Paolo Contis, kailangan muna ng abogado bago makita ang anak niya kay LJ Reyes
Paolo Contis, inamin na kailangan pa ng permiso ng abogado bago makita ang anak niya kay LJ Reyes
Nang maghiwalay kasi sila noong 2021 ay agad na lumipad ng New York City si LJ kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.
Sa balita ng Chika Minute, ipinahayag ni Paolo na wala siyang anumang komunikasyon sa kanyang anak simula nang umalis ang mga ito magdadalawang taon na ang lumipas.
Ayon pa kay Paolo, naghihintay lang siya ng tamang panahon at ‘go signal’ para makita si Summer.
Sinusubukan din umano niyang mag-reach out kay LJ sa pamamagitan ng abogado nito.
Giit pa ni Paolo, handa na siyang bumisita doon para makapiling si Summer.
Aniya, “I’m waiting for the right time and the go-signal that I can. But I am trying. I am trying to contact (her) through her lawyer.”
Samantala, hindi ikinaila ni Paolo ang mga pagkakamali na nagawa niya kay LJ ngunit iginiit niyang maraming dahilan kung bakit sila umabot sa hiwalayan.
Pahayag pa ni Paolo, “Para sa akin, I think it’s too personal. Maraming factors kung bakit napunta doon sa state ng naghiwalay kami. But I admit that I have made mistakes.”
Ngunit sa gitna ng pambabatikos sa kanya ng publiko dahil sa ginawa niya kay LJ, iginiit ni Paolo na marami pa umanong hindi alam ang tao tungkol “whole picture” ng nangyari sa relasyon nila ni LJ.
Aniya, “Marami pang hindi alam ang tao about the whole picture.”
Nang mapag-usapan naman ang relasyon nila ng kasalukuyan niyang girlfriend na si Yen Santos, iginiit ni Paolo na ayaw niyang pag-usapan ito sa publiko dahil mas gusto niya na maging pribado ang relasyon nilang dalawa.
Ayon pa kay Paolo, may magandang dulot para sa kanila ang pagkakaroon ng tahimik na relasyon.
Ani Paolo, “I guess being in a quiet relationship, feeling ko mas may advantage. She’s a very private person. Walang comparison.”
“Again, people don’t know what happens behind closed doors. Kung ano man ‘yung nakita ko dati, iba rin ‘yung mga nakikita ko ngayon. Sa amin, it works because we’re both quiet with our personal lives,” dagdag pa niya.
Noong December 2021 pa binalak ni Paolo na dalawin ang anak ngunit hindi natuloy dahil naging abala ito sa mga proyekto.
Matatandaang naghiwalay si Paolo at LJ matapos ang anim na taong pagsasama nang umusbong ang isyung may relasyon ang aktor kay Yen na naging partner niya naman sa pelikulang A Faraway Land.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na mayroon pang dalawang anak si Paolo sa kanyang dating asawa na si Lian Paz.
At tulad ng anak niya kay LJ, hindi rin niya nakikita ang mga anak niya kay Lian.
No comments:
Post a Comment