10 Pinakamalaking Hayop Na Nabuhay Sa Buong Mundo
10 Pinakamalaking Hayop Na Nabuhay Sa Buong Mundo
Ngunit alam mo bang may mga uri ng hayop na nabuhay sa mundo na kayang pagmukhaing maliit ang mga ito? Narito ang sampung pinakamalalaking hayop na nabuhay sa mundo!
10. Jaekelopterus
Ito ay isang aquatic scorpion na nabuhay, mahigit apatnaraang milyong taon na ang nakalilipas. Ang nilalang sa dagat na ito ay sinasabing umabot sa haba na walong talampakan kaya naman ito ay itinuring bilang pinakamalaking anthropod na nabuhay sa mundo!
Bagama’t hindi matukoy ang eksaktong bigat ng nilalang na ito, sinasabing batay sa laki nito ay maaari ’di umanong maging simbigat ito ng isang tao. Ang makapangyarihang Permnian Extinction, kung saan halos 90 percent ng species sa Earth ang na-extinct o tuluyan nang naglaho, ang sinasabing siyang dahilan ng tuluyan na ring pagkawala ng mga Jaekelopterus sa mundo.
9. Elephant
Ang mga Elepante, ang siyang itinuturing na pinakamalaking herbivorous land mammal na nabubuhay pa rin hanggang ngayon sa mundo. Mayroong ilang mga species ng elepante na maaaring umabot sa taas na hanggang labing dalawang talampakan at tumitimbang ng hanggang 12, 000 pounds!
Sa katunayan, ang pinakamalaking elepanteng naitala ay isang adult male African Savanna Elephant, na nakamamanghang tumitimbang ng 24,000 pounds at may taas na labing tatlong talampakan!
Bagama’t maraming tao ang naniniwalang mas malaki ang mga Wooly Mammoth, ayon sa mga eksperto ay halos kasing laki lamang ito ng mga Modern African Elephants ngayon. Mayroon lamang silang mas maraming balahibo at mas malalaking tusks kung kaya’t nagkakaroon ng maling akala tungkol dito.
8. Polar Bears
Sila naman ang itinuturing na pinakamalaking land predator na nabubuhay sa mundo na maaaring lumaki hanggang walong talampakan. Sila ay mahuhusay na manlalangoy at na kayang itulak ang kanilang sarili sa tubig gamit ang kanilang mga front paws.
Isa sa pinakainteresanteng kaalaman tungkol sa kanila ay ang katotohanang hindi naman talaga kulay puti ang kanilang mga balahibo. Ito ay clear at ang kulay ng kanilang mga balat ay itim.
Sa kasamaang palad, sinasabing ang mga Polar Bears ay maaaring ma-extinct sa susunod pang mga taon kung magpapatuloy ang climate change at kung hindi ito maagapan.
7. Chinese Giant Salamander
Ang pinakamalaking ambhibians. Sila ay sinasabing halos kasing laki ng isang karaniwang taong nakahiga. Maaari silang lumalaki hanggang anim na talampakan ang haba at tumitimbang ng hanggang higit sa 110 pounds.
Ang mga salamander na ito ay nabubuhay sa ilalim ng tubig at humihinga sa kanilang balat! Sila ay maituturing na bilang critically endangered. Ang mga ito ay pinahahalagahan sa Chinese culture sa loob na rin ng libu-libong taon, ngunit ang overexploitation para sa luxury food market, pati na rin ang pagkawala o pagkasira ng kanilang mga tirahan ay naging dahilan kung kaya’t ngayon ay mayroon na lamang itinatayang limampung libong bilang ng mga ito ang natitira sa mundo.
6. Spinosaurus
Ito ang tinaguriang “the biggest land predator of all time”. Mayroon silang mga bunganga na animo katulad ng sa mga buwaya, at ang kanilang mga ngipin ay tuwid na tila mukhang mga kutsilyo. Ang meat-eating dinosaur na ito ay sinasabing nabuhay, mahigit siyam na pu hanggang isang daang milyong taon na ang nakalilipas.
Umaabot ng halos anim na pung talampakan ang haba nito, may labing dalawang talampakan ang taas, at tumitimbang ng hindi bababa sa labing tatlo hanggang dalawampung tonelada. Sinasabing ang bungo raw nito ay umaabot sa anim na talampakan ang haba! Ito ay pinangalanan base sa malalaking spikes sa kaniyang likuran o spine.
5. Shastasaurus
Ito naman ay itinuturing bilang pinakamalaking marine reptile. Ang carnivore na ito ay nanirahan sa karagatan dalawang daang milyong taon na ang nakalilipas na ang pangunahing pagkain ay mga squid o pusit.
Ang pinakamalaking naitalang Shastasaurus ay higit sa anim na pung talampakan ang haba. Maging ang ribcage ng Shastasaurus ay halos pitong talampakan ang lapad! Ganoon pa man, ang Shastasurus ay isang kakaibang uri ng ichthyosaur. Maliit ang ulo nito, may isang maikling nguso at, higit sa lahat, sila ay walang mga ngipin.
4. Paraceratherium
Ang Paraceratherium linxiaense, na nabuhay mga 26.5 milyong taon na ang nakalilipas, ay tumitimbang ng dalawampu’t isang tonelada na sinasabing katumbas ng apat na malalaking African elephant. Sila ay walang mga sungay at ang ulo nila ay may kakayahang umabot sa dalawampu’t tatlong talampakan upang sila ay makakain sa mga tuktok ng puno, kaya naman ito ay sinasabing ’di hamak na mas matangkad kaysa sa mga giraffe.
Sa kasamaang palad, sila ay tuluyan nang nabura sa mundo nang ang mga kagubatan sa gitnang Asya ay pinalitan ng mga grassland habitats.
3. Patagotitan Mayorum
Ito ang ngayo’y itinuturing na pinakamalaking dinosaur na nahanap! Tumimbang sila ng halos pitumpung tonelada, na mas mabigat kaysa sa sampung adult African elephant! Ang titanosaur na ito ay isang herbivorous dinosaur na nabuhay mga isang daang milyong taon na ang nakalilipas, na may napakahabang leeg at napakahabang buntot. Ang mga fossil ng Patagotitan ay unang natagpuan sa Argentina noong 2012.
Ang natuklasang dinosaur na ito ay sinasabing may sukat na mahigit isang daan at dalawampung talampakan ang haba mula ulo hanggang buntot, na humigit-kumulang apat na pung talampakan ang haba kaysa sa Diplodocus, na dating inakala na pinakamahabang dinosaur. Sila ay may itinatayang bigat na humigit-kumulang pitumpu’t limang tonelada na kasing bigat daw ng isang space shuttle!
2. Argentinosaurus
Isa rin sila sa maituturing na pinakamalaking dinosaur na natuklasan noong 1980s. Batay sa mga natagpuang buto, ito ay halos kasing haba rin ng Patagotitan. Ganoon pa man, sinasabi ng ilang researcher na ayon sa kanilang mga pagtatantya, ang Argentinosaurus ay maaaring tumimbang ng higit sa dalawampung tonelada kaysa sa Patagotitan.
Mayroong isang itinuturing na mythical dinosaur na maaaring talunin ang Argentinosaurus kung mas maraming ebidensya pa ang matagpuan. Ang mga fossil ng Bruhathkayosaurus, na natagpuan sa India, ay may kasamang paa, balakang, at buntot, at ang mga pagtatantya ng laki nito ay higit sa isang daan at labing limang talampakan ang haba at may bigat na walumpung tonelada. Ito ay maaaring ma-qualify na maging pinakamalaking hayop na nabuhay sa lupa.
1. Blue Whale
Ito naman ang itinuturing at tinagurian bilang the biggest mammal of all time! Ito ang pinakamalaking hayop na nabuhay sa mundo, at ito rin ang sinasabing pinakamabigat! Mayroon silang malakas at malalim na tinig at may kakayahan silang makipag-communicate sa iba pang mga balyena, kahit daan-daang milya pa ang layo ng mga ito. Sila ay maaaring umabot sa haba na hanggang isang daan at sampung talampakan.
Ang mga nilalang na ito ay mayroong literal na napakalaking puso. Sila ang may pinakamalalaking puso sa lahat ng mammal sa animal kingdom, na habang sumisisid ay tumitibok lamang ng dalawang beses kada minuto. Ang mga Blue Whale ay tumitimbang ng halos 400 pounds at maaaring halos kasing laki ng isang maliit na kotse.
Sa kabila ng pagiging napakalaki, ang higanteng ito ng karagatan ay kumakain lamang ng ilan sa pinakamaliit na buhay sa dagat o iyong maliliit na hipon na tinatawag na Krill. Ang isang single adult blue whale ay maaaring kumonsumo ng 36,000 kilograms ng krill sa isang araw lamang!
No comments:
Post a Comment