Out and Proud: 7 Pinoy Celebrities na Nagpakatotoo sa Kanilang LGBT Identity

Out and Proud: 7 Pinoy Celebrities na Nagpakatotoo sa Kanilang LGBT Identity

Out and Proud: 7 Pinoy Celebrities na Nagpakatotoo sa Kanilang LGBT Identity

Sa kasalukuyang panahon, mas bukas na ang ating lipunan sa mga taong gustong magpakatotoo tungkol sa kanilang pagkatao, lalo na sa kanilang kasarian. Maraming sikat na personalidad sa Pilipinas ang naging inspirasyon para sa marami dahil sa kanilang paglabas sa publiko bilang mga proud member ng LGBTQIA+ community.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang ilan sa mga sikat na artista sa bansa na nagpakatotoo na sila ay miyembro ng LGBTQIA+ community.

1. Rosanna Roces

Noong dekada '90, naging popular si Rosanna Roces, mas kilala bilang 'Osang' o Jennifer Cruz Adriano sa tunay na buhay dahil sa kanyang ganda at kaseksihan na naging isa sa mga pantasya sa mga kalalakihan. Noong 1993, ikinasal si Osang sa isang negosyante na si Tito Molina, ngunit naghiwalay din sila.

Nagulat ang marami nang ibinalita na may relasyon siya sa kapwa babae na si Blessy Arias. Noong Disyembre 10, 2016, ikinasal sila sa Alexa's Secret Garden sa Antipolo, isang LGBTS Christian Church. Ayon kay Osang, nakilala niya na si Arias noong 15 taong gulang pa lamang ito, ngunit nawala ang kanilang komunikasyon nang pasukin ni Osang ang showbiz. Ngunit muling nagkita ang dalawa at doon na nagtuloy-tuloy ang kanilang pagmamahalan. Hindi inaasahan ni Osang na magmamahal muli.

2. Beatrice Gomez

Naging usap-usapan ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez. Siya ay kauna-unahang nanalo sa Miss Universe PH na proud member ng LGBTQIA+ community. Ayon sa kanya, ang pagiging totoo sa sarili ang naging kanyang sandata upang makuha ang korona sa Miss Universe Philippines 2021.

Nakarelasyon niya si Kate Jagdon na isang entrepreneur at DJ. Matagal ding naging sila, halos walong taon. Inamin ni Kate ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Sinabi niya na minabuti niyang maglabas ng pahayag upang hindi na magkaroon ng maling balita tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Beatrice. Nagpasalamat din si Kate sa lahat ng sumusuporta sa kanya at humihiling na respetuhin ang kanyang privacy.

3. Pam Veneracion

Kabilang sa LGBTQIA+ community ang anak nina Ian at Pam Veneracion na si Deidre o Dids. Sa isang panayam sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Ian ang kanyang reaksyon nang sabihin sa kanya ng anak, na 16 anyos noon na nagkakagusto ito sa mga babae. 

Sabi niya, pareho silang umiyak ng umamin at iniisip ng anak na hindi siya matatanggap ng ama pero tinanggap at sinuportahan siya ni Ian kahit ano pa siya. Mula pa sa murang edad, nakikita na ni Ian ang senyales kay Dids dahil may pagka-macho ang kilos nito kaya hindi na sila nagulat nang umamin sa kanila ang anak.

4. Raymond Gutierrez

Nagpakatotoo si host at influencer na si Raymond Gutierrez at aminadong siya ay gay noong kalagitnaan ng 2021. Sinabi ni Raymond na noong sila ay lumalaki kasama ang kanyang kakambal na si Richard, nahirapan siyang maging totoo sa kanyang pagkatao dahil sinusubaybayan ng publiko ang kanilang bawat kilos.

Ayon kay Raymond ay bata pa lamang daw siya ay feel na niyang may iba sa kanya. Iba daw kasi ang hilig niya sa kapatid niyang si Richard. Magkaiba din daw ang kanilang personality at mga kaibigan. Pero makikita ngayon sa social media na todo suporta ang kanyang kakambal sa lovelife ni Raymond. Siya kasi ay kasalukuyang in a relationship sa kanyang foreign partner na si Robert Williams na nakabase sa California.

5. Issa Pressman

Noong Nobyembre 2018, naging balita si Issa dahil ipinakilala niya ang kanyang kasintahang si Marga Bermudez at inamin na siya ay bisexual. Pero ngayon ay hiwalay na silang dalawa at in-a-relationship naman si Issa kay James Reid. 

Maraming fans ng JaDine ang nabigla at nalungkot sa mga larawan na ibinahagi nina James at Issa sa social media na nagpapakita na magkasama sila sa Love on Tour concert ni Harry Styles na ginanap sa Philippine Area noong March 14, 2022.

Nag-post ng mga litrato at video ang dalawa sa kanilang Instagram account na nagpapakita na sila ay magkasama sa concert at nag-holding hands pa. Naalala ng marami na naghiwalay sina Nadine Lustre at James noong 2020 at si Issa noon ang napabalitang third party sa kanilang hiwalayan.

6. Mark Bautista

Ang Kapuso at OPM singer na si Mark Bautista ay nagbigay ng pahayag tungkol sa kanyang kasarian. Sa kanyang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho, aminado siyang bisexual siya. Noon pa man ay patuloy nang pinag-uusapan ang kanyang sekswalidad at maraming tsismis na nagsasabing siya ay beki. Nagkaroon din ng balitang na-link sa kanya sa kanyang dating kasamahan sa Kapamilya Network na si Piolo Pascual at sa isang kilalang American news anchor na si Anderson Cooper. 

Noong 2011, nadamay ang pangalan ni Mark sa kontrobersyal na hiwalayan ng celebrity power couple na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Sa isang panayam sa Showbiz Central noong Disyembre 2011, tumanggi si Mark na magbigay ng pahayag tungkol sa isyu.

7. BB Gandanghari

Noong dekada '90, si Rustom Padilla ay isa sa mga pinakasikat na matinee idol at action star. Siya ay kapatid ng mga aktor na sina Robin Padilla, Royette, at Rommel Padilla. Noong 2001, nagpasya siyang magpahinga muna sa showbiz ngunit bumalik ito noong 2006. Sumali siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition at dito nagsimula ang paglabas niya ng tunay niyang pagkatao.

Sa telebisyon niya inanunsiyo na hindi siya straight at noong 2009 ay inamin rin niya na isa siyang transgender na siyang tinawag niyang BB o Binibini Gandanghari. Kinasal din siya kay Carmina Villaroel noong 1998, ngunit nag-file siya ng annulment pagkatapos ng ilang buwan at ipinagkaloob ito noong 2002. 

Nagdesisyon siyang manirahan sa Amerika at doon siya nag-aral ng filmmaking. Marami siyang pinasok na trabaho doon tulad ng bookkeeper at accountant. Nagsimula rin siya sa mundo ng vlogging kung saan ibinabahagi niya ang kanyang simpleng buhay sa Amerika.

8. Klea Pineda

Sa kanyang ika-24 kaarawan, inihayag ng Kapuso actress na si Klea Pineda na miyembro siya ng LGBTQIA+ community. Ang kanyang kasintahan na si Katrice Kierulf ay kilala bilang isang motovlogger at mahilig din sa malalaking motorbikes. 

Sa kabila ng malaking pagbabago na ito sa kanilang buhay, nilinaw ni Klea sa kanyang mga fans na hindi magbabago ang kanyang pagkatao at siya pa rin ang taong suportado at minahal ng kanyang mga tagahanga sa mga lumipas na taon sa show business. Nais ni Klea na maging inspirasyon para sa iba, partikular na sa mga taong nangangamba pa rin na tanggapin at aminin ang kanilang kasarian.


No comments:

Post a Comment

Sponsor