Mga Artistang Pumatol Sa Kanilang Bashers

Mga Artistang Pumatol Sa Kanilang Bashers

Mga Artistang Pumatol Sa Kanilang Bashers

Ang buhay ng mga artista ay parang isang bukas na libro sa publiko. Kaya naman hindi sila makakaligtas sa mga batikos at pangungutya ng publiko.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mundo ng showbiz ay hindi para sa mga taong may mahinang puso. Hindi lamang kasi talento o magandang mukha ang kailangan para maka-survive sa industriyang ito.  Kailangan din ng isang artista o mga nagbabalak na mag-artista ng matibay na loob para harapin ang mga isyu at pambabatikos na ibinabato sa kanila ng publiko o ng mga netizen.

Bagama’t walang artista na immune na sa mga batikos, may ilang artista na natutunan sa paglipas ng panahon na dedmahin o huwag nang pansinin ang kanilang mga basher. Pero meron din namang mga artista na hindi pinapalagpas at pinapatulan ang kanilang mga basher. 

Sa artikulong ito, kilalanin ang mga palaban na artista na hindi umaatras sa kanilang mga basher:

Pokwang

Kilala ng marami ang Kapuso comedian at TV host na si Pokwang bilang isang palaban o matapang babae. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit hindi niya inuurungan ang kanyang mga basher na hindi siya tinatantanan sa social media. 

Sa katunayan, nitong mga nakalipas na buwan, mas dumami pa ang  bashers ni Pokwang sa social media kasunod ng hiwalayan nila ng kanyang partner na si Lee O'Brian. 

Matatandaang noong nakaraang taon lamang ay matapang na binweltahan ni Pokwang ang isang basher na tinawag siyang ‘bitter’ at nagsabing 'karma' na niya ang paghihiwalay nila ni Lee dahil mas pinagtutuunan pa raw niya ng pansin ang pakikipag-away sa mga tagasuporta ni Pang. Bongbong Marcos Jr. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sinuportahan ni Pokwang ang kalaban sa pulitika ni PBBM na si dating Vice President Leni Robredo. 

Pinatulan nga ni Pokwang ang nasabing basher at matapang niya itong sinagot. 

Bwelta pa ni Pokwang sa nasabing basher, "hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao! ikaw kapag namatayan ka ba ng kamag-anak mo karma agad? bakit may pinatay ba ako? gaga ka?"

Maine Mendoza

Sa pagpasok ng taong 2023, isang kontrobersiya agad ang matapang hinarap ng Kapuso actress at Eat Bulaga host na si Maine Mendoza. Ito'y matapos siyang tawagin ng isang netizen na nakasabay niya sa Singapore na 'suplada sa personal'.

Hindi pinalagpas ni Maine ang sinabi ng nasabing netizen tungkol sa kanya at sinupalpal niya nga ito. 

Iginiit ni Maine na nararapat lamang na tarayan ang nasabing netizen dahil bastos at entitled daw ito.

Saad ni Maine sa kanyang Twitter post, “If I came off as ‘supladita’ (as ate sales associate in Bath and Body Works Ngee Ann Mall have said to every Filipino inside the store, even to my friend) e dasurv nga naman, sana tinarayan ko na nga talaga.Bastos si SA and that group of girls. Bastos at makakapal ang mukha.”

Dagdag pa niya, “Oh if you only know how disrespectful and entitled those ladies were, especially the sales associate, ay maloloka ka nalang talaga. By far the worst experience/interaction with kababayans abroad. Bastos.”

Aj Raval

Bagamat baguhan pa lamang sa showbiz ang anak ng action star na si Jeric Raval na si Aj Raval, hindi ito naging hadlang upang hindi siya magkaroon libu-libong bashers sa social media. Sa katunayan, tila nakatulong pa kay Aj ang mga isyung kanyang kinasangkutan upang sumikat siya. Ika nga nila, 'bad publicity is still publicity.'

Ngunit may ilang insidente kung saan tila hindi magawang sikmurain at pabayaan na lamang ni Aj ang mga pambabatikos ng mga basher laban sa kanya.

Gaya na lamang ng paratang ng isang basher na isa umano siyang kabit at homewrecker. Ito ay matapos siyang masangkot at iturong third party sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. 

Noong nakaraang Pebrero kasunod ng pagsasapubliko nila ni Aljur ng kanilang relasyon, pinatulan nga ni Aj ang nasabing basher.

Supalpal pa ni Aj sa nasabing basher, “Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. kaya wala kang karapatan sabihin sa akin yan. Bakit hindi nyo na lang i research or hanapin kung sino ba talaga nanira? bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness God bless you and your Family.”

Luis Manzano

Talagang walang patawad ang mga basher at maging ang walang kamalay-malay at inosenteng sanggol nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na si Baby Peanut o Isabella Rose ay hindi nakaligtas sa kanilang panlalait.

Bilang matagal na sa showbiz, sanay na si Luis na makatanggap ng pambabatikos at makipag-bardagulan sa mga basher sa social media. Ngunit hindi niya nga matanggap na maging ang kanyang anak ay pinupuntirya rin ng mga basher.

Kamakailan lamang ay hindi pinalampas ni Luis ang isang basher na nanlait at tinawag na ‘pisot’ ang kanyang anak dahil lang ayaw nilang ipakita ang mukha nito.

Bwelta ni Luis sa nasabing basher, “Kayo nga po pinag-isa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialam.”

Geneva Cruz

Hindin rin napigilan ng aktres at singer na si Geneva Cruz ang sarili na sagutin at patulan ang ilang mga komento tungkol sa kanyang litrato na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account noon. Makikita sa kanyang post na nasa tabing-dagat siya at suot ang kanyang bikini. Isang netizen ang nagkomento sa kanyang litrato na nagsabing "Wala na. Matanda na." Hindi niya ito pinalagpas ng singer at nag-reply siya sa kanyang komento.

"Mas matanda ka. Lakas mo makatanda dyan! LMAO Matanda ka na naiinggit ka pa. Umayos ka nga po. Be nice to people."

"Lakas nya makatanda! Mas matanda pala sya. Di ko gets pang-lalait nya."

Bea Alonzo

Sa panayam ni Bea Alonzo sa The Boobay and Tekla Show, naalala niya ang isang negatibong komento ng isang netizen tungkol sa kanya at sa kanyang ina. Sa 'Guilty or Not Guilty' segment ng programa, inamin ni Bea na minsan ay sinagot niya ang isang basher sa social media na nagsabing hindi sila magkamukha ng kanyang ina. 

"May sinagot ako, well, kadalasan naman positive yung pagsagot natin pero may isang sinagot parang nagpunta kasi kami ni mama sa the farm tapos nag-comment siya ng hindi daw kami magkamukha ni Mama,tapos parang inano niya, parang shiname niya si Mama." 

"Parang normally, pag tungkol sa akin hindi naman ako nagre-reply kaya lang kasi parang na-hurt ako for my mom. Pero hindi ko naman siya inaway, sabi ko lang 'I think my mom is the most beautiful person in the world. God bless you. Yun yung sinabi ko lang."

Ang tunay na pangalan ni Bea Alonzo ay Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom at ang kanyang ina ay purong Filipina samantalang ang kanyang ama naman ay isang British na si Philip Fagestrom. Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay bata pa. Nakababata niya si James at ang kanyang ina na si Dondon Carlos ay nagmahal muli at naging tatay na rin siya kay Bea.


No comments:

Post a Comment

Sponsor