Manny Pacquiao, Obligadong Magbayad ng $5.1M sa Paradigm

Manny Pacquiao, Obligadong Magbayad ng $5.1M sa Paradigm

Manny Pacquiao, Obligadong Magbayad ng $5.1M sa Paradigm

Naglabas ng hatol ang isang jury na pumapabor sa Paradigm Sports Management sa kanilang kaso laban sa Eight-time boxing champion na si Manny Pacquiao. Nagdesisyon ang isang jury na ipabayad kay dating Sen. Manny Pacquiao ang halagang $5.1 milyon dahil sa kasong breach of contract na isinampa ng Paradigm Sports Management laban sa kanya.

Pumabor ang jury ng 9-3 sa pagbibigay ng $5.1 milyon sa Paradigm Sports. Mayroon din dapat na bayaran na $2 milyon sa abogado. Ang kaso ay isinampa sa Superior Court of Orange County, California.

Ayon sa Paradigm, mayroon silang utang na $8 milyon pagkatapos ng hatol ng jury dahil malamang na susubukan ng mga kinatawan ni Pacquiao na ipawalang-bisa ang hatol.

Inanunsyo ni Pacman ang kanyang pagreretiro noong 2021 at ang kanyang huling laban ay laban kay Yordenis Ugas noong Agosto ng taong iyon. Ang laban kay Ugas ang isa sa mga pangunahing isyu sa kaso.

Unang nakatakda na lumaban si Pacquiao kay welterweight champion Errol Spence, ngunit nagkasakit si Spence kaya't si Ugas ang kanya sanang makakalaban. Hindi nakakuha ng injunction ang Paradigm upang ipatigil ang laban, kaya't nagtuloy-tuloy ito. Ang TGB Promotions ang nagpresenta ng laban.

Ayon naman kay Bruce Cleeland, abogado ng Pambansang Kamao, hindi ito lumabag sa kontrata kundi nagdesisyon lamang itong tapusin ng kanilang partnership sa Paradigm dahil hindi ito sumunod sa mga pinag-usapan. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, walang pahayag na ibinigay ang legal team ni Pacquiao sa bagay na ito. Ayon naman kay Judd Bernstein, abugado ng Paradigm, 

"It's always nice to have justice done. Manny Pacquiao's behavior in this case was disgraceful. As I said to the jury, he's an extraordinary athlete, and he has an extraordinary story but that doesn't mean he gets a pass on being a decent human being."

"He signed the contract, didn't live up to it. He took money likely because he was in desperate need of it and he was dishonest throughout the process, hiding relevant facts and think that he's had to pay a price for it which is fair."


No comments:

Post a Comment

Sponsor