Mga Artista na may Palaban na Waistline: Sino-sino ang Nasa Listahan?

Mga Artista na may Palaban na Waistline: Sino-sino ang Nasa Listahan?

Mga Artista na may Palaban na Waistline

Sa mundo ng showbiz, ang kanilang pisikal na anyo ay isa sa mga mahalagang bahagi ng kanilang image at karera. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mga balakang ng mga celebrities na ito ay talaga namang naging usap-usapan sa social media. Ating alamin ang waistlines ng inyong mga paboritong celebrities.

1. Jilian Ward

Ang pagdadalaga ni Trudis Liit at Abot Kamay Ang Pangarap star na si Jillian Ward ay talaga naman tinutukan ng mga netizens. Sa kanyang murang edad, nakilala na siya bilang isang mahusay na aktres at isang inspirasyon sa maraming kabataan lalo na sa kanyang acting skills. Alam niyo ba na 24 inches lamang ang waistline ng Kapuso aktres. 

Kung mapapansin sa mga Instagram post ni Jillian, bukod sa napakagandang mukha nito ay biniyayaan din siya ng balingkinitang pangangatawan. Ayon kay Jillian, hindi niya nili-limit ang kanyang pagkain ngunit tinitiyak niya na regular siyang nage-ehersisyo kapag wala siyang trabaho o tapiings.

Aniya, "Malakas din po ako kumain pero dahil po active sa taping, nabu-burn ko din agad yung kinakain ko. Pag wala naman pong taping, nagwo-workout ako."

2. Julie Anne San Jose

Ang Maria Clara at Ibarra at 'Limitless Star' na si Julie Anne San Jose ay 24 inches lamang ang kanyang waistline. Ano nga ba ang sikreto ni Julie para mapanatili ang kanyang waistline? Ayon kay Julie, mas epektibo para sa kanya ang pagpapayat kung may kasamang training buddy. Hindi raw siya sanng-ayon sa matinding pagdidyeta lamang para magbawas ng timbang. Sa kanyang palagay, sapat na ang balanseng pagkain ng tatlo hanggang limang beses sa isang araw. Hindi rin daw niya tinanggal ang kanyang pagkain ng kanin at iba pang uri ng carbohydrates. 

"The more na dine-deprive ko yung sarili ko sa food, parang mas lalo ako nagke-crave. Mas lalo akong napapakain ng marami."

Bukod pa dito ay inspire ngayon si Julie sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.

3. Bianca Umali

Si Bianca ay hindi lamang maganda ang mukha sa mundo ng showbiz, kundi mayroon din siyang katawan na pwede niyang ipagmalaki. Ayon sa kanya, mayroon siyang trainer na tumutulong sa kanya sa pag-eexercise at pagbabantay sa kanyang kinakain para mapanatili ang kanyang figure. Ang laki ng kanyang baywang ay 22 inches.

4. Herlene Budol

Si Herlene Budol, na mas kilala bilang "Hipon Girl," ay isang Filipina comedian at host na nakilala sa kanyang nakakatawang pagpapatawa at kakaibang pamamaraan sa paghahost ng mga programa.

Unang naging viral si Herlene noong 2018 sa isang episode ng "Wowowin," kung saan siya ay nagpakilala bilang "Hipon Girl." Aminado ang beauty queen na marami noon nagsasabi sa kanya na maganda ang katawan nito pero tapon ang ulo kaya tinawag siyang "Hipon Girl." Siya ay sumali sa Binibining Pilipinas noong 2022 at nakuha niya ang first runner up. Ang kanyang waistline ay 22 inches lamang. 

Sa kabila ng mga kritisismo at mga pagsubok na kanyang pinagdaanan, patuloy na nagsisilbing inspirasyon si Herlene sa maraming tao, lalo na sa mga taong nangangarap at nagtitiyagang abutin ang kanilang mga pangarap. Siya ay patunay na ang tagumpay ay hindi hadlang sa paglikha ng magandang buhay para sa sarili at sa kanyang pamilya.

5. Megan Young

Si Megan ay isang sikat na artista at beauty queen sa Pilipinas. Una siyang sumali sa reality artista search ng GMA na 'Starstruck' season 2. Naging Miss World siya noong 2013, at mula noon ay naging isang mahalagang personalidad sa industriya ng showbiz. Ang kanyang waistline naman ay 23 inches.

6. Pia Wurtzbach

Si Pia ay isa sa mga pinakasikat na beauty queen sa Pilipinas. Naging Miss Universe siya noong 2015, at mula noon ay naging isang inspirasyon sa mga kababaihan dahil sa kanyang tagumpay at kagandahan.

Ayon kay Pia, pinapanatili niya ang kanyang figure sa pamamagitan ng pagpunta niya sa gym kapag may free time ito at nililimitahan niya ang kanyang pagkain. Mas gusto din daw niyang kumain ng manok kesa dahil isa itong good source of protein kaya naman ang kanyang waistline ay 23 inches lamang.

7. Jennylyn Mercado

Ang 30 taong gulang na Kapuso aktres ay may 24 inches na waistline. Mahilig si Jennylyn na magbisikleta kasama ang kanyang pamilya at mag-martial arts tulad ng Jiu-Jitsu at Muay Thai.

8. Sandara Park

Simula pa noon ay slim na daw ang pangangatawan ni Sandara kahit hindi naman talaga siya nagda-diet.

Noong 2014, ipinakita ni Dara ang kanyang well-toned abs habang nagpo-promote ng huling studio album ng kanyang dating grupo na 2NE1, ang Crush.

Kasama sa signature style ni Dara ang pagdadamit ng cropped tops, kung saan napansin ng mga fans ang kanyang maliit na baywang. Ang kanyang waistline naman ay 24 inches.

No comments:

Post a Comment

Sponsor