King Maha Vajiralongkorn: Bakit Siya Ang World’s Wealthiest Monarch?

King Maha Vajiralongkorn: Bakit Siya Ang World’s Wealthiest Monarch?

King Maha Vajiralongkorn: Bakit Siya Ang World’s Wealthiest Monarch?

Hindi na kaila sa mga tao na kalakip ng salitang ‘maharlika’ o ‘monarkiya’ ang mga katagang nauugnay sa pagkakaroon ng marami o limpak-limpak na kayamanan, at iyan ang pinatunayan ni King Maha Vajiralongkorn. Sino nga ba siya, at bakit siya ang itinuturing bilang the world’s wealthiest monarch?

Si Maha Vajiralongkorn ay ang Hari ng Thailand. Siya ang nag-iisang anak ni King Bhumibol Adulyadej at Queen Sirikit. Noong 1972, sa edad na dalawampu, siya ay itinalaga bilang ‘crown prince’ ng kanyang ama. 

Matapos ang naging pagkawala ng kanyang ama noong October 13, taong 2016, siya ay inasahang pumalit na sa kaniyang ama, ngunit humingi siya ng panahon upang ipagluksa muna ang pagkawala nito. Siya ay nakatakdang opisyal na makoronahan sa ikaapat ng Mayo ngayong taon, bilang bahagi ng detalyadong tatlong araw na seremonya ng koronasyon.

Ayon sa Business Insider, ang estimated personal wealth ni King Maha Vajiralongkorn ay nagsisimula sa tumataginting na halagang 30 billion US dollars! Iyon ang naglagay sa kaniya sa listahan ng pinakamayayamang individual rulers sa buong mundo, bagama’t pagdating naman mga maharlikang mga pamilya, ang Saudi Arabia ay nangunguna sa listahan na may itinatayang net worth na 1.7 trilyon dollars, ayon sa ulat ng MSN Money noong 2019, kung saan ikalima naman ang Thai Family na kinabibilangan ni King Vajiralongkorn.

Karamihan sa yaman ni King Vajiralongkorn ay nasa Crown Property Bureau, na may titulo ng 6,560 hectares ng lupa sa Thailand, na may 40,000 rental contract sa buong bansa, kabilang pa ang 17,000 sa kabisera. Inilagay ni King Vajiralongkorn noong 2017 ang Crown Property Bureau sa ilalim ng kanyang direktang kontrol at kalaunan ay inanunsyo ang pag-aalis ng tax-exempt status nito. 

Sa Bangkok pa lamang, sinasabing ang Crown Property Bureau ay nagmamay-ari na ng 1,328 hectares ng lupa, at ang ilan sa mga ito ay prime real estate sa gitna ng business district. Ang mga ari-arian nito sa kabisera ng Thai ay tinatayang nagkakahalaga ng 33 billion US dollars, ayon sa isang 2011 biography tungkol sa ama ni King Vajiralongkorn, na si King Bhumibol.

Isa sa pinakamalaking pinagmumulan ng kayamanan hari ay mula sa minanang mga ari-arian na nakuha niya mula sa kanyang yumaong ama. Siya ang pinakamalaking shareholder sa dalawa sa pinakamalalaking komersyal na ari-arian ng bansa: Ang Siam Commercial Bank PCL at Siam Cement PCL. 

Ang portfolio ng ari-arian ay mayroon ding nagtataasang mga gusali ng opisina, mga luxury shopping mall, at mga high-end na hotel sa Bangkok. Sa residential area, nakatira siya sa isang mansyon na sinasabing nagkakahalaga ng labing dalawang milyong dolyar!

Bilang bahagi ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo, hindi na nakakagulat pang malaman na ang hari ay may linya ng pinakamagagandang uri ng kotse sa kanyang koleksyon. Gaya ng nabanggit ng HotCars, nagmamay-ari siya ng higit sa isang Mercedes-Maybach 62 Limousine.

Ang isa pang Mercedes sa kanyang koleksyon ay ang Mercedes-Benz S-Class o W221, na namumukod-tangi bilang isang natatanging henerasyon sa flagship series ng automaker. Ang hari ay mayroon ding Rolls-Royce Corniche, isang kotse na eksklusibong ginagamit ng mga miyembro ng hari at ginawang convertible.

Habang ang halaga naman ng royal boat ay nananatiling hindi natutukoy, ito ay sinasabing isa sa mga pinakalumang paraan ng transportasyon na pag-aari ng Thai Royal Family. Matapos ang koronasyon ni Maha Vajiralongkorn, nakasakay siya sa barko ng hari na nakakumpleto ng dalawang milyang ruta sa Bangkok. 

Ang Reyna, ang kanyang anak na lalaki, at dalawang anak na babae ay sinamahan siya sa pagsakay. Ang barko ay tinatawag na Suphannahong at idinisenyo na may limampu’t dalawang gold-painted barges na inukit upang maging mythical creatures at mga swan.

Bukod sa pagkakaroon niya ng napakaraming alahas, si King Maha Vajiralongkorn ay nagmamay-ari din ng isang pambihirang alahas na nagbubukod-tangi sa kanilang bansa—siya ang nagmamay-ari ng world’s largest faceted diamond na nagkakahalaga ng hanggang labing dalawang milyong dolyar! 

Ang 546.67-carat brown diamond ay bahagi ng crown jewels at tinatawag na Golden Jubilee Diamond. Ang brilyante ay matatagpuan sa Palasyo ng Thai at palaging maingat na binabantayan ng mahigpit na seguridad.

Mapagmahal din sa kaniyang mga alagang hayop ang hari. Sa katunayan, noong 2007, nagsagawa ang noo’y Crown Prince ng isang marangyang birthday party para sa kanyang alagang aso na si Fufu, na humawak ng posisyon sa militar ng bansa bilang Air Chief Marshal. 

Maliban sa mga kaarawan, mahigit ilang milyon din ang halaga ng mga royal ceremonies na pinangasiwaan niya. Ang kanyang tatlong araw na koronasyon na Buddhist at Brahmin ceremony ay nagkakahalaga na umano ng nakalululang 30 million dollars! Bukod pa riyan, kilala rin ang hari sa pagsasagawa ng pinakamahal na mga wedding ceremonies!

Si King Maha Vajiralongkorn ay apat na beses nang ikinasal. Una siyang ikinasal noong 1977, kay Princess Soamsawali Kitiyakara, na kanyang pinsan. Sila ay naging mag-asawa sa loob ng labing anim na taon. Pinakasalan din ng hari ang Thai actress na si Sujarinee Vivacharawongse ngunit makalipas lamang ang dalawang taon ay naghiwalay din ang mga ito.

Siya ay ikinasal sa kanyang ikatlong asawa, na si Srirasmi Suwadee, sa loob ng labintatlong taon hanggang noong 2014. Noong 2019 naman, pinakasalan niya si Suthida Bajrasudhabimalalakshana ilang araw bago ang kanyang koronasyon, at siya ay ipinroklama bilang Reyna Suthida pagkatapos ng kanyang koronasyon. 

Ang naturang kasal ay sinasabing nagkakahalaga rin ng milyun-milyong dolyar bagama’t hindi tukoy ang eksaktong presyo nito.

Sinasabing ginugul ni King Vajiralongkorn sa pagta-travel ang kaniyang kabataan, habang siya ay nag-aaral. Kilala ang hari na madalas mag-travel patungo sa Germany. Sa katunayan, noong lumalaganap ang pandemya ng COVID-19 sa buong mundo ay sa Germany rin siya tumuloy.

Kinuha ng hari ang ilang miyembro ng staff at nag-book ng marangyang hotel sa rehiyon ng Alpine ng Garmisch-Partenkirchen sa Germany para ihiwalay ang sarili sa marami.

Kabilang sa iba pang kapansin-pansing gastos ng hari ay ang pagbili nito ng mga komersyal na ari-arian, tatlumpung poodle, at pagbabayad ng entourage ng dalawang daan at limampung tao na nagtatrabaho para sa kanya araw-araw. 

Si Maha Vajiralongkorn ay isang lalaking may mamahaling panlasa na gustong mamuhay at maglakbay sa karangyaan kahit saan. Walang dudang siya nga ang pinakamayamang monarkiya sa mundo, dahil hindi naman niya magagawa ang lahat ng ito kung wala siyang pinanghahawakang kayamanan.

Ikaw, nangarap ka rin bang mamuhay katulad ni King Maha Vajiralongkorn?


No comments:

Post a Comment

Sponsor