Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Pinaghihinalaang Beki

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Pinaghihinalaang Beki

Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Pinaghihinalaang Beki

Minsan mo na rin bang pinaghinalaan na ‘beki’ o ‘bakla’ ang isang lalaking artista dahil sa kilos o pananalita nito? 

Kung oo, handa ka na bang malaman kung sinu-sino ang nasa listahan ng mga aktor na pinaghihinalaang beki sa Philippine Showbiz? Marahil habang pinapanood mo ang video na ito ay may naiisip ka ng pangalan ng isang aktor na pinaghihinalaan mong beki.

Ituloy mo lamang ang panonood at sabay nating alamin at i-’confirm’ kung nasa listahan ba namin ang pinaghihinalaan mong beki. 

Paglaladlad ng mga Celebrities:

Bago iyon, maramil napansin mo na nitong mga nakaraang mga taon, laganap ang pagka-come-out o ‘paglaladlad’ ng mga showbiz personality na miyembro ng LGBTQIA+ community. Sinasabing kaya ito nangyayari ay dahil unti-unti nang nagiging bukas ang isipan at nag-iiba ang perspektibo ng mga tao sa kanila. Unti-unti ay natatanggap na sila ng lipunan at kinikilala ang tunay na sila.

Pero sa kabila nito, hindi maikakaila na marami pa rin ang nagdadalawang-isip na ipakita ang kanilang tunay na kulay, dahil sa pangamba na baka sila ay husgahan at hindi matanggap ng publiko. 

Kaya nga hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang mga usapin tungkol sa mga artistang pinaghihinalaang beki.

At ilan lamang ang mga celebrities na ito sa mga pinaghihinalaan na beki. 

Mga Celebrities Na Pinaghihinalaang Beki:

1. Mark Bautista 

Sa loob ng maraming taon, pinaghihinalaang beki ang multi-awarded singer na si Mark Bautista dahil siya raw umano ang dahilan ng paghihiwalay noon nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Bukod dito, isa rin sa rason ng mga tao ay dahil wala talaga itong napabalitang naging nobya.  

Hanggang Pebrero noong 2018, inilabas ni Mark ang kanyang memoir o librong Beyond The Mark kung saan idinetalye niya ang ilang aspeto ng kanyang buhay mula sa kanyang kabataan hanggang naging isa siyang sikat na mang-aawit.

At isa nga sa mga kontrobersyal na parte ng libro ni Mark ay nang isiniwalat niya ang tungkol sa pagiging bisexual niya. 

2. Ken Chan

Kilala si Ken Chan bilang isa sa mahuhusay na aktor ng Kapuso network. Ngunit isa sa mga matagal nang kontrobersiya na iniuugnay sa kanya ay patungkol sa kanyang tunay na kasarian. 

Isa sa mga dahilan kung bakit siya ay pinaghihinalaan na beki ay dahil sa kanyang dating role sa GMA na pinamagatang "Destiny Rose" kung saan gumanap siya bilang isang beki. Bukod dito, pinagmumulan din ng hinala ng marami na siya ay isang beki ang kanyang kilos at pananalita.

Ngunit hanggang ngayon, mariin pa ring itinatanggi ni Ken ang espekulasyon na ito. Giit pa niya, hindi siya beki at ayaw na lang raw niyang magpaka-stress sa mga taong nanghuhusga at nagdududa sa kasarian niya. 

3. Erik Santos

Si Erik Santos ay isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa ating bansa. Ngunit isa rin siya sa mga pinaghihinalaang artista na itinatago ang kanyang tunay na kasarian. 

Nag-ugat ang chikang beki si Erik dahil mula nang sumikat siya ay wala pa siyang napabalitang nobya. Nakakapagtaka rin umano na wala ding kahit na sinong babae o aktres ang nali-link sa kanya. Maliban na lamang sa balita na nagde-date sila noon ng kapwa niya mang-aawit na si Angeline Quinto. Pero ‘di rin naman ito nagtagal. Bukod dito, may sariling pamilya na ngayon si Angeline ngunit si Erik ay single pa rin.  

4. Enchong Dee

Matagal nang pinaghihinalaang beki si Enchong Dee dahil sa kanyang kilos at dahil wala masyadong nali-link sa kanyang aktres o babae. Pero ang isa sa nagpalakas ng hinala ng mga netizens na siya ay beki ay ang isang larawan kung saan makikita siyang titig na titig kay Piolo Pascual. Gayunpaman, hanggang ngayon, nanatiling tikom ang bibig ni Enchong hinggil sa hinalang ito.

5. Piolo Pascual

Tama ang dinig ninyo! Sa kabila ng kanyang kagwapohan at pagiging hunk actor, marami pa rin ang nagdududa sa tunay na kasarian ng nag-iisang Papa P.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kinababaliwan ng marami si Papa P, mapa-babae man o beki! Sino ba naman kasi ang hindi mai-in-love sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan? Ngunit hanggang ngayon nga ay pinaghihinalaan pa rin siyang beki. Kahit na marami na siyang naging leading lady at may anak na, tila hindi pa rin namamatay-matay ang hinalang siya nga raw ay beki. 

Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula kay Papa P hinggil sa hinalang ito.

6. Sam Milby

Ang kapamilya aktor naman at boyfriend ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay hindi rin nakaligtas noon. Ayon sa dating Startalk host na si Lolit Solis ay nakita umano niya sina Sam Milby at Piolo Pascual na magkasama na may sweet moments sa poolside ng Sofitel Hotel sa Pasay noon 2007 pero itinanggi naman ito ng dalawang aktor. Mula noon ay nagsimula na ang mga balitang magkarelasyon ang dalawa kaya naman nagdesisyon sila na sampahan si Lolit ng kasong libelo. Naglabas naman ng statement si Lolit at humingi ito ng pasensya sa dalawa kaya naman inatras nila ang kaso.

7. Alden Richards

Ang Pambansang Bae na si Alden Richards ay isa sa mga big stars ng GMA Network pero simula noong umarangkada ang kanyang karera sa showbiz ay wala parin siyang isinapublikong kasintahan o girlfriend. Maraming fans ang nadismaya dahil hindi sila nagkatuluyan ni Maine Mendoza kahit na sobrang sikat ang loveteam nila noon dahil sa Kalyeserye. 

Si Maine ay engaged na ngayon sa kapamilya aktor na si Arjo Atayde. Dati na rin siyang na-link sa singer na si Julie Anne San Jose pero wala silang kumpirmasyon dito.

Well, kahit ano pa ang kasarian ng isang artista napakahalaga na respetuhin pa rin sila ng marami dahil hindi naman kabawasan sa kanilang pagkatao o talento sa pag-arte ang kanilang kasarian, lalaki man sila o miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ika nga nila, hindi masama ang maging beki. Ang tunay na masama ay ang manghusga ng kapwa.

Kaya lagi nating tatandaan na tao rin sila anuman ang kanilang kasarian at nararapat silang irespeto.


No comments:

Post a Comment

Sponsor