Bashers ni Janine Gutierrez, sinumbong ni Lotlot de Leon sa NBI

Bashers ni Janine Gutierrez, sinumbong ni Lotlot de Leon sa NBI

Bashers ni Janine Gutierrez, sinumbong ni Lotlot de Leon sa NBI

Sa isang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, ibinahagi ng batikang aktres na si Lotlot de Leon na nagpasya siyang lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) upang humingi ng tulong upang malaman kung sino ang mga basher ng kanyang anak na si Janine Gutierrez. 

Ayon kay Lotlot, naganap ang pangyayari noong siya pa ang nagha-handle sa kanyang anak.

Aniya, "Ini-screenshot ko lahat pinrint ko lahat ng mga masasakit na salita sa anak ko through Twitter. Gusto kong malaman kung sino yung mga taong nagsasalita ng mga masasakit sa anak ko. Ganun ka-intense, hindi nga yata alam ng anak ko yun."

Karamihan kasi sa mga bashers ngayon ay gumagamit ng mga 'fake' accounts para lamang i-bash o magsabi ng mga masasakit na salita sa ang mga sikat na artista at mga personalidad.

Dagdag pa ni Lotlot, bilang isang ina, hindi madali para sa kanya ang maging manager ni Janine, lalo na kung ang kanyang anak ay pinupulaan.

"Masakit pala talaga pag pinupulaan yung anak. Napakasakit. I should also have more faith in my daughter, na kung anu man yun, kung anuman yung pinagdaan niya dito sa industriya, kakayanin niya."


No comments:

Post a Comment

Sponsor