Dennis Padilla, umaasang magkikita pa sila ng anak na si Julia Barretto

Dennis Padilla, umaasang magkikita pa sila ng anak na si Julia Barretto

Dennis Padilla, umaasang magkikita pa sila ng anak na si Julia Barretto

Magkasunod na nagdiwang ng kaarawan ang ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Ipinagdiwang nila ang kaarawan nilang dalawa sa sa Paris, France na binansagang City of Love. 

Noong March 7 ay ibinahagi ni Julia ang larawan nilang dalawa ni Gerald na magkasama sa isang larawan habang nasa likod nila ang sikat na Eiffel Tower. 

"Happy birthday my love. My best friend and partner in life. I thank God for you everyday," caption ng aktres sa kanyang Instagram post.

Ang kanyang ina na si Marjorie Barretto ay nagkumento sa larawan nilang dalawa at para narin batiin si Gerald sa kanyang kaarawan.

"Happy Birthday, Ge!!! Have a great year ahead! We love you."

Ipinagdiwang naman ni Julia ang kanyang kaarawan noong March 10 at siya ay 26 taong gulang na. Kasalukuyang nasa Denmark ngayon si Julia kasama parin ang kanyang kasintahan na si Gerald. 

Naging usap-usapan naman ngayon ang post ng ama nitong si Dennis Padilla sa kanyang social media. 

Ibinahagi ni Dennis ang larawan nilang dalawa ni Julia noong baby pa siya na may caption na, "Dearest Juy... A picture in my wallet for 26 years and counting... Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you - Papa."

Matatandaang inamin ni Julia na hindi parin sila nagkaayos ng kanyang ama at hindi parin sila nag-uusap. 

Maraming beses ng nag reach out si Dennis kay Julia pero hindi pa daw ito ready na makaharap siya at ayaw niyang maging sapilitan ang pakikipag-ayos niya sa ama dahil pareho lamang silang masasaktan. 

Samantala, marami naman netizens ang nalungkot at naawa kaya Dennis dahil hanggang ngayon ay parang pinagpipilitan parin niya ang sarili sa mga anak. 

Ito ang mga ilan sa mga naging kumento ng mga netizens sa naturang post.

"Bakit ba may nag ba bash kay Julia di nyo naman alam ang punot dulo ng lahat. Relate mga anak ko jan yong maliit pa sila buhay binata yong Tatay daming kabit ni di nag aalaga sa kanila, tas nong nakita nyang ok na mga anak ko panay I love you na parang napakabuting Ama."

"Sana naman mapansin ni Julia ang mensahe ng papa nya at maka realise man lng sya..Her dad has a big contribution of her existence in this world and her beauty tells it all. Kamukha."

"Magkakaanak ka rin Julia and that time you will realize and hopefully it's not too late. Anak kayang tiisin ang magulang pero magulang to anak never matiis ng magulang ang anak. You will see soon siguro maisip mo sana nabaog nalang ako."

"Hanggang kailan kaya to titiisin ng mga anak nya. So sad. Never ko maimagine na magagawa ko yan sa tatay ko. Kahit minsan nagkamali sya. Mahal na mahal ko pa din."

"I can feel the pain of Dennis. I hope and pray Julia will be healed sa kung anong hatred of pain na meron siya from her dad. We may not know when,pero God has a plan and perfect timing. Lest just trust God sir Dennis."

"Dapat si Marjorie ang magpabati sa mag ama tulad ng ginawa ni Sunshine Cruz kina Cesar at mga anak nila hindi nito siniraan si Cesar sa mga anak. At the end of the day si Kuya Dennis pag rin ang ama ng mga anak niya."


No comments:

Post a Comment

Sponsor