Panalangin Para Kay Gardo Versoza: Atake Sa Puso

Panalangin Para Kay Gardo Versoza: Atake Sa Puso

Panalangin Para Kay Gardo Versoza: Atake Sa Puso

Noong nakaraang linggo, dinala sa ospital ang aktor na si Gardo Versoza dahil inatake ito sa puso. Kinumpirma ito ni Tito Boy Abunda sa kanyang programa nitong Huwebes at sinabi na nagpapagaling na ngayon ang aktor. 

Ayon kay Tito Boy, iniulat ni Ivy Vicencio, asawa ni Gardo, na sumakit ang likod ng aktor, pero hindi agad nagpunta sa ospital dahil may trabaho at taping pa kinabukasan. Pero pinilit ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya dinala siya sa Cardinal Santos Hospital. 

Doon ay natuklasan na dalawang ugat sa puso ni Gardo ang barado, kaya sumailalim siya sa angioplasty at kasalukuyang nagpapagaling sa ICU. 

Ang angioplasty ay isang medikal na proseso kung saan naglalagay ng isang maliit na tubo o stent sa isang baradong artery upang maibalik ang normal na daloy ng dugo sa puso o ibang bahagi ng katawan. 

Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng artery gamit ang isang baloon na ini-insert sa pamamagitan ng isang maliit na hiwa sa balat, at pagkatapos nito ay itinatali ang stent sa lugar upang mapanatili ang pagpapalawak ng artery.

Ito ay ginagawa upang maiwasan ang mga komplikasyon ng mababang daloy ng dugo sa puso o ibang bahagi ng katawan, tulad ng heart attack o stroke.

Sinabi rin ni Tito Boy na bago pa mangyari ang insidente, pinayuhan na niya si Gardo na mag-ingat sa physical activities dahil may nararamdaman na siyang sakit sa katawan. Nabanggit pa ni Tito Boy na nagbisikleta si Gardo ng mahabang oras mula Pasig hanggang Tarlac dalawang linggo ang nakararaan, at nagbisikleta rin siya mula Maynila hanggang Laguna noong nakaraang buwan.

Nagpasalamat naman si Gardo sa mga taong nagdasal sa kanya lalong lalo na sa kanyang asawa at mga kaibigan sa showbiz tulad nina Ogie Alcasid, Rayver Cruz, Cheriepie Picache, Valerie Concepcion, Joross Gamboa, Pops Fernandez, Jackielou Blanco, Jak Roberto, Tina Paner at marami pang iba. 

"Dear God, we place our worries in your hands. We place our sick under your care and humbly ask that you restore your servant to health again. Above all, grant us the grace to acknowledge your will and know that whatever you do, you do for the love of us. Amen," caption ni Gardo sa kanyang latest post sa Instagram.

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa pangalang Gardo Versoza ay aktibo parin sa larangan ng showbiz magpasahanggang ngayon. Siya ay kinilalang "Asia's Sexiest Man" noong dekada nobenta dahil sa kanyang kakisigan at kagwapuhan. Ilan sa mga pelikulang kanyang pinagbidahan ay ang Machete II, Sabik sa Halik, Halimuyak ng Babae at Kirot.

Alam niyo ba na nagkasama sila ng kanyang asawa na si Ivy Vicencio ng 13 taon bago siya nag-propose at ikinasal sila noong 2019 sa El Kabayo Horseback Riding sa Clark, Pampanga? Simple at hindi engrande ang kanilang kasal. Sa isang panayam ni Boy Abunda sa kanya, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit sila naghintay ng matagal bago pinakasalan si Ivy.


No comments:

Post a Comment

Sponsor