Mga Sikat na Pinoy Celebrities na Nakulong Noon Pero Nakalaya Na Ngayon
Mga Sikat na Pinoy Celebrities na Nakulong Noon Pero Nakalaya Na Ngayon
Kapag naririnig natin ang salitang "nakulong," madalas agad nating naiisip na mga kriminal at masasamang tao lang ang nakakaranas nito, gaya ng nakikita natin sa mga pelikula at teleserye.
Pero sa totoong buhay, hindi lang ordinaryong mamamayan ang naiipit sa ganitong sitwasyon, dahil maging ang mga sikat na artista na hinahangaan ng marami ay nakaranas ng humimas sa malamig na mga rehas ng kulungan.
Sa artikulong ito, kilalanin natin ang mga sikat na Pinoy celebrity na nakulong noon ngunit ngayon ay malaya na, at alamin natin kung paano sila nakabangon sa pagsubok na ito sa kanilang buhay at karera.
1. Robin Padilla
Noong 1994, nakulong ang action star-turned-politician at binansagang ‘Bad Boy’ ng Philippine showbiz na si Robin Padilla dahil sa kasong illegal possession of firearms matapos masamsam ng mga awtoridad ang ilang armas sa kanyang tahanan.
Matapos ang tatlong taong pagkakakulong, nakalaya siya nang mabigyan siya ng conditional pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Hanggang taong 2016, sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nabigyan siya ng absolute pardon. Ito ay nagbigay sa kanya ng ganap na kalayaan mula sa kasong kanyang kinaharap.
Matatandaang sa kanyang pananatili sa kulungan, natuklasan ni Robin ang relihiyong Islam. At pagkatapos tuluyang makalaya, ipinagpatuloy niya ang kanyang karera sa showbiz at pagsuporta sa mga programa at proyekto para sa kapayapaan at pag-unlad ng Muslim community.
2. Baron Geisler
Kilala rin bilang ‘notorious bad boy’ sa Philippine showbiz industry, sumikat ang dating child star na si Baron Geisler dahil sa kaliwa’t kanang isyu na kanyang kinasangkutan na may kinalaman sa kanyang pagiging ‘pasaway’ at ‘basagulero’.
Matatandaang taong 2013 nang masentensiyahan ng anim hanggang dalawang taong pagkakakulong si Baron dahil sa kasong acts of lasciviousness matapos niyang hipuan ang anak ng celebrity couple na sina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha. Gayunpaman, hindi rito natapos ang mga kasong kinaharap ni Baron.
Taong 2018, nakulong si Baron matapos siyang magwala at pagbantaan ang buhay ng kanyang bayaw sa Angeles City, Pampanga. Dahil sa insidente, kinasuhan siya ng grave threat, alarm and scandal, at illegal possession of weapon. Makalipas ang anim na buwan sa kulungan, nakapagpiyansa siya at tuluyang nakalaya.
Sa kasalukuyan, itinuturing ni Baron ang kanyang sarili na isa nang "changed man" matapos niyang mahanap ang Panginoon habang nasa loob ng isang rehabilitation center sa Cebu. Mayroon na rin siyang asawa’t anak. Bukod dito, nagbalik din ang sigla ng kanyang karera matapos pumatok ang kanyang comeback movie na "Doll House," na ilang linggong nasa 'Top 1' ng pinaka-pinapanood na pelikula sa Netflix Philippines noong 2022.
3. Kit Thompson
Noong 2022, mainit na pinag-usapan sa mundo ng showbiz at social media ang pambubugbog ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Kit Thompson sa kanyang kasintahan na si Ana Jalandoni, isang sexy actress at producer.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa kanilang tinutuluyang hotel sa Tagaytay City kung saan ikinulong at binugbog ni Kit si Ana. Agad siyang inaresto ng mga pulis at sinampahan ng mga kaso ng physical abuse at illegal detention. Nakapagpiyansa si Kit ng P72,000 at agad ding nakalaya.
Ilang buwan matapos ang kontrobersiya, bumalik sa pag-arte si Kit sa pelikulang “Showroom”.
4. Vhong Navarro
Noong ika-19 ng Setyembre 2022, kusang-loob na sumuko ang aktor at TV host na si Vhong Navarro sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Nakapagpiyansa siya para sa nasabing kaso ngunit nakulong pa rin sa NBI detention center matapos lumabas ang pangalawang warrant of arrest para sa kasong pangg@gahasa na isinampa rin ni Deniece laban sa kanya. Kahit na non-bailable ang kaso na ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas, nakalaya si Vhong noong December 6 matapos pagbigyan ng korte ang kanyang bail petition sa halagang P1 milyon.
Hanggang nitong buwan ng Marso lamang taong kasalukuyan, tuluyang pinawalang-sala ng Korte Suprema si Vhong sa mga kasong inihain laban sa kanya ni Deniece dahil sa pabago-bagong testimonya ng huli.
Sa ngayon, patuloy na napapanoood si Vhong bilang isa sa mga host ng Kapamilya noontime show na "It's Showtime".
5. Mark Anthony Fernandez
Pagkatapos ng mahigit isang taon na pagkakapiit dahil sa pagdadala ng ilegal na droga, pinakawalan si Mark Anthony Fernandez mula sa kulungan noong Disyembre 22, 2017.
Ayon sa ulat noon, pinakawalan ang aktor mula sa Angeles City Jail sa San Fernando, Pampanga. Ang kaso laban kay Fernandez ay ibinasura, at mayroon lamang misdemeanor charge na nananatili.
Naaresto si Fernandez noong Oktubre 2016 matapos makumpiska sa kanyang sasakyan ang isang kilong bato at kakaunting halaga ng marijuana sa isang checkpoint para sa anti-kriminalidad sa MacArthur Highway.
Kahit na inamin ng aktor na gumagamit siya ng marijuana, itinanggi niya na kanya ang kilong marijuana at sinabi na ibinagsak lang ito ng ibang tao sa kanyang sasakyan.
Dati nang nasangkot sa paggamit ng droga ni Mark Anthony at sumailalim na rin siya sa drug rehabilitation.
Siya ay anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez at aktres na si Alma Moreno, at lumabas sa ilang mga palabas sa GMA Network.
6. Cogie Domingo
Si Redmond Christopher Fernandez Domingo sa totoong buhay o mas nakilala bilang Cogie ay nakulong din noon dahil sa paggamit at pagbili niya ng ipinagbabawal na droga. Pinayagan naman siyang makapagpiyansa kasama ang tatlo niyang kasama sa isang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa BF Homes sa Paranaque City noong October 27, 2017.
Ang inirekomendang piyansa ng aktor ay Php200,000, samantalang tig-Php100,000 naman ang bail ng dalawa pa niyang kasamang lalaki. Ayon sa ulat ng PDEA, madalas na nakikitang bumibisita ang aktor sa Paranaque at Las Pinas upang bumili ng droga. Nilinaw naman ng aktor na hindi kanya ang mga nakumpiskang droga at drug paraphernalia na nakuha sa kanyang kotse at set-up lamang daw ito.
Ayon pa sa kanya, nagdinner lang sila ng kanyang mga kasama nang biglang dumating ang mga tauhan ng PDEA. Itinanggi rin ng aktor na bumibili o gumagamit siya ng droga at nagpapatunay dito ang negative na resulta ng drug test na kanyang sinagawa noong 2016. Inamin rin niya na dati siyang gumagamit ng droga, pero matagal na raw siyang nagdesisyon na huminto rito.
No comments:
Post a Comment