Sampung Isla Na Ilegal at Ipinagbabawal Puntahan Ng Mga Tao
Sampung Isla Na Ilegal at Ipinagbabawal Puntahan Ng Mga Tao
Ano-ano nga ba ang mga ito, at bakit hindi sila p’wedeng bisitahin? Alamin natin!
Unang-una sa ating listahan, ang Lascaux Cave, na matatagpuan sa bansang France
Image via Flickr |
Ang Lascaux Cave ay isang treasure trove para sa mga arkeologo sa buong mundo. Ang cave complex ay naglalaman ng mga pre-historic painting na 17,300 taong gulang na. Ang series ng mga Paleolithic painting na ito na para bang nagmumukhang nakayakap sa dingding at naglalarawan ng mga hayop ’tulad ng baka, stags, bison at marami pa.
Kaya lang, ang kuweba ay isinarado sa publiko mula noong 1963 dahil sa paniniwala ng mga archeologist na maaaring sirain ng presensya ng tao ang sinaunang gawa ng sining.
Pumapangalawa naman ang North Sentinel Island, na matatagpuan naman sa bansang India
Image via Wikipedia |
Itinuturing na tahanan ng Sentinelese tribe, ang North Sentinel Island na matatagpuan sa Andaman chain ay isa sa mga isla sa mundo na ipinagbabawal na puntahan ng tao. Ang mga taong naninirahan sa isla ay madalas na nagiging marahas upang pangalagaan ang kanilang katahimikan.
Mahigit 50,000 taon nang naninirahan ang Sentinelese tribe sa nasabing isla sa ilalim ng proteksyon ng Pamahalaang Indian. Ang rehiyong ito ay mahigpit na ipinagbabawal para sa anumang uri ng mga bisita dahil ito ay isa sa mga pinakamapanganib na lugar sa mundo.
Pangatlo ay ang Surtsey Island
Image via Arctic Image |
Isang maliit na isla na matatagpuan sa isang arkipelago sa katimugang baybayin ng Iceland. Nabuo ito bilang resulta ng pagsabog ng bulkan na tumagal ng apat na taon. Ang Surtsey ay mayroon ding reputasyon bilang pinakabagong isla sa planeta.
Sa kasalukuyan, bukas ito sa ilang siyentipiko at geologist, ngunit ipinagbabawal naman para sa mga turista dahil pinaniniwalaang ang pakikialam ng tao ay makagagambala sa ecological succession na nagaganap sa isla.
Ise Grand Shrine
Image via Wikipedia |
Ang Japan ay sikat sa buong mundo dahil na rin sa kanilang Shrine Culture. Sa katunayan, ang bansang ito au sinasabing nagtataglay ng humigit-kumulang 80,000 ng mga ito. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, ay ang kanilang Ise Grand Shrine.
Isa ito sa mga pinakamahal na templo sa Japan dahil sa kagandahan ng arkitektura nito. Upang mapanatili ang mga tradisyon ng Shinto noong 8th century, ang templong ito ay ipinaaayos kada 20 years. Ipinagbabawal na pumasok sa mga hallowed hall ng sinaunang Japanese representation na ito ang sinuman sa publiko, maliban na lang kung ikaw ay kabilang sa isang Royal Family.
Panglima, Dulce Base naman ng USA
Image via Wikimedia |
Ang Dulce ay isang kakaibang bayang matatagpuan malapit sa hangganan ng Colorado sa New Mexico. Sa populasyon na 2,600 Native Americans, ang bayang ito ay nagsisilbi sa isang underground laboratory kung saan nagaganap ang mga hindi kapani-paniwalang eksperimento.
Sinasabing ang Dulce Base ay isang napakalaking nakatagong compound na naglalaman ng mga hindi kapani-paniwalang advanced technology at mga hybrid ng tao at hayop. Ang baseng ito ay may napakahigpit na seguridad at itinuturing na isa sa mga nangungunang ipinagbabawal na lugar sa mundo o maging sa USA mismo.
Pang-anim naman ang North Brother Island na matatagpuan sa New York City
Image via Wikipedia |
Ang islang ito ay isa sa pinakasikat na abandonadong lugar sa USA. Orihinal na binuo bilang isang quarantine hospital, ito ang tahanan ng Typhoid Mary. Siya ay nakilala bilang ang unang Amerikano na nagdala ng typhoid fever.
Nang maglaon, ang lugar na ito ay naging sentro ng rehabilitasyon para sa mga lulong sa droga. Ngayon, ang North Brother Island ay mayroong bird sanctuary at permanenteng sarado para sa mga karaniwang tao o sa publiko.
Pampito ang Heard Island sa Australia
Image via Wikimedia |
Isa sa mga pinaka hindi pa natutuklasang lugar sa Earth ang Heard Island na nasa pagitan ng Antarctica at Madagascar, ngunit sinasabing ang islang ito ay bahagi ng Australia. Mayroong dalawang aktibong bulkan sa Heard Island, ngunit ito ay sinasabing inactive.
Ang buong isla ay binubuo ng mga debris at limestone na resulta naman ng pagsabog ng bulkan. Upang mapanatili ang likas na kapaligiran nito, pinaghigpitan ng pamahalaan ng Australia ang pagpasok sa ipinagbabawal na isla.
Pangwalo, ang Area 51 sa bansang USA
Image via Wikimedia |
Ang Area 51 sa Southern Nevada ay palaging nababalutan ng mga conspiracy theories. Isa itong base militar ng US at may reputasyon bilang testing grounds para sa mga armas at sasakyang panghimpapawid.
Ngunit mayroong mas malawak na haka-haka tungkol dito. Naniniwala ang mga conspiracy theorists na ang mga opisyal ay nagtatago ng ’di umano’y mga “alien evidence” sa baseng ito. Ito ay ipinagbabawal na puntahan ng mga tao lalong-lalo na ng publiko. Sa katunayan, maging ang mismong USA ay halos hindi na kinikilala ang lugar na ito bilang parte ng kanilang bansa.
Pangsiyam, ang The island of Queimada Grande o mas kilala bilang Snake Island
Image via Flickr |
Sa pangalan pa lang ng islang ito ay magkakaroon ka na ng hindi magandang impresyon sa nasabing lugar, ito ay isang isla sa Brazil na pinamumugaran ng libu-libong pinakanakamamatay na mga ahas.
Walang sinumang tao ang nangahas na tumapak sa Snake Island, at ito ay itinuturing pa nga bilang ang pinaka-pinagbabawal na lugar sa mundo, maging sa mismong bansa ng Brazil. Sa katunayan, sa sobrang delikado ng lugar na ito ay ipinasya ng kanilang gobiyerno na gawing ilegal ang pagpunta o pagbisita sa nasabing isla.
Tinatayang mayroong humigit-kumulang 4,000 golden lanceheads sa isla at tahanan ng nasa pagitan ng 3,000 at 5000 Jararaca-ilhoa. Ang uri ng ahas na ito ay isa sa mga pinakamarahas na lason sa mundo na maaaring pumatay ng tao sa loob ng wala pang isang oras. Dahil ilegal nga ang anumang klase ng pagbisita sa lugar na ito ay sarado ito sa publiko at tanging accessible lamang sa mga researchers ng herpetology.
At last but not the least, ang Ramree Island
Image via Wikipedia |
Matatagpuan sa Burma o mas kilala ngayon bilang Myanmar. Ang islang ito at ang mga buwayang nananahan sa lugar na ito ay naging bahagi ng Guinness para sa record na "most men killed by animals".
Noon kasing World War II ay ginamit ito bilang isang stratigic trap ng mga British laban sa mga hapones, na kalaunan ay isa-isang binawian ng buhay dahil sa nasabing mga buwaya. Itinatayang isang hukbo ng isanlibong sundalong Hapon ang binawian ng buhay dahil sa mga salt-water crocodiles sa labanan sa Isla ng Ramree noong World War II, eksaktong February 19, 1945.
Magpahanggang sa ngayon ay sinasabing mayroon pa ring mga buwayang naninirahan sa islang ito. Hindi naman ipinagbabawal sa publiko ang pagbisita sa Ramree Island, ngunit kung ikaw ang tatanungin, gugustuhin mo pa bang bumisita rito?
Ano ang masasabi mo sa paksang tampok ngayon? Pag-usapan naman natin ’yan sa comment section!
No comments:
Post a Comment