Mamahaling bags ng mga sikat na Celebrities

Mamahaling bags ng mga sikat na Celebrities

Mamahaling bags ng mga sikat na Celebrities

Ang mga mamahaling bag ng mga Filipino celebrities ay isa sa mga usapin na patuloy na nabibigyang-pansin sa mundo ng showbiz. Hindi maikakaila na ang mga ito ay nagiging laman ng balita sa iba't ibang media platforms dahil sa halagang taglay nito. 

Ngunit, sa likod ng mga mamahaling bag na ito ay may mga kuwento at rason kung bakit ito naging bahagi ng personal na koleksyon ng ating mga celebrity icons.

1. Marian Rivera

Ang Kapuso star na si Marian Rivera ay may bagong Hermes koleksyon. Ang Kapuso Primetime Queen ay isang tagahanga ng mga mamahaling mga gamit.

Bukod kasi sa kagandahan at kalidad nito, alam nating lahat na ang pagkahilig ng maraming tao sa mga mamahaling bagay ay dahil rin sa mga ito ay maaaring maging investment.

Ang Birkin na ito ay mula sa A-List Avenue na pagmamay-ari ng kanyang matalik na kaibigan na si Rhea Than. Si Rhea ay CEO ng Beautederm.

Ayon sa Madison Avenue Couture, ang bag na ito ay nagkakahalaga ng 31,500 dolyar o mahigit 1.72 million pesos.

2. Heart Evangelista

Ang isa pang Kapuso aktres na si Heart Evangelista ay may bagong bag koleksyon na mamahaling Hermes Birkin. Noong unang linggo pa lamang ng Enero ay ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ng kanyang mister na sa si Senator Chiz Escudero kasama ng mga anak nito nang magbakasyon sa Japan. 

Makikita sa larawan na bitbit ng aktres ang kanyang bagong bag na Hermes Neige (Snow) Faubourg Birkin. Ayon sa sikat na auction site na Sothebys, ang bag na ito ay isa sa pinaka-rare at pinakamahal na edisyon na bag. Ito ay nagkakahalaga ng $48,000 o humugit kumulang 1.6 million pesos.

3. Jinkee Pacquiao

Bukod sa kilala bilang misis ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Si Jinkee ay kilalang kilala rin bilang isang mahusay na modelo ng fashion. Sa katunayan, madalas siyang mapansin sa mga social media dahil sa kanyang magagarang outfits at mamahaling mga bag. Isa sa kanyang pinakasikat na bags ay ang Hermès Birkin. 

Sa kanyang mga social media post, hindi nawawala ang kanyang mga litrato na nagpapakita ng kanyang mga Hermes Birkin bags. Ang Hermes Birkin ay isang kamangha-manghang bag na nagmumula sa French luxury brand na Hermès. Ito ay kilala sa kanyang kahanga-hangang kalidad at pagkakagawa sa bawat bag.

Si Jinkee ay mayroong hindi isa kundi dalawang Grand Marriage Birkin bags na nagkakahalaga ng halos 125,000 USD (humigit-kumulang 6 million pesos bawat isa. Ayon sa Forbes website, ang uri ng Birkin na ito ay binubuo ng "tatlong exotic leathers ng Hermès tulad ng matte alligator, ostrich, at lizard skins" at ito ay isang limited edition.

4. Ruffa Gutierrez

Si Ruffa Gutierrez ay hindi lamang isang kilalang artista kundi rin isang fashion icon na kilala sa kanyang pagiging makabago at edgy sa kanyang mga kasuotan. Isa sa mga bagay na kadalasang napapansin ng kanyang mga tagahanga ay ang kanyang impresibong koleksyon ng mga mamahaling bag. 

Sa kanyang post sa Instagram, ipinakita ni Ruffa ang kanyang Hermes Birkin bag kasama ang caption na "I've been eyeing this bag for months & I finally gave in. In love with my new #HermesBirkin!"

Noong i-post ni Ruffa ito sa kanyang Instagram ay nagkakahalaga ito ng mahigit kumulang $9,000 o 463,000 pesos.

5. Dra Vicki Belo

Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay kilala sa kanilang pagiging fashion-conscious at pagkakaroon ng mga celebrity icons na hinahangaan at sinusundan. Isa sa mga sikat na celebrity icons sa bansa ay si Dra. Vicki Belo, isang cosmetic surgeon at may-ari ng Belo Medical Group.

Sa kanyang vlog, ikinuwento nito ang nabili niyang bag at ang nakakatuwang kwento ng pagbili niya dito. Isinalaysay ni celebrity doctor Vicki Belo ang isang nakakatawang kwento tungkol sa isang partikular na Chanel bag na kanyang pag-aari na napakamahal. Ito ay nagkakahalaga ng $16,000 o humigit kumulang 900,000 pesos.

Aniya,

"I saw this bag, I saw it on Vogue, I think or Elle, or Bazaar. I am not sure, but I took a picture of the page, I sent it to my sales associate at Chanel in Paris, "Can you find it for me?"

"So, the problem with buying online and the reason I don't like it is, kasi, I can't tell the size. It doesn't say naman so in my head, I needed an evening bag. Akala ko naman it was a bit bigger but when it arrived, it's very small."

"Sabi ko, 'What will I put inside? You know what she said to me? Nothing, lipstick. It's a statement piece!"

Pero ayon kay Vicki ay maganda parin itong investment pice dahil ang bag na ito ay limited edition lamang at tataas ang value sa mga susunod na taon. 

6. Kris Aquino

Si Kris Aquino ay bumili ng isang Chanel bag matapos ang lindol sa Japan noong 2019. Isa raw ito sa napakalakas na kabang naranasan ng Queen of All Media habang kasama ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh. 

Naging pampawala ng kanyang stress ang pag-shop ng Chanel bag, na ipinakita niya rin sa kanyang video sa Facebook. Ang halaga ng bag na ito na tinatawag na "Side Packs" mula sa kanyang Spring/Summer 2019 Collection ng Chanel ay nagkakahalagang $7,800 o higit sa P400,000. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor