Ryzza, pinapatanggal sa Eat Bulaga; pinaglaban ni Tito Sen

Ryzza, pinapatanggal sa Eat Bulaga; pinaglaban ni Tito Sen

Ryzza, pinapatanggal sa Eat Bulaga; pinaglaban ni Tito Sen

Sentro muli ng kontrobersiya ang longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

Ito’y matapos magsalita ang isa sa mga original host at founder nito na si Sen. Tito Sotto o Tito Sen hinggil sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng programa.

Sa sunod-sunod na panayam ni Tito Sen sa media kamakailan lamang, isa-isa niyang inilantad ang mga nangyayari ngayon sa programa.

Kabilang na rito ang di umano’y pagtatanggal ng mga empleyado ng mga namamahala ng TAPE Inc. na mga Jalosjos.

Ayon kay Tito Sen, gusto raw tanggalin o pag-resignin ng mga Jalosjos ang mga empleyado, lalo na raw ang mga maliit lang ang sweldo.

Pagbubunyag ni Tito Sen sa panayam niya sa programang “Updated with Nelson Canlas”, “They were asking everyone to resign, especially yung maliit ang income. Pinag-re-resign, pinag-re-retire at ire-rehire naman daw. Sabi ko what is the guarantee that they will be rehired sa oras na mag-retire sila?” 

Sa panayam naman ng PEP.ph kay Tito Sen, ibinunyag niyang kabilang sa mga host na gustong tanggalin ng mga Jalosjos ay ang batang aktres na si Ryzza Mae Dizon na isa sa mga homegrown talent ng Eat Bulaga.

Rebelasyon pa ni Tito Sen, gusto ng mga Jalosjos na palitan so Ryzza ng ibang batang babae na aniya’y mula raw sa Dipolog City.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga Jalosjos ay nagmula sa Zamboanga Del Norte.

At ang Dipolog City ay isa lamang sa lungsod ng nasabing probinsya.

Aniya, “They wanted to remove Ryzza. Gusto (nila) palitan ng ibang bata…na taga-Dipolog.”

Ngunit mariin umano nilang kinontra ng kanyang kapatid na si Vic Sotto at Joey de Leon ang balak ng mga Jalosjos na tanggalin si Ryzza.

Katwiran ni Tito Sen,  “Kung isang bata lang naman, okay lang, pero wag nilang aalisin si Ryzza.”

Nagtataka rin umano sila kung bakit kailangan pang tanggalin si Ryzza kung pwede raw na maging katandem ito ng batang gustong ipasok ng mga Jalosjos.

Giit ni Tito Sen, “Kasi ‘yung gusto nilang i-promote na bata, pwede ngang matulungan ni Ryzza ‘yon eh. ’Di ba? Pwedeng maging katandem para mas madaling sumikat kung gusto nilang sumikat.”

Lingid sa kaalaman ng marami, si Ryzza ay ikalawa sa pinakabatang host ng Eat Bulaga. 

Matatandaang sumikat at nakilala siya nang manalo at makoronahan bilang “Little Miss Philippines” noong 2012.

Dahil sa angking talento sa pagpapatawa at pagho-host, kinuha ng Eat Bulaga si Ryzza bilang regular host.

Mula noon ay naging matayog naman ang kasikatan ni Ryzza at bumida siya sa ilang serye at pelikula ng Kapuso network gaya ng “Si Agimat, si Enteng Kabisote at Si Ako” noong 2012 Metro Manila Film Festival.

Isang taon lang simula nang manalo sa LMP ay nagkaroon naman si Ryzza ng sariling talk show, ang “The Ryzza Mae Show” na unang umere noong April 2013.

Bumida rin siya sa Kapuso sitcom ni Bossing Vic na “Vampire ang Daddy Ko,” “Princess in the Palace”, at “My Little Bossings” kasama sina Vic, Kris Aquino, at Bimby Aquino.

Matatandaang dalawang taon ding hindi nakapag-host si Ryzza sa Eat Bulaga dahil sa banta ng C0VID-19.

Nakabalik muli siya sa paghohost noong May 2022 matapos lumuwag ang C0VID restrictions.


No comments:

Post a Comment

Sponsor