Dahilan ng Pagdagdag ng Timbang ni Miles Ocampo

Dahilan ng Pagdagdag ng Timbang ni Miles Ocampo

Dahilan ng Pagdagdag ng Timbang ni Miles Ocampo

Marami ang nagulat nang makita ang kasalukuyang itsura ng dating child actress na si Miles Ocampo.

Kumpara kasi noong nakaraang taon, napansin ng marami ang malaking pagbabago sa itsura ni Miles, lalo na sa kanyang pangangatawan o timbang.

Matatandaang ilang linggo lamang ang nakalipas nang mag-trending si Miles dahil sa kahanga-hangang pag-arte niya sa "Batang Quiapo".

At ngayon, naging usap-usapan muli siya sa social media dahil sa pagdagdag ng kanyang timbang.

Viral din sa social media ang mga larawan niya kasama ang aktres na si Angel Locsin na lingid sa kaalaman ng marami ay nadagdagan din ang timbang.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung ano ang dahilan ng pagdagdag ng timbang ni Miles.

Samantala, sa isang Instagram post noong April 14, ibinahagi ni Miles ang pinagdaanan niyang medical emergency ngayong taon lamang.

Nag-post si Miles ng larawan niyang nakaupo sa isang hospital bed.

 Sa caption, ikinuwento niya ang nararamdaman simula noong nakaraang taon kung kailan ginagawa niya ang “Batang Quiapo”.

Ayon kay Miles, nagdesisyon siyang magpatingin sa doktor matapos niyang mapansin na may hindi tama sa kanyang katawan.

Bahagi pa niya, nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi, nahihirapan sa paghinga, mabilis na napapagod, palaging hapong-hapo at sinasakal, at tila nawawalan ng pag-asa dahil sa mabilis na pagdagdag ng kanyang timbang,

Aniya, “I used to be scared of hospitals...but since late last year I haven’t felt my normal self. Waking up in the middle of the night cause I can’t breathe, I get tired so easily, sooooo frustrated with my weight gain, para akong palaging hapong-hapo and sinasakal...then finally I had the courage to have it checked...”

Matapos ang maraming blood tests, ultrasound, at biopsy, napag-alaman nilang mayroon siyang Papillary Thyroid Carcinoma.

Ang thyroid gland ay nasa leeg, ito ay bahagi ng endocrine system at responsable sa pagkontrol ng metabolismo ng tao.

Pagkatapos ngang ma-diagnose sa nasabing karamdaman, agad umano siyang sumailalim sa operasyon alinsunod na rin sa payo ng doktor na dapat niyang gawin.

Ani Miles, “I had to undergo Thyroidectomy surgery to remove my thyroid glands. It all happened in an instant.”

Samantala, sa kanyang guest appearance sa “Magandang Buhay” muling ikwenento ni Miles ang nangyari sa kanya.

Sa kanyang pagbabalik sa TV, kapansin-pansin na nag-iba ang kanyang boses at tila naging paos ito.

Makikita rin ang bakas ng ginawang operasyon sa kanyang leeg.

Binigyang-diin naman ni Miles na ang nasabing karamdaman ang dahilan ng pagdagdag ng kanyang timbang.

“Galing pa akong trabaho po noon bago ko i-meeting yung doctor, so parang, ako at that time, frustrated na ako kasi yung weight ko ang iniisip ko na parang, 'Anong nangyayari? Ginagawa ko naman yung part ko," saad ni Miles at idinugtong pa ang pagkansela niya sa guesting nito sa ASAP.

Nang matanong siya ng host na si Regine Velasquez kung life threatening ba ang kanyang karamdaman, sagot ni Miles: “Yes, Miss Reg.”

Ayon pa kay Miles, kung hindi agad naagapan ang kanyang karamdaman ay may posibilidad itong kumalat.

Ibinahagi ni Miles na may huling procedure pa na gagawin sa kanya.

At pagkatapos nito, mag-mi-maintenance na lamang umano siya “for life”.


No comments:

Post a Comment

Sponsor