Mga Milagrong Nagagawa Ng Halamang Gamot Na Sambong


Mga Milagrong Nagagawa Ng Halamang Gamot Na Sambong


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayaman sa halamang gamot. Katunayan mayroon itong bilang na 1500 na uri ng halaman na ginagamit din ng mga tradisyunal na manggagamot at 120 uri naman nito ay napatunayan na ligtas at mabisang gamitin.

Isa sa pinaka sikat na ginagamit sa bansang Pilipinas ay ang halamang sambong. Tinatawag itong Blumea balsamifera or Blumea camphor, sa ibat ibang rehiyon sa Pilipinas ay kilala rin ito sa tawag na lakad-bulan at dalapot. Ginagamit din ang halamang ito sa mga bansang China, Korea. Thailand, India,Malaysia, Vietnam at kahit sa bansang Africa.

Noong unang panahon ay tradisyon na ang pag-gamit ng halamang ito upang makapagpagaling ng ibat-ibang karamdaman.

Sa Pilipinas ay nakarehistro na ito sa ilalim ng Food and Drug Department at magagamit sa anyo ng tableta. Maaring narin itong mabili sa ibat ibang pamilihan at pharmacies. Kilalang mabisang halaman ang sambong dahil sa diuretic na kwalidad nito. Ngunit anu-ano pa nga ba ang mga benepisyong makukuha natin dito?

Una, tinutulungan tayo nito na malinis at madetox ang ating katawan. 

Kaya naman kung ikaw ay may mataas na cholesterol level ay para sa iyo ang halamang ito. Ito ay Antioxidants din kaya nasusugpo nito ang pagkakaroon ng mga karamdaman katulad ng cardiovascular diseases, stoke at kahit cancer.

Nakatutulong din kasi ito sa pag-repair ng mga pinsala sa ating DNA at cells sanhi ng mga free radicals. Para naman sa mga kababaihan, mainam din na gamot ang sambong kung ikaw ay nakakaranas ng menstrual cramps, dysmenorrhea o bloating. 

Nakakatulong ito na magkaroon ng maayos na daloy ng dugo lalo na sa bahagi ng katawan na malapit sa pelvic region. Ginagamit din ang halamang gamot na ito kung ikaw ay may Sore Throat, imumog lang ang Sambong Tea at siguradong tanggal ang pangangati ng lalamunan mo.

Napaka husay talaga ng nagagawa ng Sambong dahil bukod sa pinapababa din nito ang ating blood pressure ay maari din itong gamot sa mga bacteria at fungi. Meron din kasi itong Anti-bacterial at Anti-fungal na properties. Sangkap din nito ang cryptomeridiol at ichthyothereol acetate kaya naman kayang kaya nitong gamutin ang mga sakit sa balat.

Dahil na tunay itong mabisa, alam niyo ba na direktang nirekomenda ito ng The Philippine National Kidney and Transplant Institute. Ayon sa kanilang pagsasaliksik. Ang pag-inom ng halamang ito ay makakatulong sa pagdelay ng dialysis at iba pang kidney problems.

Ngunit ano ba ang paghahandang ginagawa upang magamit ang Sambong bilang halamang gamot?
  • Kumuha lang ng dahon ng Sambong, linisin gamit ang tubig.
  • Ilagay sa mainit na tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.
  • Hintayin lamang itong lumamig at maari mo na itong gamitin o inumin.

Sa kasalukuyan ay wala pang nakikitang masamang epekto ang pagamit nito sa katawan. Ngunit pinagbabawal gumamit nito ang mga nagdadalang tao o nagpapasuso.

Kapag tayo ay may karamdaman kadalasa’y pinagwawalang bahala lang natin ito at kadalasa’y kibit balikat lang tayo. Huwag nating kalilimutan na ang ating kalusugan ay ang pinaka importanteng kayamanan na meron tayo. Higit sa anumang bagay hindi ito dapat binabalewala. Ito ay dapat nating pangalagaan.

No comments:

Post a Comment

Sponsor