Pinakaunang “Sky Pool” sa buong Mundo, itinayo sa London, United Kingdom
Pinakaunang “Sky Pool” sa buong Mundo, itinayo sa London, United Kingdom
Maraming lugar o hindi kaya’y mga “once in a lifetime experience” spots sa buong mundo ang itinuturing na kakaiba at kinamamanghaan ng lahat ng tao.
Isa na rito ang pinakaunang binansagang “sky pool” na itinayo sa London. Samahan kami upang matutunan ng mas mabuti kung ano nga ba itong “Sky pool” sa London, United Kingdom.
Ang kakaibang disenyo ng pool na ito ay ginawa ng EcoWorld Ballymore kasama ang Reynolds Polymer Technology, kung saan bunga ito ng higit sa apat (4) na taong kolaborasyon at pagplaplano ng maayos ng kanilang team.
Kasama ang kanilang mga engineers at manufacturers, itinupad at ipinatayo nila ang pinakauna na kailanmang binansagan na “sky pool” gamit ang labing-apat na pulgadang (14 inches) acrylic, kung saan ito ay dalawampu’t lima sa limang metro (25 by 5 meters) at tatlong metrong lalim (5 meter deep).
Bago ito ipinadala at ginawang pangkonekta na magiging tulay ng dalawang apartment building sa isang apartment complex sa Nine Elms district sa London, United Kingdom, ang malawakang swimming sky pool na ito ay ginawa at kinumpleto sa Grand Juncture kung saan umabot ito ng isang daang libo at dalawampu't dalawang libra (122,000 pounds).
Image via Flickr |
Ibinahagi ng developer ng “sky pool”, EcoWorld Ballymore, na noong una ay ginusto nila na gawin ang “sky pool” na yari lamang sa puro glass. Subalit noong nagtatrabaho sila at nakipagkolaborasyon kasama ang London-based HAL Architects at engineering firm Eckersley O’Callaghan, naibaling ang kanilang atensyon sa paggamit ng acrylic o kung itatawag ay polymethyl methacrylate.
Ito ay isang clear engineered plastic na nadebelop noong 1960s. Maliban sa may mas mabuting optical clarity ito mas magaan rin ito kung ikukumpara sa glass. Mas matibay rin ito at maaring gawing seamless. Dahil sa desisyon na ito humingi sila ng tulong mula sa isa sa pinakamahusay sa larangan ng acrylics, ang Reynolds Polymer.
Ika pa nga ni Gardner, “We can cast stuff up to three feet thick in one casting and there’s nobody in the world that can do it at that size and that thickness in one big pour as we do. Our competitors would’ve taken a bunch of two-inch sheets and glued them together in a laminate. We pour it all in one monolithic casting, so it’s all one piece. That’s the secret sauce.”
Upang ang “sky pool” ay maging matibay at ligtas kung gamitin, lalong-lalo na at tumutulay ito sa dalawang high-rise na apartment complex, ang mga engineers na kasama sa team ng proyektong ito ay gumawa ng isang masinsinang napagplanuhang panukala, kung saan gumawa sila ng isang stainless steel tub sa bawat building ng apartment complex.
Image via Flickr |
Ang mga ito ay kinokonekta ng dalawang (2) steel rods na ipinatatakbo sa ilalaim ng tubig (ng pool). Hindi lamang inaangkla ng dalawang (2) rods na ito ang acrylic subalit nag-aalay rin ito ng flexibility kung saka-sakali mang umihip ang malakas na hangin tungo sa dalawang building na ipinapagitna ng “sky pool”.
Matapos makumpleto ang disenyo at ang istraktura ng “sky pool”, ang istraktura ng pool ay hindi umano’y isinubok sa malawakang strength testing sapagkat ito nga ay ang pinakaunang istraktura na katulad nito.
Gusto (at mas lalong kinakailangan) ng mga taong dumesenyo at ipinursigeng maipatayo ito, ang EcoWorld Ballymore kasama ang Reynold Polymer at mga engineers sa proyektong ito, na ligtas at matibay ito.
Ang “sky pool” sa London, United Kingdom ay naging bukas sa mga nakatira sa dalawang apartment buildings na itinutulay nito, ang marangyang Embassy Gardens Apartment Complex, noong ika-labing siyam (19) ng Mayo sa taong 2021 kung saan matatagpuan ito sa timog kanlurang bahagi ng London.
Ang transparent na istrakturang ito ay umaabot ng humigit-kumulang na walumpu’t dalawang talampakan (82 feet) kung saan ito ay matatagpuan sa ikasampung (10) palapag ng Embassy Gardens Apartment Complex na may apat na pu’t anim (46) na palapag sa bawat building. Bukod pa rito ang binansagang “Sky Pool” ay makikita mula sa higit-kumulang na isang daan at labing limang talampakan (115 feet) sa ibabaw ng lupa.
Ang “sky pool” na ito ay talagang nakakamangha at umeenganyo sa mga tao sapagkat nagbibigay ito ng “once in a life time experience”. Hindi lamang ang view kapag nakatampisaw sa tubig ang nakakaenganyo subalit pati rin ang pakiramdam na lumulutang ka sa langit, isinasaalang-alang iyon na ang “sky pool” na ito ay literal na nakalutang mula sa dalawang apartment building.
Image via Flickr |
Tunay na kinaiingitan ang nakadanas na sa pagtatampisaw sa pambihirang pool na ito. Ika pa nga ni Sean Murlyan, CEO at chairman ng EcoWorld Ballymore, “The experience of the pool will be truly unique; it will feel like floating through the air in central London”.
Subalit ang makakaranas sa pambihirang pagkakataon na ito ay pili lamang sapagkat maliban sa ito ay ang pinakaunang “sky pool” kailanman, ang pagtatampisaw sa pool na ito ay itinuturing rin na marangyang karanasan kung kaya’t ang makakagamit at may pagkakataong maglibang sa “sky pool” na ito ay ang mga mayayaman at ang mga nakatira sa apartment complex na kinokonekta nito.
Ika nga ng nakakarami, gusto nilang maranasan ang iba’t ibang nakakaibang esperyensya kung kaya’t ibinigay naman ito ng mga engineers na nakipagkolaborasyon sa kompanyan ng EcoWorld Ballymore.
Kung kaya ay hindi mo maikakaila na talagang mahusay ang mga nakaisip at dumisenyo ng “sky pool” na ito sa kadahilanang nabigyan nila ng hustisya ang paghahanap ng mga tao ng unique na lugar o hindi kaya ay maituturing nilang tourist spots.
Naabutan man ito ng maraming taon sa pagplaplano at pagpapatupad ng nasabing plano, talagang sulit na sulit ang mga paghihirap at ang oras na inilaan sa proyektong ito. Hindi lamang ito “one of the most thought out architecture of this generation” ngunit “once in a lifetime experience” rin ito kung iisipin. Nasasabik na rin ang lahat kung saka-sakaling magkaroon sila ng pagkakataon na maranasan ang “sky pool” na ito.
Sa panahon ngayon, marami ng mga arkitektura ang nababansagang kakaiba at minamangha ang lahat, hinid maipagkakaila na isa na ang “sky pool” sa London rito. Salamat sa pagsama sa aming kakaibang paglalakbay sana’y ikaw ay aming makita sa susunod.
No comments:
Post a Comment