Mga Artistang Itinago Sa Publiko Ang Kanilang Pagbubuntis
Mga Artistang Itinago Sa Publiko Ang Kanilang Pagbubuntis
Malupit ang mundo ng showbiz kahit gaano pa ito kakinang.
Ito ay isang industriya kung saan ang kasikatan ay posibleng panandalian lamang, at maaaring sa isang pagkakamali ay maaaring mangahulugan ng pagtatapos ng karera ng isang artista.
Kaya naman nagsisikap ang mga artista na protektahan ang kanilang imahe, kahit na nangangahulugan ito ng pagtatago ng isang malaking sikreto mula sa publiko, gaya na lamang ng kanilang pagbubuntis.
Hindi na bago ang mga kwento ng mga artistang itinago ang kanilang pagbubuntis.
Maraming artista ang ginagawa ito upang mapanatili ang kanilang reputasyon at maiwasan ang isyu na maaaring makasira sa kanilang karera.
Sa artikulong ito, kilalanin ang mga sikat na artista na inilihim sa publiko ang kanilang pagbubuntis.
1. Sarah Lahbati
Tuwing biglang sasabihin ng isang aktres na magpapahinga muna siya sa showbiz at pupunta ng ibang bansa, asahan mo nang may tsismis o 'blind item' na lalabas na buntis siya.
Ito nga ang nangyari nang biglang inanunsyo noong 2013 ng dating "StarStruck" contestant na si Sarah Lahbati na magpapahinga muna siya sa showbiz para mag-aral sa Switzerland.
Mabilis ngang umusbong ang haka-hakang nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kanyang boyfriend pa lamang noon na si Richard Gutierrez.
Hanggang makalipas ang isang taon, lumabas na totoo ang pregnancy rumor na iniuugnay sa kanya matapos itong kumpirmahin ni Richard.
Noong April 2014, sa unang episode ng reality TV show ng kanyang pamilya na "It Takes Gutz to be a Gutierrez", inanunsyo ni Richard sa publiko na isa na siyang ama sa panganay nila ni Sarah na si Zion.
Ibinahagi rin ni Richard na kaya nila piniling itago sa publiko ang pagbubuntis ni Sarah ay dahil ayaw nilang pagpiyestahan ng tabloid ang pagbubuntis nito.
Ani Richard, "The main reason why I didn’t want to announce then that I’m having a baby with Sarah was that we didn’t want to make Sarah’s pregnancy a tabloid circus. We want to share baby Zion with everyone in our own terms.”
Sinabi naman ni Sarah na kailanman ay hindi nila itinanggi ang balitang buntis siya. Ang gusto lamang umano nila ay mapanatili ang kanilang privacy.
Aniya, “We never denied him. We just wanted to keep our privacy.”
2. Anne Curtis
Noong November 2017, pinakasalan ng Kapamilya actress, TV host, at model na si Anne Curtis ang kanyang longtime boyfriend na si Erwan Heussaff sa Queenstown, New Zealand.
Pagkatapos magpakasal, excited nga ang lahat na magkaanak si Anne.
Gayunpaman, natupad lamang ang dasal at hiling ng marami makalipas ang halos dalawang taon mula nang ikasal sina Anne at Erwan.
Humaba pa ang paghihintay ng marami dahil itinago muna nina Anne at Erwan ang kanilang pagbubuntis ng ilang buwan.
Ibinunyag lamang nga nila ito noong nasa kanyang ikalawang trimester na ng kanyang pagbubuntis si Anne sa pamamagitan ng maikling video na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.
Ipinanganak ni Anne ang kanilang panganay na si Dahlia Ameliè noong March 2, 2020 sa Australia.
3. Sofia Andres
Ginulat naman ng TV actress at model na si Sofia Andres ang mundo ng showbiz at social media nang i-anunsyo niyang isa na siyang ina.
Noong Father's Day ng 2020, ipinakilala ni Sofia sa mundo ang napakagandang anak nila ng kanyang boyfriend na si Cebuano race Daniel Miranda na si Zo Natalia.
Tulad ni Anne, ipinanganak ni Sofia si Zoe sa Australia noong November 24, 2019.
Samantala, sa guesting niya sa Kapamilya online show na "I Feel U", ibinunyag ni Sofia na kaya nagdesisyon siyang itago ang kanyang pagbubuntis para maiwasan ang 'stress' sa panahon ng kanyang pagbubuntis.
Aniya, “Tinake ko lang 'yung advice ng sister ko, na 'pag daw hindi stressful ang pregnancy, nagre-reflect daw sa bata 'yun. I think, kaya ko po 'yun ginawang private kasi para carefree ako, wala akong stress na iniintindi. Na parang, I don’t have to listen to other people na, ‘Bakit ka nanganak nang maaga and all that?’ Parang nakaka-stress.”
4. Janella Salvador
Isa sa mga nakakagulat na balita na sumalubong sa lahat noong January 2021 ay nang ipakilala ni Janella Salvador sa social media ang kanyang anak kay Markus Paterson na si Jude.
Ipinanganak ni Janella si Jude noong October 20, 2020 sa United Kingdom.
Samantala, sa kanyang panayam sa podcast nina Kryz Uy at Slater Young "Skypodcast", ibinunyag ni Janella na kaya pinanatili niyang pribado ang kanyang pagbubuntis upang maiwasan ang 'stress' na kaakibat ng malupit na batikos ng publiko.
Aniya, “It's not easy, especially at my age. There's a lot of criticism—harsh criticism. I needed the peace and quiet to have a happy pregnancy. We wanted to enjoy it as a family. Keep it private muna. We weren't gonna hide him forever, obviously. I don't think anyone can do that. We just wanted to enjoy those little moments. The calm before the storm."
5. Ellen Adarna
Si Ellen, na 35 taong gulang at si John Lloyd naman ay 39 taong gulang, ay naging magkasintahan noong 2017 at naghiwalay noong 2019, halos isang taon matapos isilang ni Ellen ang kanilang anak na si Ellias. Kahit hiwalay na silang dalawa ay ibinahagi naman ni Ellen na mayroon silang "co-parenting setup" ng aktor. Inilarawan niya ang aktor bilang isang "present father" sa kanilang anak.
Matatandaan noon na matapos ng ilang buwang mga haka-haka, kinumpirma ng abogado ni Ellen na si Atty. Rebo Saguisa, na siya ay nanganak na. Ipinahayag niya ito noong Hulyo 2018 sa isang pre-trial hearing tungkol sa mga reklamo ng child abuse at cyber crime laban sa kanyang kliyente. Si Ellen ay nagkaanak ng kanyang unang anak na lalaki na si Elias Modesto, kay John Lloyd Cruz noong Hunyo 27, 2018. Ayon sa ulat, naghiwalay ang magkasintahan noong una pa lamang bahagi ng 2019.
Masaya naman ang buhay ngayon ni Ellen kapiling ang kanyang asawa na si Derek Ramsay.
6. Marjorie Barretto
Noong Pebrero 2018, ipinakilala ni Marjorie Barretto ang kanyang pinakabunsong anak na limang taong gulang noon sa publiko sa pamamagitan ng paglalagay ng mga litrato nito sa social media. Sa isang panayam, ibinunyag ng aktres na si dating mayor ng Caloocan City at dating congressman na si Enrico "Recom" Echiverri ang ama ng kanyang pinakabatang anak na pinangalanan nilang Erich.
7. Phoemela Baranda
Ang TV host at model na si Phoemela Baranda ay itinago din ang pagbubuntis sa anak niyang si Kim Nichole Baranda. Inilantad din ni Phoemela na sinabihan siya ng kanyang ina na itago ang kanyang pagbubuntis dahil nagmo-model siya noon at baka masira ang kanyang showbiz career.
Aniya, "Sinabihan ako ng aking nanay na itago [ang aking pagbubuntis] dahil nagmo-model ako nung panahon na iyon."
Pumunta si Phoemela sa Amerika nang siya ay apat na buwan na buntis at doon nanganak bago bumalik sa Pilipinas. Unang ipinakilala niya ang kanyang anak bilang kanyang pamangkin, at pagkatapos ay bilang kanyang kapatid. Nalaman ni Kim na si Phoemela ay kanyang tunay na ina nang siya ay 11 taong gulang.
Pinaniwala si Kim na ang kanyang lola sa tuhod ang kanyang ina, ngunit nang pumanaw ang kanyang lola, si Phoemela na ang nagpanggap bilang kanyang ina.
No comments:
Post a Comment