7 Celebrity Babies na Excited Nating Makita Ngayong 2023

Kilalanin 7 Celebrity Babies na Excited Nating Makita Ngayong 2023!

7 Celebrity Babies na Excited Nating Makita Ngayong 2023

Ang pagbubuntis ng mga celebrities ay isa sa mga inaabangan ng kani-kanilang mga taga hanga. Mula sa anunsyo ng pagbubuntis, pagsasabi ng kasarian ng sanggol, hanggang sa panganganak, ang pagbubuntis ng mga sikat na personalidad ay talaga naman inaabangan lalo na ang unang larawan na madalas ibinabahagi nila sa kanilang mga social media. 

Ngayong 2023, makikilala natin ang mga new wave ng mga celebrity babies, na maaaring sumunod din sa yapak ng kanilang mga magulang sa mundo ng showbiz.

1. Kris Bernal

Noong March 3, 2023, inanunsiyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi sa kanilang social media ang kanyang pagbubuntis. Ayon sa kanila ay hindi pa nila binabalak ito pero malaking blessing ito para sa kanila. 

Aniya,

"It happened - we weren’t really “trying” but we were blessed with pregnancy! I can still remember I’ve felt a rush of different emotions when the test showed two lines. I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened."

Malaki din ang naging pasasalamat niya sa kanyang mister dahil tiniis niya ang kanyang mood swings at lagi niyang pinapaalala ang sinabi ng kanyang doktor. 

2. Trina Legaspi

Ang dating child star at at Goin' Bulilit member na si Trina Legaspi-Jarina ay nakatanggap ng maraming taos-pusong pagbati nang kumpirmahin niya ang kanyang pagbubuntis noong Oktubre 2022.

Ginawang mas espesyal nina Trina at ng kanyang asawang si Ryan Jarina ang kanilang pangalawang kasal sa pamamagitan ng pagdaraos ng gender reveal party noong nakaraang Nobyembre 2022. Ngayong taon ipapanganak ni Trina ang kanyang "mini-me" dahil ito ay babae.

3. Rachelle Ann Go

Ang singer na si at theatre actress na si Rachelle Ann Go ay buntis sa kanilang pangalawang anak ni Martin Spies. Disyembre noong nakaraang taon ng inanunsyo ng singer sa kanyang Instagram ang kanyang pagbubuntis sa kanilang baby number 2. 

Kasagsagan ng pandemya ng isilang ng singer ang panganay nilang anak na si Lukas Judah Spies. Ang pangalawang baby nila ay isang malaking biyaya para sa mag-asawang si Mr. at Mrs. Spies ngayong 2023 dahil ipinagdiriwang din nila ang kanilang ika-limang anibersaryo ng kasal sa taong ito.

4. Joyce Pring

Ang resident host ng GMA morning show na Unang Hirit na si Joyce at ang mister nitong si Juancho Trivino ay masaya din inanunsyo ang kanyang pagbubuntis sa kanilang baby number 2. 

"Theres a baby in mah belly. Baby number two coming in hot this April 2023. Suprise!!! It's been getting harder and harder to hide my big bump so here we go."

Si Juancho at Joyce, ay ikinasal noong 2020, at isinilang naman ang kanilang panganay na si Alonso Eliam noong Hulyo 2, 2021. Nagdaos ng gender reveal party ang mag-asawa noong Oktubre 2022.

5. Iza Calzado

Ang ika-40 na kaarawan ni Iza Calzado noong Agosto 2022 ay isang mahalagang yugto sa kanyang buhay nang ibunyag niya ang kanyang pagbubuntis sa kanyang unang anak kasama ang kanyang British husband na si Ben Wintle.

"So I had all these big plants for my 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life."

"Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan."

6.  Bianca King

Nabigyan ng break ang dating GMA-7 star na si Bianca King noong 2004 matapos niyang sumali sa Kapuso teen-oriented show na "Click". Kilala siya sa kanyang mga karakter sa maraming hit Kapuso series tulad ng "Mulawin", "Sinner or Saint", at "Broken Vow".

Gayunpaman, noong 2021, nagdesisyon si Bianca na iwan ang mundo ng showbiz para sa mas simple at tahimik na buhay sa Australia kasunod ng kanyang pagpapakasal kay Ralph Wintle, kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

Mula noon ay sinusubaybayan ng maraming fans ang kanyang bagong buhay sa Australia. Noong Agosto ng nakaraang taon, ibinalita ni Bianca ang kanyang pagbubuntis sa kanyang unang anak kasama si Ralph. Bagama't namimiss ng kanyang mga tagahanga ang kanyang pag-arte, masaya naman sila sa bago at masayang kabanata ng buhay ni Bianca sa Australia.

7. Andi Manzano

Napakasaya ng mga tagahanga ni VJ at radio host na si Andi Manzano at mister nitong si GP Reyes dahil isisilang ang kanilang ikatlong anak ngayong taon.

Sa kanyang Instagram post noong nakaraang buwan, ibinahagi ni Andi ang larawan ng ultrasound ng kanilang sanggol. Sinabi rin niya sa kanyang caption na sobrang excited na sila para sa kanilang bagong kasapi sa pamilya. Dagdag pa niya, "We're grateful for this blessing and can't wait to meet you, little one!"

Naging emosyonal naman si GP sa kanyang Instagram post kasama ang kanyang asawa at mga anak. Sabi niya, "Thank you, God for this blessing. We can't wait to hold you in our arms."

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagbati sa mag-asawa. Bukod sa mga kaibigan at kapamilya, marami rin ang mga tagahanga ni Andi at GP ang nagpakita ng kanilang suporta sa kanila.

Muli, congratulations sa mga soon-to-be-celebrity-mom na ito!


No comments:

Post a Comment

Sponsor