Mga Personalidad na Na-Link o Naging Karelasyon ni John Estrada

Mga Personalidad na Na-Link o Naging Karelasyon ni John Estrada

Mga Personalidad na Na-Link o Naging Karelasyon ni John Estrada

Ilang araw nang sentro ng kontrobersiya at mga balita ang aktor na si John Estrada matapos magpakawala ng mga pahiwatig sa social media ang kanyang asawang si Priscilla Meirelles tungkol sa di umano'y pagtataksil at pambababae niya. 

Well, hindi na bago sa mundo ng showbiz ang mga ganitong isyu, ngunit dahil sa pagiging ‘fierce’ o matapang ni Priscilla sa paglalabas ng baho ni John at sa pagiging kilalang personalidad nito, mas lalo pang naging interesado ang mga tao sa kanilang isyu.

Sa gitna ng isyu, inuungkat naman ng mga netizen ang mga babaeng dating na-link o naging karelasyon ni John. 

Kaya't kilalanin natin sila sa artikulong ito:

Janice De Belen

Bago pa ikinasal si John kay Priscilla, ay naging asawa niya muna ang veteran actress at dating child star na si Janice de Belen. Noong 1992, ikinasal sina John at Janice, at sa kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng apat na anak na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan. 

Ngunit matapos ang halos sampung taon na pagsasama, nagkahiwalay din sila noong 2001. Itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang pagtataksil umano ni John kung saan na-link siya sa TV host na si Vanessa del Bianco, na co-host niya sa Kapamilya TV show na “Magandang Tanghali Bayan”. 

Kasunod nito, naghain si Janice ng annulment at inilagay niya na dahilan ay "psychological incapacity" sa parte ni John. Pinaboran naman ng korte si Janice at noong 2004 tuluyan nang napawalang-bisa ang kasal nila ni John.

Sa kasalukuyan, nanatiling civil sa isa’t isa sina John at Janice para na rin magampanan nila ng maayos ang pagpapalaki sa kanilang mga anak. 

Gayunpaman, nilinaw ni Janice na hindi sila magkaibigan ni John. Iginiit din ni Janice na hinding-hindi siya papayag na makatrabaho sa isang proyekto si John. Sa panayam sa kanya ng kanilang anak na si Inah sa programa nito, iginiit ni Janice na hindi maliit na bagay ang dahilan ng paghihiwalay nila ni John. Kaya mas makakabuti na hindi sila magsama dahil baka makaabala pa raw sila ng ibang tao.

Vanessa Del Bianco

Noong 2006, kinumpirma ni John na naghiwalay na sila ni Vanessa Del Bianco. At sa pagkumpirma ni John, pinagtibay nito ang haka-hakang si Vanessa ang "third party" o dahilan ng paghihiwalay nila ni Janice bagaman hindi naman nila ito direktang inamin. 

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na si Vanessa ay dating Kapamilya actress at TV host. Sumikat siya matapos lumabas sa sikat na youth-oriented show na "Gimik" noong 90s. Naging malapit sila ni John matapos nilang magsama bilang host ng MTB.

Ayon naman kay John, ang paghihiwalay nila ni Vanessa ay isang mutual decision. Nilinaw din niya na walang sangkot na third party sa kanilang hiwalayan. Bukod dito, inamin din niya na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang magkaibang priorities at "distance” dahil nakabase si Vanessa sa Canada.

Sa kasalukuyan, naninirahan pa rin si Vanessa sa Canada at nagtatrabaho bilang isang sales manager doon.

Gretchen Barretto

Noong 2007, kumalat at nag-viral sa internet ang mga larawan ni John at TV actress-socialite na si Gretchen Barretto na nagpapakita ng intimacy. Kasama rito ang isang larawan kung saan makikita silang naghalikan sa sofa ng bahay ng sexy comedian na si Rufa Mae Quinto. Ayon sa ilang ulat, kinunan ang nasabing larawan ng dalawa sa birthday party ni Rufa.

Matapos lumabas ang mga litrato, pinaratangan naman si Gretchen na nagtaksil sa kanyang partner na ang business tycoon na si Tony Boy Cojuangco. 

Gayunpaman, ipinagtanggol ni John si Gretchen at pinabulaanan ang mga bali-balita na may relasyon sila. Iginiit din niya na magkaibigan lamang sila ni Gretchen.

Heart Evangelista

Isa sa mainit na pinag-usapan noong 2006 ay ang nangyaring mainit na komprontasyon sa pagitan ni John at dating nobyo ng Kapuso actress at luxury influencer na si Heart Evangelista na si Jericho Rosales. Nagalit daw kasi si Jericho dahil sa hindi magandang komento ni John tungkol kay Heart, kaya kinompronta niya ito. 

Ayon naman sa ilang mga saksi, kung hindi pumagitna ang singer-actor na si Gary Valenciano sa dalawa, maaari umanong mauwi sa pisikalan ang insidente. 

Samantala, lumabas din ang balitang may relasyon sina Heart at John, ngunit mariin itong itinanggi ng dalawa. Gayunpaman, aminado si John na may pagtingin siya kay Heart, ngunit hindi raw niya ito itinuloy dahil may nobyo na ito sa panahong iyon.

Sa kasalukuyan, ay happily married na si Heart sa senador na si Chiz Escudero.

Chiyo Dela Vega

Samantala, nakaladkad ang pangalan ng Cebuana influencer na si Chiyo Dela Vega sa kinakaharap na cheating issue ngayon ni John at marital problems nila ng kanyang asawang si Brazilian beauty queen Priscilla Meirelles. 

Ito’y matapos ilabas mismo ni Chiyo sa social media ang ‘resibo’ o screenshots ng usapan nila ni Priscilla. Kasunod nito ay nakumpirma nga ng netizens na si Chiyo ang tinutukoy ni Priscilla sa mga cryptic post nito kamakailan na umano’y babaeng nag-e-entertain ng lalaking may asawa. 

Sa mga ibinahaging screenshots ni Chiyo, mababasa na unang nag-reach out sa kanya si Priscilla matapos nitong mabasa ang ‘inappropriate’ chat nila ni John.

Ayon naman kay Chiyo, isang beses lamang silang nagkita ni John nang magpunta ito sa Cebu, at hindi raw sila kailanman nagkausap nito sa chat. 

Sa huli, pinabura ni Priscilla ang number ni John sa phonebook ni Chiyo. Sinabi rin ni Priscilla na pupunta siya ng Cebu ngayong April 6 kasama si John upang personal na kumpirmahin ang mga sinabi ni Chiyo.

No comments:

Post a Comment

Sponsor