6 Starstuck Graduates, Saan Na Sila Ngayon?
6 Starstuck Graduates, Ito Na Pala Ang Nila Ngayon
Sa mundo ng showbiz, hindi naman lahat ng artista ay nagtatagal sa industriya. May mga ilan sa kanila na nais mag-explore ng ibang larangan, magpatuloy sa kanilang pag-aaral, magpokus sa pamilya, o magpahinga muna sa limelight.
Kung minsan, nagiging usap-usapan pa ang kanilang pag-alis sa showbiz at nagiging dahilan ng mga haka-haka at spekulasyon sa publiko. Kaya ating alamin ang buhay ngayon ng anim na Starstruck graduates.
1. Steven Silva
Noong 2010, pinarangalan si Steven Silva bilang Ultimate Male Survivor ng 'StarStruck' Season 5. Siya ang nagwagi sa reality talent competition ng Kapuso Network kasama si Sarah Lahbati, na itinanghal naman Ultimate Female Survivor.
Matapos ang kanyang pagkapanalo sa nasabing kompetisyon, sinubukan ni Steven ang kanyang karera sa pag-arte sa GMA Network, lumabas sa mga palabas tulad ng 'Koreana' (2010), 'Coffee Prince' (2012), 'Together Forever' (2012), at 'Indio' (2013). Sinubukan rin niyang ituloy ang kanyang pagmamahal sa musika, at naging bahagi ng chef-themed TV musical series na 'The Boston' at ng 2015 Philippines production ng 'La Cage aux Folles.'
Bukod sa show business, naglaro rin si Steven ng football nang sumali siya sa Superbad FC, na nagtamo ng ikatlong puwesto sa 2016 Adidas Cup. Bagamat tahimik na lumisan sa showbiz, naging radio DJ si Steven sa Jam 88.3 FM.
Sa kasalukuyan, bumalik si Steven sa kanyang hometown sa California ngunit patuloy pa rin siyang nagho-host ng podcast na pinamagatang 'The Dumb Things Podcast' kasama ang kanyang best friend na si Randy Salvador.
2. Jewel Mische
Matagal nang tinalikuran ng Starstuck alumna na si Jewel Mische ang buhay niya sa showbiz at kasalukuyan silang naninirahan ngayon sa America kasama ang kanyang foreign husband na si Alister Kurzer at kanilang tatlong anak na sina Aislah Rosa, Emerald at Yzbel Quinn. Sila ay ikinasal sa Michigan, USA noong February 2015.
Matapos isilang ang ikatlong anak na babae na si Yzbel Quinn noong nakaraang taon sa US, ibinahagi ng dating Kapamilya actress na si Jewel Mische sa kanyang mga followers ang balita na hindi na siya magiging aktibo sa social media upang mag-focus sa pagkakaroon ng oras kasama ang kanyang pamilya.
3. Mart Escudero
Isa sa mga Kapuso leading man noon ay si Martin Escudero o mas nakilala bilang Mart Escudero. Siya ay sumali sa Season 4 ng Starstruck noong nag-aaral pa lamang siya ng high school taong 2006 at mahigit 16 taon na din ang nakakalipas.
Ang mga nakasabayan niya na sina Chariz Solomon, Rich Asuncion, Paulo Avelino, Jan Manual ay ilang lamang sa mga sumikat sa kanilang batch at aktibo parin ngayon sa showbiz. Nakatambalan naman niya dito si Kris Bernal at sila ang idineklarang 'Ultimate Loveteam.' Si Aljur Abrenica naman ang itinanghal na Ultimate Hunk at si Jewel Mische naman ang 'Ultimate Sweetheart'.
Lumipat naman siya sa TV5 mula 2011 hanggang 2017 at pinalitan niya ang kanyang screen name na Martin Escudero.
Naging parte naman siya ng sikat na serye ng ABS-CBN na 'Ang Probisyano' noong 2019 bilang Lieutenant Karlo Ramos. Bago pa man siya sumikat ay sa ABS-CBN nagsimula si Martin at ang ginamit pa niyang pangalan noon ay Marc Butler.
4. Rich Asuncion
Noong 2009, sumali si Rich sa reality talent competition ng GMA Network na "StarStruck Season 4: The Next Level". Ito ang nagsilbing daan niya patungo sa kanyang pagkakaroon ng karera sa showbiz. Matapos ang maging First Princess sa naturang kompetisyon, sumikat siya sa kanyang mga papel sa mga palabas tulad ng "LaLola", "Alice Bungisngis and her Wonder Walis", "Aso ni San Roque", at marami pang iba.
Sa ngayon ay nakabase na si Rich sa Australia kasama ang kanyang asawa na si Benj Mudie na isang Filipino-Australian at dalawang anak na sina Bela Brie at Alessandra
5. CJ Muere
Si CJ Muere ay isa sa Final four ng starstruck season two. Naging kilala siya sa Showbiz kaya nagulat ang marami nang iwan niya ito upang tuparin ang kanyang pangarap na maging doktor. Noong 2008, nagpaalam siya sa GMA Network sa kabila ng kanyang kasikatan para makapag-focus sa kursong dentistry sa Centro Escolar University.
Pagkatapos ng limang taon, nakatapos siya at nakapasa sa Dental Licensure Examination noong taong iyon. Ngayon, si CJ Muere ay may sariling dental clinic na tinatawag na AllSmiles Dental Home.
6. Iwa Moto
Isa sa mga sikat na kontrabida noon sa mga teleserye ng GMA-7 ay si Aileen Quimado Iwamoto o mas kilala bilang Iwa Moto. Siya ay half Filipino-Japanese at ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz. Sumali siya sa Season 3 ng reality talent search na Starstruck kung saan nakamit niya ang first runner up.
Nakasabayan niya dito sina Marky Cielo, Jackie Rice, Gian Carlos, Chuck Alie, Arci Munoz, Vaness del Moral, Sara Larsson at marami pang iba.
Gumanap siya bilang Valentina sa na kalaban ni Marian Rivera (Darna) at doon siya mas lalo pang nakilala bilang magaling na kontrabida. Siya ay in a relationship ngayon kay Pampi Lacson na ex-husband ng aktres na si Jodi Sta. Maria. Meron silang dalawang anak na si Mimi at Caleb Jiro. Sa ngayon ay hands-on mom si Iwa Moto sa kanyang mga anak at asawa at aktibo sa social media.
Sila ay ilan lamang sa mga produkto ng nasabing kompetisyon at kahit nilisan man nila ang showbiz ang mahalaga ay ang kanilang naging kontribusyon sa industriya ng showbiz at ang kanilang pagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa mga manonood
No comments:
Post a Comment