Mga Artistang Pinoy Na May Pinaka-Mahal na Motorcycle Ngayon

Mga Artistang Pinoy Na May Pinaka-Mahal na Motorcycle Ngayon

Mga Artistang Pinoy Na May Pinaka-Mahal na Motorcycle Ngayon

Hindi maikakaila na malaki ang kinikita ng mga artista. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit marami sa kanila ang nakapagpundar ng mga ari-arian.

Ngunit ang mga sikat na personalidad sa showbiz gaya ng mga sikat na aktor na ito ay hindi lamang nagmamay-ari ng magagarang bahay at mamahaling sasakyan kundi pati na rin ng mga motorsiklo na talaga namang nakakabilib ang halaga. Hindi ito yung mga karaniwang motor, kundi mga napakamahal at mamahaling uri na hindi kayang bilhin ng lahat. 

Kung ang mga babaeng artista nga ay mahilig mangolekta ng mga mamahaling bag at sapatos, ang mga lalaking artista na ito ay mahilig namang mangolekta ng mga astig na motorsiklo na nagkakahalaga ng malaking pera.

Richard Gutierrez

Nagsimulang umarte si Richard Gutierrez sa murang edad. Bilang anak ng sikat na aktor na si Eddie Gutierrez at talent manager na si Annabelle Rama ay maaga siyang namulat sa mundo ng showbiz. Dahil na rin sa kagwapuhan at likas na talento sa pag-arte ni Richard, kaya agad siyang nabigyan ng maraming proyekto.

Sa kabuuan nga ng kanyang karera bilang aktor, nakagawa na ng maraming pelikula at teleserye si Richard. Bukod sa pag-arte, nakagawa na rin siya ng maraming endorsements at commercials na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

Kaya naman hindi na nakakagulat na nakabili si Richard ng Ducati Paul Smart 2003 model na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P900k hanggang P1 milyon. 

At ang mas nakakamangha pa, mayroon lamang tatlong piraso ng Ducati Paul Smart sa bansa, at isa rito ay pag-aari ni Richard.

Ryan Agoncillo

Isa ring motorcycle enthusiast ang Eat Bulaga host at mister ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo. Sa katunayan, madalas ibida ni Ryan ang  koleksyon niya ng motorsiklo na halos mga big bike sa kanyang Instagram account.

At isa  sa mga big bike na makikita sa Instagram account ni Ryan ay ang KTM 790 Adventure R na ayon sa website na MotoDeal ay nagkakahalaga ng mahigit P700k. 

Bukod dito, nagmamay-ari rin si Ryan ng Ducati Hyperstrada 821, na ngayon ay kilala bilang Ducati Hypermotard. 

Nasa mahigit P900k naman ang base price ng nasabing motorbike.

Coco Martin

Bata pa lang ay talagang mahilig na sa motorsiklo ang "FPJ's Ang Probinsyano" star na si Coco Martin. Pero alam n'yo bang ang unang motorsiklo na minaneho ni Coco ay isang tricycle? 

Sa isang panayam, ikwenento ni Coco na noong siya ay high school ay nagsikap siyang matutong mag-motor para  makatulong sa kanyang lola. 

Nang matuto ay siya na nga raw ang naghahatid sa kanyang lola sa palengke.

Hanggang sa naging artista nga si Coco at natupad niya ang kanyang pangarap na makabili ng sariling motorsiklo.

Isa naman sa pinakaunang mamahaling motor ni Coco ay ang BMW R Nine T Racer, na inilabas sa Pilipinas noong 2017 na mayroong base price na P1.09 milyon.

Dingdong Dantes

Tila simbolo naman ng pagmamahal ni "Kapuso Primetime Queen" Marian Rivera ang pagmamay-aring Ducati Diavel ng Kapuso actor at TV host na si Dingdong Dantes.

Lingid kasi sa kaalaman ng marami, niregalo ni Marian kay Dingdong ang nasabing motorbike noong 2011.

Ito rin ang motorbike na ginamit ni Dingdong papunta sa simbahan sa araw ng kasal nila ni Marian noong 2014.

Ayon sa Top Gear Philippines, ang  Diavel ay available sa dalawang variant, kung saan ang base model nito ay binebenta sa halagang P1.250 milyon at ang top-of-the line, carbon-fiber-clad na Diavel Carbon naman ay nagkakahalaga ng P1.450 milyon. 

Ian Veneracion

Isa sa mga hinahangaang aktor sa showbiz ay walang iba kundi ang aktor na si Ian Veneracion. 

Una siyang sumikat noong dekada 90 kung saan isa sa mga kinabibilangan niyang programa ay ang youth variety show na "That's Entertainment".

Hanggang ngayon, nanatiling aktibo sa showbiz si Ian at patuloy na pinapatunayan sa marami ang kanyang walang kupas na husay sa pag-arte.

Ngunit alam n'yo bang bukod sa pag-arte, isa ring athlete, licensed pilot, scuba diver, at skydiver si Ian?

Bukod naman sa pagiging adventurer, kilala rin si Ian bilang isang motorbike lover.

Katunayan, kabilang sa mga motorbike na pagmamay-ari ni Ian ay ang BMW GS 1200 na nagkakahalaga ng P1.45 milyon.

Jason Abalos

Kapag hindi abala sa kanyang showbiz commitments, masaya ang Kapuso actor na si Jason Abalos sa pagmomotor ng kanyang mga koleksyon. Mahilig siya sa mga motorsiklo mula pa noong siya ay teenager. Mayroon siyang limang magaganda at mamahaling motorsiklo na kinokolekta mula pa noong 2015. 

Kabilang sa kanyang koleksyon ang dalawang YZ250F Motocross Motorbike at isang WR250F Cross Country Motobike. Parehong modelo ay gawa ng Yamaha. Ayon sa opisyal na website nito, ang presyo ng mga ito ay nagsisimula sa mga 400,000+ pesos. Mayroon din siyang Yamaha XSR900 na may introductory price na PHP579,000 noong 2016, ayon sa Topgear Philippines.

Ion Perez

Nakatanggap ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens nang mag-post si Ion Perez sa kanyang Instagram account ng litrato ng kanyang Ducati motorbike noon na nagkakahalaga ng mahigit sa 2 million pesos. 

Ngunit nagpasya si Ion na itigil muna ang kanyang pagmo-motocross. Ayon sa kanya, ginawa niya ito upang maibsan ang pangamba ng kanyang partner na si Vice Ganda na palaging nag-aalala kapag siya ay nagmo-motor. 

Ibinahagi ni Ion ang kanyang desisyon sa kanyang pinakabagong vlog kung saan ipinakita niya ang pagbuo ng kanyang bagong bike na naging bagong libangan niya. Matatandaan rin na na-injure si Ion dahil sa pagmo-motocross at sinabi rin ni Vice Ganda dati na sobrang nag-aalala siya tuwing nagmo-motor si Ion kaya tinigil na niya ito.

Alden Richards

Ang pambansang bae na si Alden Richards ay mahilig din sa mga motorbikes. Ayon motortrade website, ang 2019 edition ng Honda X-ADV 750 ay nagkakahalaga ng eight hundred five thousand pesos ng binili niya ito noong 2020. Ito ay idineliver sa kanya habang nasa taping siya ng primetime series na The Gift na kanyang pinagbidahan.


No comments:

Post a Comment

Sponsor