Kilalanin si Donna Lazaro: Ang dating GF ni Piolo Pascual at ina ni Iñigo

Kilalanin si Donna Lazaro: Ang dating GF ni Piolo Pascual at ina ni Iñigo

Kilalanin si Donna Lazaro: Ang dating GF ni Piolo Pascual at ina ni Iñigo

Siguro ay isa ka rin sa mga humahanga sa sikat na aktor ng Kapamilya network na si Piolo Pascual.  Kilala siya bilang isang Ultimate Heartthrob dahil hindi nagbabago ang kanyang kagwapuhan at makisig na katawan sa pagdaan ng panahon.

Noong 1994, nagsimula si Pascual sa kanyang karera sa That's Entertainment. Pagkatapos ay napabilang siya sa ilang mga palabas sa telebisyon kabilang ang Mara Clara at Gimik. Ang loveteam nila ni Judy Ann Santos ay naging phenomenal noong maagang bahagi ng 2000s.

Ang kanilang apat na pelikula, Kahit Isang Saglit, Bakit Di Totohanin, Till There Was You, at Don't Give Up on Us, ay kumita ng higit sa P100 milyon sa takilya. Ang pelikula naman niya kasama si Claudine Barretto na Milan ay naging ang kanyang pinakamalaking kumita sa takilya. 

Dahil may magandang boses din ang aktor ay napabilang siya sa 'The Hunks' na isang all-male group ng ASAP kasama sina Diether Ocampo, Bernard Palanca, Jericho Rosales, at Carlos Agassi. 

Inigo Pascual at Donnabelle Lazaro

Ang buhay ng anak ni Piolo sa Amerika kasama ang kanyang ina na si Donnabelle Lazaro ay matagal ding nanatiling pribado. Ito ay dahil sa gusto ni Piolo na huwag munang isapubliko ang pagkakaroon niya ng anak sa kanyang dating kasintahan. Ngunit sa huli, nabunyag din ito sa publiko at sumunod pa rin siya sa yapak ng kanyang ama sa pagpasok sa showbiz.

Kung si Piolo at si Inigo ay sumabak sa magulong mundo ng showbiz, si Donnabelle naman ay nagpasya na maging pribado sa kanyang buhay.

Sa isang panayam kay Donnabelle sa 'Magandang Buhay' noong Setyembre 2018, ibinahagi niya kung paano niya itinataguyod ang kanyang papel bilang ina kay Inigo at ang kanilang mga pinagdaanan noong sila ay nasa ibang bansa pa.

Aniya, 

"Noong bata pa, hindi talaga magaling pero magaling kumanta. Tinawagan ako ng teacher niya na panoorin ko raw kasi sumali sa singing contest."

Dagdag pa ni Donna ay kahit hindi kagalingan sa pagkanta ang anak niya noon ay malakas daw ang self confidence kaya naman nagugulat na lamang siya kapag sinasalihan itong singing contest. Kaya naman nagdesisyon siyang ipa-voice lesson ang anak dahil naaawa na daw ito sa kanya.

"Nagulat ako kasi hindi siya ganun kagaling kumanta, pero very confident siyang sumali. So, noong after ng contest na 'yun, naawa ako sa kanya pero hindi ko ipinakita kasi alam ko hindi siya magaling. So, pag-uwi namin noon ay in-enroll ko siya sa voice lesson,' kwento pa ni Donna.

Mapapansin din na tuwing may event si Inigo ay laging nasa background lang si Donna.

46 taong gulang na si Donna at simula raw ng maghiwalay sila ni Piolo ay sinadya niyang hindi na mag-asawa o magkaroon ng boyfriend para mas makapag-focus daw ito sa pag-aalaga kay Inigo.

Nakatira ang mag-inang Donna at Iñigo sa Amerika at tahimik daw ang kanilang buhay simula noong dumating sila noong 2006. Simple at masaya naman daw sila kasama ang mga magulang ni Donna. Ngunit, nang magka-isip na raw ang anak, sinabi nitong nais niyang pumasok sa mundo ng showbiz at sundan ang yapak ng kanyang ama.

Sa ngayon daw ay magkaibigan sina Donnabelle at Piolo.


No comments:

Post a Comment

Sponsor