Mga Filipina Celebrities na Itinadhana Sa Mga British Nationality

Mga Filipina Celebrities na Itinadhana Sa Mga British Nationality

Mga Filipina Celebrities na Itinadhana Sa Mga British Nationality

Karamihan sa ating mga kababayan ay nakakaaliw na masundan ang mga buhay ng mga sikat na personalidad, lalo na kung mayroon silang mga karelasyong banyaga. 

Hindi nakakapagtaka kung bakit nagiging matagumpay ang mga relasyon ng mga Pilipino at Briton dahil pagkakaroon ng "cultural connection". Ating kilalanin ang mga sikat na Filipina celebrities na itinadhana sa mga British.

1. Georgina Wilson

Si Georgina ay kilalang modelo, VJ at aktres. Noong 2015, nagsimulang makipag-date si Georgina sa isang British businessman na si Arthur Burnand. Matagal na nilang kilala ang isa't isa pero noong panahong iyon ay may relasyon si Georgina kay Borgy Manotoc, isang aktor at anak ni Senator Imee Marcos. Matapos kanilang hiwalayan noong 2014, nagkita muli sina Georgina at Arthur sa Australia at doon na nagsimula ang kanilang love story.

Noong 2016, ikinasal sila sa Winchester, England at present ang kanilang mga kaibigan tulad nina Anne Curtis, Solenn Huessaff, Tim Yap, Isabelle Daza, Liz Uy, Jasmine Curtis-Smith, Rajo Laurel at marami pang iba. May tatlong anak na sila, dalawang lalaki at isang babae. 

Ang kanilang panganay na si Archibald Francis Geoffrey 'Archie' Burnand ay ipinanganak noong 2016. Ang kanilang pangalawang anak na si Alfred Thord Crichton 'Alfie' Burnand ay ipinanganak noong 2019 at ang kanilang bunso na babae na si Charlotte Arabelle ay ipinanganak noong Abril 2021.

2. Ate Glow

Si Rene Boy Facunla, o mas kilala bilang Ate Glow, ay nakilala dahil sa pag-iimpersonate niya sa dating Pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.

Nakilala niya ang kanyang British husband online pero hindi sa dating app kundi sa website na para sa mga mahihilig sa wine. Simula noon, lagi na niyang pina-follow ang mga lugar na pinupuntahan ni Ate Glow.

Halos bukas daw ang mga British sa same-sex relationship, at sa una pa lang ay ipinakilala na siya ng kanyang asawa sa kanyang mga magulang kaya alam niyang seryoso ito sa kanya.

Bago pa nakilala ni Ate Glow ang ina ng kanyang mister, hindi niya alam ang tunay na kasarian ito pero suportado siya sa dalawa at ang mahalaga daw ay mahal nila ang isa't isa.

3. Iza Calzado

Ang kapamilya actress naman na si Iza Calzado ay ikinasal na kay Ben Wintle noong 2018 sa Coron, Palawan. Nagkakilala sila noong 2011 at agad silang na-in love sa isa't isa. Si Ben ay isang British entrepreneur at siya ang unang banyaga na naka-date ni Iza noon. Si Ben ay half British half Filipino. Ang kanyang ama ay Briton, samantalang ang kanyang ina ay Filipina, at lumaki siya sa Hong Kong. 

Nagtapos si Wintle sa kanyang pag-aaral sa United Kingdom at bumalik sa Hong Kong at China. Si Ben ang nagtatag at CEO ng Booky, isang app na tumutulong sa mga tao na maghanap ng mga restaurant at iba pang lugar, pati na rin mag-reserve ng mesa at mag-set ng appointment. 

4. Lovi Poe

Ang FPJ's Batang Quiapo star na si Lovi Poe ay in a relationship din sa kanyang British boyfriend na si Monty Blencowe. Nakabase ngayon si Monty sa Los Angeles California. Ayon kay Lovi ay hindi madali ang long distance relationship lalo na't magkaiba ang kanilang timezone pero sa kabila nito ay nananatiling matatag ang kanilang relasyon dahil sa tiwala at komunikasyon. 

Si Monty ay isang film producer at kilala rin bilang isang negosyante at entrepreneur. Siya ipinanganak noong Agosto 13 sa Brighton, England at apo ng Pilipinong aktor na si Gabe Mercado at anak ng television executive na si Froilan Blencowe.

Ayon kay Lovi ay sobrang swerte daw niya sa kanyang nobyo dahil sobrang supportive ito kahit busy siya sa kanyang trabaho.

"I am truly lucky to have someone who supports me and understands my job. The most important thing for me is having a partner who lifts you up and wants you to do well as an individual. We treat each other the same way. We help each other. I'm happy that he wants to see me shine."

5. Kaladkaren

Si Kaladkaren ay isang kilalang Transwoman at engaged na kay Luke Wrightson na isang British nationality. Mahigit isang dekada na ang kanilang relasyon at inanunsiyo nila ang kanilang engagement noong September 2020. Ayon kay Kaladkaren ay walang balak na mag-propose noon si Luke at nakapambahay lamang sila noong tanungin siya ni Luke na "Will you marry me?"

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Kaladkaren kung paano niya hindi inaasahang makakahanap ng kanyang magiging kasintahan dahil sa kanyang pagkakaiba. Ngunit nagbago ang lahat noong 2012 nang makilala niya si Luke Wrightson, ang kanyang tinawag na "Prince Charming".

Ayon naman kay Luke ay matagal na niyang gusto mag-propose dahil may nabili na siyang singsing sa UK at dala-dala niya ito sa kanyang bulsa habang naghihintay ng tamang pagkakataon.

Naganap ang proposal isang gabi habang sila ay naghang-out sa balkonahe ng kanilang bahay.

Nagkakilala sila sa Hongkong noong 2012 at doon na nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

6. Lie Reposposa

Una natin nakilala si Lie noong sumali siya sa singing competition na "Tawag ng Tanghalan" ng "It's Showtime". Kahit hindi siya nanalo ay naging daan naman niya ito para makapasok sa reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother". Noong nakaraang taon ay naging usap-usapan ang isang post ni Lie kasama ang kanyang boyfriend. 

Dahil dito, nag-react ang mga netizen sa mga larawan na ibinahagi niya at nagtatanong tungkol sa kanyang kasintahan na si Paul, isang British National na 19 taong gulang rin katulad ni Lie. Marami ang na-curious kung paano sila nagkakilala.

Sinasabi nilang kamukha niya ang Hollywood actor na si Edward Cullen ng "Twilight" dahil sa hugis ng kanyang mukha at puting kutis na parang bampira. Bukod sa kanyang mukha, mapapansin din ang magandang katawan ni Paul.

7. Pia Wurtzbach

Noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na engaged na sila ng kanyang nobyo na British-Colombian businessman na si Jeremy Jauncey. Ipinakita ni Pia sa kanyang Instagram ang kanilang bakasyon sa Amanpulo noong May 2022, kung saan makikitang may hawak siya na bouquet of flowers at ipinakita rin niya ang kanyang engagement ring habang nag-eenjoy sila sa isang beach resort.

Sikat si Jeremy Jauncey sa Instagram dahil sa kanyang mga travel photographs at posts. Siya rin ang nagtatag ng kumpanyang Beautiful Destinations na nagpo-promote ng ligtas na paglalakbay at digital marketing services para sa mga destinasyon sa buong mundo.

Si Jeremy ay isang British national at Colombian naman ang kanyang ina. Lumaki siya sa Edinburgh, Scotland kasama ang kanyang kapatid na si Tom Jauncey na kasalukuyang naman ang Vice President ng Content Creation ng Beautiful Destinations.


No comments:

Post a Comment

Sponsor