahahalagahan ni Piolo ang mapayapa at tahimik na pamumuhay na nahanap niya sa probinsya ng Batangas. 

Noong panahon ng quarantine, pinili niyang manirahan at mamuhay nang simple at tahimik sa kanyang beach house sa Batangas, malayo sa maingay at magulong lungsod. Aminado si Piolo na nakakaramdam siya ng kasiyahan at kapayapaan sa natural na ganda ng Batangas. Nae-enjoy din umano niya ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Madalas niyang ginugugol ang kanyang libreng oras sa pagpapaganda ng kanyang beach house, swimming, scuba diving, at kahit hiking sa kabundukan ng Batangas.

Andi Eigenmann

Galing sa angkan ng mga celebrity, hindi inaasahan ng lahat na iiwan ni Andi Eigenmann ang kanyang makinang na showbiz career para mamuhay nang simple sa isla ng Siargao. Taong 2018 nang magdesisyon si Andi na permanenteng lumipat sa sikat na isla matapos niyang makilala ang fiance niyang si Philmar Alipayo na isang lokal sa isla at isa ring kilalang professional surfer.

Sa kasalukuyan, nakatira ang mag-asawa sa kanilang bagong gawang bahay sa isla kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo, at Koa. Mayroon din silang family YouTube channel tinatawag na "Happy Islanders" kung saan ibinabahagi nila ang kanilang masayang buhay sa isla.

Ipinakita lamang ng mga sikat at matagumpay na celebrity na ito na hindi lang katanyagan at kayamanan ang maaring makapagbigay ng kaligayahan at 'contentment' sa isang celebrity kundi maging ang simple ring pamumuhay sa probinsya. 

Pinatunayan nga nila sa lahat na posibleng iwanan ang makinang at marangyang mundo ng showbiz at mamuhay nang simple ngunit masaya at tahimik sa probinsya.

Gwen Zamora

Masaya at nag-e-enjoy ang dating Kapuso talent na si Gwen Zamora sa buhay niya ngayon sa probinsya kasama ang kanyang mister na si David Semerad at ang kanilang anak na si Cooper. Kasagsagan ng pandemya ng magdesisyon ang mag-asawa na lumayo muna sa maingay na buhay sa syudad at napiling manirahan muna sa probinsya para mas makalanghap ng fresh na hangin. 

Tinawag nila ang kanilang modernong bahay kubo na "Semerad Cabin." Si Gwen at David ay parehong half-Filipino at aminadong lumaki sa 'City Life.' Pareho daw nilang gustong maranasan ang buhay na hindi nila nakasanayan kaya pinili nilang magpatayo ng modern bahay kubo.

Si Gwen ay dating kabilang sa gag show ng GMA Network na Bubble Gang kasama sina Sam Pinto at Ellen Adarna.


No comments:

Post a Comment

Sponsor