Maswerteng Halaman Na Maaaring Ilagay Sa Inyong Bahay at Pintuan
Maswerteng Halaman Na Maaaring Ilagay Sa Inyong Bahay at Pintuan
Tila kay gandang pagmasdan ng mga tahanan na puno ng halaman. Ang mag-alaga ng ganito ay isang magandang libangan na nagbibigay saya at gaan sa pakiramdam. Tinutulungan din nito na malinis ang hangin sa kapaligiran at ginagawang kaaya-aya ang bawat tahanan.
Ang mga halaman ay hindi lamang dekorasyon na maaring magdagdag ng sigla sa buong kabahayan, maari din itong gawing negosyo na siyang magiging isa pang maaring pagkunan ng gastusin sa pang araw-araw. Higit pa diyan, ang mga halaman na ito ay maaring magdala ng swerte kung iyong ilalagay sa pintuan sa harap ng inyong tahanan.
Ating alamin ang limang halaman na maaring ilagay sa inyong pintuan na siyang magdadala ng swerte papasok sa inyong munting tahanan.
1. Palmera o Palms
Hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan, lalo na ng may interes sa halaman na ang palmera ay swerte ayun sa Feng Shui dahil ito ay nagdadala ng katiwasayan at malubay na samahan sa tahanan. Ilagay o itanim ito malapit sa may pintuan upang makamit ang ligtas na paglalakbay at masayang samahan sa bawat miyembro ng tahanan.
Paalala ng mga eksperto, huwag ilagay sa tapat ng bintana ang mga palmera dahil sa lapad ng dahon nito ay maaring maharangan ang papasok na swerte.
2. Lucky Bamboo
Sa pangalan pa lang, alam mo nang ang halaman na ito ay tiyak na magbibigay swerte sa inyong tahanan kung inilagay sa pintuan. Ito ang pinaka swerteng halaman ayon sa mga Feng Shui experts. Ang lucky bamboo ay simbolo ng tatag at tibay. Nagdadala din ito ng magandang kapalaran, kalusugan, at higit sa lahat kayamanan.
Iwasang bumili o mag-uwi ng apat na tangkay ng lucky bamboo dahil nagpapahiwatig ito ng kamatayan.
3. Money Tree
Isa ito sa mga sikat na halaman na pinapaniwalaan ng karamihan na nagbibigay swerte, lalo na sa aspeto ng salapi dahil sa pangalan nito na “Money Tree” na kung isasalin sa Tagalog ay puno na namumunga ng pera.
Magandang ilagay ito sa harap ng pintuan lalo na kung ikaw ay nagbabalak na magbukas ng isang negosyo. Kilala ito bilang simbolo ng kaunlaran at magandang kapalaran.
4. Peace Lily
Kung ang hanap mo na swerte ay tungkol sa mapayapa at matiwasay na pamumuhay, peace lily ang halaman na nararapat mong ilagay sa harap ng iyong pintuan.
Ito naman ang perpekto at swak na swak na halaman para sa kahit saang tahanan. May kakayahan ito na linisin ang hangin sa kapaligiran, at nagdadala ng kapayapaan at katahimikin sa isang tahanan. May kahanga-hanga din itong abilidad na kontrahin ang negatibong pwersa hatid ng nakaraan. Isang magandang katangian pa ng peace lily ay napakadali nitong patubuin at alagaan.
5. Iron Tree
Taglay ng iron tree ang sinasabing lakas katulad ng metal na iron na kung saan ay kilalang likas na matibay. Hindi lang ito nagdadala ng swerte kung hindi may kakayahan din ito na magtaboy ng mga malas.
Ayon sa mga paniniwala, kapag namulaklak ang iron tree ay may paparating na swerte sa may-ari nito. Magandang ilagay ito sa harap ng pintuan upang magsilbing proteksyon sa mga nagbabantang kamalasan sa inyong tahanan.
No comments:
Post a Comment