6 Celebrity Couples na Mahigit Dalawang Dekada ng Kasal

Kilalanin ang 6 Celebrity Couples na Mahigit Dalawang Dekada ng Kasal

6 Celebrity Couples na Mahigit Dalawang Dekada ng Kasal

Mayroong mga celebrity couples umabot na nang higit sa 20 taon ang kanilang pagsasama. Sila ang nagpakita ng tunay na pagmamahal at dedikasyon sa isa't isa sa kabila ng mga hamon na kanilang kinaharap sa mundo ng showbiz. 

Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga celebrity couples na nagpakita ng wagas na pag-ibig at matatag na relasyon sa loob ng mahabang panahon.

1. Dawn Zulueta at Anthony Lagdameo

Nakakatuwa na malaman na si Dawn ay isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz industry. Isa siyang award-winning actress at isa rin sa mga maituturing na "iconic" sa kanyang henerasyon.

Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nakikilala rin si Dawn sa kanyang kagandahan at kaseksihan. Sa kabila ng kanyang tagal sa showbiz, hindi pa rin nawawala ang kanyang charisma at appeal sa mga manonood.

Hindi makapaniwala ang aktres na 25 taon na ang nakalipas mula nang siya ay ikasal kay Congressman Anton Lagdameo. Noong ka-27 ng Disyembre 2022, ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang silver anniversary [25 years] sa isang espesyal na okasyon na ginanap sa Pearl Farm Beach Resort, ang resort na pag-aari ng pamilya ni Anton, na matatagpuan sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Jacobo Antonio, 17 at Ayisha Lagdameo, 13.

2. Sandy Andolong at Christopher de Leon

Isa sa mga mag-asawang artista na mahigit ng apat na dekadang magkasama ay sina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Noong ika-27 ng Marso 2023 ay ipinagdiwang nila ang kanilang ika-43 na anibersaryo ng pagpapakasal, ngunit mahigit 44 na taon na ang kanilang pagsasama.

Naging magkasintahan muna sa loob ng mahigit dalawang dekada sina Boyet at Sandy bago sila ikinasal noong 2001. Noong 2019, nagpakasal muli sila sa Vietnam upang ipagdiwang ang kanilang 39 na taong pagsasama. Sila ay binigyan ng limang anak na sina Mariel, Rafel Sandino, Juan Carlos Miguel, Augusto Gabriel at Maria Mikaela.

Bago pa man magpakasal si Boyet kay Sandy, siya ay dating kasal sa Superstar na si Nora Aunor noong 1975 at mayroon silang isang anak na lalaki na si Ian de Leon, na isa ring aktor.

Mayroon din silang apat na adoptive children na sina Lotlot De Leon, Matet De Leon, Kiko, at Kenneth. Ang kasal nina Boyet at Ate Guy ay napawalang bisa noong 1996.

3. Richard at Melody Yap

Si Richard Yap ay nagsimula sa showbiz bilang bahagi ng romantic comedy TV drama na "My Binondo Girl" kung saan siya ay gumanap bilang ama ni Kim Chiu. Ngunit mas nakilala siya sa kanyang papel bilang "Sir Chief" sa daytime drama noon ng Kapamilya network na "Be Careful With My Heart" kasama si Jodi Sta. Maria.

Bagamat may edad na si Richard Yap na 54 taong gulang, patuloy pa rin siyang hinahangaan dahil sa kanyang kagwapuhan at kakisigan. Ngunit alam ninyo ba na kasal na siya sa kanyang asawa na si Melody Yap sa loob ng 26 na taon? Dahil purong Chinese si Richard, naging mapili ang kanyang mga magulang sa pagpili niya ng mapapangasawa.

Tutol ang mga magulang niya sa desisyon niya noon na pakasalan si Melody, kaya pinadala siya sa China upang doon magtrabaho at mailayo sa kanyang asawa. Gusto ng ama ni Richard na siya ang pipili ng mapapangasawa, pero hindi ito sinunod ni Richard. Dahil sa kanilang pagmamahalan, nagpakasal sila ng dalawang beses, isang civil wedding noong 1993 at church wedding noong 1995.

Biniyayaan sila ng dalawang anak, isang lalaki na si Dylan at isang babae na si Ashley. Ang kanilang love story ay itinampok sa Magpakailanman.

4. Lucy Torres at Richard Gomez

Mahigit dalawang dekadang pagsasama ng sikat na celebrity couple na sina Lucy Torres at Richard Gomez, pero hanggang ngayon ay sobrang sweet pa rin nila sa isa't isa, lalo na si Goma. Kinasal ang dalawa noong Abril 28, 1998 sa simbahan ng Saints Peter and Paul Parish Church sa Ormoc, Leyte.

Sila ay mayroong isang anak na si Juliana Gomez na mayroong magandang pisikal na katangian na namana sa kanyang mga magulang. Si Lucy ay may crush na kay Richard noong siya ay labingdalawang taong gulang pa lamang, at nagkita sila ng personal nang siya ay labingwalong taong gulang na.  

Sa isang interbyu ng Jeepney TV kay Goma, ibinahagi niya kung paano sila nagkakilala. Nagkasama sila sa isang TV commercial para sa isang brand ng shampoo na Lux.

"Nakita ko siya first day sa set, sabi ko ang puti ng babaeng to ah, may itsura to ah, sabi ko pwede and then natulog na ako sa dressing room ko at hindi ko na siya pinansin.'

"Nakagawa kami ng series of commercials, I think mga 6 or 7 commercials, nung last commercial na namin dun ko lang na realise na parang may gusto yata ako sa babae na to ah. So pinursue ko siya, dagdag pa ni Richard.

5. Manilyn Reynes at Aljon Jimenez

Si Manilyn at ang aktor na si Aljon Jimenez ay halos tatlong dekada nang kasal. Nagsimula ang kanilang pagmamahalan noong nagkasama sila sa pelikulang "Shake Rattle and Roll II" noong dekada 90. 

Habang ginagawa nila ang pelikula, madalas silang magtawagan, pero matapos ang proyekto, hindi na daw nagpakita si Aljon at nag-iwan ng sama ng loob kay Manilyn.

Bigla na lamang siyang nawala pagkatapos siyang pakiligin, ngunit matapos ng isang taon ay biglang nagpakita muli si Aljon sa kanyang ika-19 na kaarawan. Ikinasal sila noong 1996 at 27 years na ang kanilang pagsasama. Biniyayaan sila ng tatlong lalaking anak sila na sina Kyle, Kirk, at Kael. 

Ayon sa mag-asawa, ang sikreto ng kanilang matagumpay na relasyon ay ang pag-aayos ng mga isyu o pagtatalo nang sabay-sabay at hindi na ipinagpapabukas pa, paggalang sa isa't-isa, pag-amin ng pagkakamali, at huwag maging mapagmataas.

6. Aga Muhlach at Charlene Gonzalez

Noong May 2001, ikinasal si Aga kay Charlene Gonzalez. Nagkakilala sila sa pageant na Binibining Pilipinas 1994 kung saan nanalo si Charlene bilang Binibining-Pilipinas Universe. Ngayon, may dalawang anak na sila na kambal na lalaki at babae na nagngangalang Atasha at Andres, at sila ay nasa edad na 22 na.

Bago pa man makilala ni Aga si Charlene, nakarelasyon niya ang aktres na si Janice de Belen at nagkaroon sila ng isang anak na si Luigi Muhlach. Sa panahong iyon, 17 taong gulang lamang si Janice nang siya ay mabuntis kay Luigi. Inalok siya noon ni Aga ng kasal, ngunit tinanggihan niya ito dahil sila ay bata pa.


No comments:

Post a Comment

Sponsor