10 Nakakabilib Na Benepisyo Ng Halamang Damo Na Tanglad

10 Nakakabilib Na Benepisyo Ng Halamang Gamot Na Tanglad

10 Nakakabilib Na Benepisyo Ng Halamang Damo Na Tanglad

Ang halamang damo na tanglad o lemongrass sa Ingles ay hindi lamang ginagamit upang mapabango o mawala ang lansa ng isang lutuin, nagtataglay din ito ng iba’t ibang benepisyo na tiyak kapaki-pakinabang sa kalusugan ng isang tao.

Taglay ng tanglad ang mahalimuyak na amoy katulad ng sa lemon, ngunit sa kabila ng mahalimuyak nitong amoy ay sagana din ito sa iba’t ibang nutrisyon, bitamina at mineral kagaya ng folate, magnesium, zinc, phosphorus, potassium, at Vitamin A and C. 

Alamin kung ano-ano ang mga benepisyo na dala ng tanglad sa katawan ng isang tao.

1. Maiging inumin kung may problema sa pantunaw

Epektibong pinupuksa ng tanglad ang mga parasite at bacteria na sumusira sa daloy ng panunaw sa loob ng katawan sa tulong ng antiseptic compound na taglay nito. Malaki ang tulong nito sa pag gamot ng mga sakit katulad ng heartburn, indigestion, at stomach cramps.

2. Pinupuksa ang banta ng kanser

Sa tulong ng mahalimuyak na amoy lemon ng tanglad, napag-alaman ng mga eksperto na malaki ang tulong nito upang pigilan ang dahilan ng pagkalat ng mga kanser cells sa katawan dahil sa concentrating effect na inilalabas nito.

3. Mayroong taglay na antidepressant

Sa pamamagitan ng pag inom ng tanglad ay nagbibigay ito ng calming effect na nakakapawi ng stress at pagod dulot ng maghapong babad sa pag-aaral o trabaho. Dahil sa calming effect na nakukuha sa pag inom ng tanglad, nagbibigay daan ito para sa positibo at malusog na pag-iisip.

4. Gamot sa kumukirot na ngipin

 Hindi maiiwasan ang maging iritable at masamang pakiramdam kung nakakaramdam ng pananakit ng ngipin. Ang tanglad ay mayroon ding anti-inflammatory compound na kung saan ay mababawasan nito ang pamamaga na nagdudulot ng pagkirot ng ngipin. Uminom lamang ng pinakuluang ugat ng tanglad para sa mabisa at agarang pag galing.

5. Pagsakit ng likod o backpain

Ang langis na gawa mula sa kulay berdeng dahon ng tanglad ay maaring ipahid sa sumasakit na bahagi ng likod upang maibsan ang sakit o ngalay na nararamdaman nito.

6. Rayuma o rheumatism

Sanhi ng pagtanda ang sakit kagaya ng rayuma, at isa sa mga mabisang sagot sa problemang ito ay ang pagpapahid ng langis na mula sa dahon ng tanglad.

7. Panglaban sa sipon at trangkaso

Dulot ng pabago-bagong panahon ang sakit katulad ng sipon at trangkaso na tumatama kung ang isang tao ay mayroong mahinang immune system. Ngunit, sa pamamagitan ng pag inom ng tsaa gawa sa tanglad na mayaman sa antibacterial at antifungal properties ay mabisang pinapagaan ang pakiramdam at inaalis ang banta ng sipon at trangkaso.

8. Mainam na panglaban sa impeksyon

Sa pamamagitan ng pag inom ng tsaa na gawa sa tanglad, ito ay nagbibigay ng kapaki-pakinabang na epekto upang magamot ang iba’t ibang uri ng impeksyon sa katawan.

9. Pagsakit ng ulo

Ang berdeng dahon ng tanglad ay maaring itapal sa ulo kung nakakaranas ng pananakit at makalipas ang ilang oras ay mababawasan ang pananakit na dulot nito.

10. Mabisang lunas sa pagtatae

Ang pagtatae ay ang paulit-ulit na pagdumi na may matubig na katangian. Sa pamamagitan ng pag inom ng pinakuluang dahon ng tanglad na may kasamang dinikdik na luya at isang kutsara na asukal ay makatutulong upang humupa ang paglabas ng matubig na dumi.


No comments:

Post a Comment

Sponsor