Mga Pinoy Celebrities Na Umamin Na May Crush kay Maja Salvador

Mga Pinoy Celebrities Na Umamin Na May Crush kay Maja Salvador

Mga Pinoy Celebrities Na Umamin Na May Crush kay Maja Salvador

Si Maja Salvador ay isa sa mga pinakamalaking bituin sa industriya ng showbiz sa Philippine showbiz. Kilala siya sa kanyang kagandahan, talento sa pagsayaw, at kakaibang charm na kaya nitong mabighani ang kanyang mga tagahanga pati ang mga sikat na mga personalidad. Ating kilalanin ang mga umamin na may crush kay Maja Salvador.

1. JC de Vera

Nagsimula ang karera ni JC sa showbiz noong 2003 nang siya ay mabigyan ng papel sa GMA drama series na 'Click' kung saan nakatambalan niya sina Valerie Concepcion at Julianne Lee, ngunit hindi nagtagal ay bumida siya sa mga primetime series at nakalove-team ni Rhian Ramos. 

Sa isang panayam naman sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, inamin ni JC na nagka-crush siya kay Maja at alam daw nito ng aktres. Hindi naman siya niligawan nito dahil mas nag-focus muna daw noon si JC sa kanyang trabaho. Nagkasama silang dalawa sa hit primetime series ng ABS-CBN na 'The Legal Wife' kasama sina Angel Locsin at Jericho Rosales.

Aniya, "I feel secured kapag siya ang kausap ko, kapag siya ang kausap ko aside from Maja na being so makulit, very approachable. Malambing siyang tao."

2. Sam Mangubat

Si Sam ay isang mahusay na singer-songwriter nagkaroon ng malaking popularidad nang sumali siya sa unang season ng Tawag ng Tanghalan sa noontime television show na It's Showtime, isang singing competition na ipinalalabas sa ABS-CBN, at siya ang itinanghal na first runner-up sa kompetisyon. 

Sa naging interview naman kay Sam, inamin din niya na may crush siya kay Maja Salvador at kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na magsama sila sa isang proyekto ay dream come true daw ito para sa kanya.

3. Zeus Collins

Kilala si Zeus sa kanyang husay sa pagsasayaw at dating miyembro ng Hashtags ng It's Showtime. Sa isang panayam sa kanya, inamin din niya na ultimate crush niya talaga si Maja dahil sa galing daw nito sumayaw at sobrang bait pa. 

Bago pa man sumikat si Zeus ay matagal siyang naging back-up dancer ni Maja kaya naman noong paglabas niya sa bahay ni kuya at naging guest sa ASAP ay nagkasama silang dalawa sa isang prod na matagal ng pinapangarap ni Zeus.

4. RK Bagatsing

Ang nakababatang kapatid naman ni Raymond Bagatsing na si RK ay malaki din ang paghanga sa aktres na si Maja. Nagkasama ang dalawa sa hit revenge drama tv series na 'Wildflower' na ipinalabas sa ABS-CBN. 

Inamin ni RK sa Tonight With Boy Abunda na na-intimidate siya noong una niyang makatrabaho si Maja at pag meron daw silang eksenang dalawa ay nawawala daw si RK sa kanyang karakter. Pati ang mga kasamahan nila sa programa na sina Vin Abrenica at Joseph Marco ay na-intimidate at na-starstuck din kay Maja. Sa ngayon ay in-a-relationship si RK sa aktres na si Jane Oineza. 

5. Raymond Abracosa (Abra)

Si Raymond Abracosa, na mas kilala bilang Abra, ay isang sikat na rapper, aktor, at manunulat ng kanta sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong Abril 2, 1988 sa Manila, at lumaki sa Valenzuela City.

Nagsimula si Abra sa kanyang karera sa musika noong 2008, kung saan siya ay naging bahagi ng grupong "LDP" o Lyrically Deranged Poets. Ang kanyang unang solo album na "Abra" ay inilabas noong 2014 at nagpakita ng kanyang husay sa paglikha ng mga liriko na may kahulugan at musika na may panlasa ng masa. Sa isang panayam naman sa kanya ni Vice Ganda noon sa 'Gandang Gabi Vice', si Maja ang naging sagot niya sa tanong sa kanya na kung sino ang gagayumahin niyang artista kung saka-sakali. 

6. Paulo Avelino

Inamin naman ni Paulo na nagka-crush siya kay Maja ng mag-guest siya noon sa morning talk show ng Kapamilya network na Magandang Buhay. Nagkasama silang dalawa sa romantic comedy independent film na 'I'm Drunk, I Love You' na ipinalabas sa mga sinehan noong 2017. 

Sila ay ilan lamang sa mga sikat na personalities na umamin na humanga o nagka-crush sila kay Maja Salvador. Sa ngayon ay masaya na ang puso niya kapiling ang kanyang fiance na si Rambo Nunez. 

Si Rambo Nunez ay isang sikat na Filipino businessman, social media influencer, celebrity partner, at isa ring entrepreneur na tubong Cagayan de Oro. Bago paman sila nagkakilala ni Maja si Rambo ay isa ng sikat bilang presidente ng PopUp Digital PH at presidente rin ng Forthinker, Inc.


No comments:

Post a Comment

Sponsor