Kilalanin Ang Jowang AFAM Ni Lie Reposposa

Kilalanin Ang Jowang AFAM Ni Lie Reposposa

Kilalanin Ang Jowang AFAM Ni Lie Reposposa

Sino ba naman ang hindi mapapa-sana all kung ang Afam na jowa mo eh mala-Edward Cullen ang itsura?

Well, pansin n’yo ba na tila iba ang reaksyon ng tao kapag nagka-jowa ka ng Afam o ng isang dayuhan? ‘Yung tipong mapapa-‘sana all’  talaga ang lahat. 

Ganito nga ang reaksyon ng maraming netizens nang mag-jowa reveal ang singer-actress na si Lie Reposposa.

Kilalanin si Lie Reposposa: 

Una nating nakilala si Lie bilang isang contender sa singing competition ng “It’s Showtime” na “Tawag ng Tanghalan”. Hindi man siya nagwagi laban sa singer at theater actor na si Gian Magdangal, naging daan naman ang kompetisyon upang makapasok si Lie sa longest reality show sa bansa na “Pinoy Big Brother”.

Sa kanyang pagpasok sa bahay ni Big Brother o “Kuya”, doon na nga sumikat si Lie. Siya ay nakilala dahil sa kwela niyang personalidad na kinagigiliwan ng madla. Bukod dito, isa rin si Lie sa mga naging finalist ng PBB: Otso. 

Mula nang matapos ang kanyang PBB journey ay maraming oportunidad naman ang nagbukas para kay Lie sa showbiz. Naging regular performer si Lie sa “ASAP Natin ‘To” at napabilang rin siya sa sikat na celebrity singing competition na “Your Face Sounds Familiar”.

Maging sa social media ay sinusundan ng marami si Lie. Katunayan, isa si Lie sa mga artistang aktibo sa iba’t ibang social networking service app, tulad ng patok na patok ngayon na “TikTok.

Viral Jowa Reveal:

Sa naturang app din unang kumalat ang mga larawan at video ni Lie kasama ang isang napakagwapong foreigner na pinaghihinalaang jowa niya.

At ngayon nga ay nakumpirmang totoong jowa niya ang gwapong afam na kasama niya sa kanyang mga larawan at video.  

Kamakailan, nasurpresa ang mga netizen matapos mag-post si Lie ng kanyang relationship status sa pamamagitan ng isang larawan kasama ang kanyang gwapong jowa na isa palang British national.

Kalakip ang larawan nila ng kanyang jowa ay ang sweet caption niyang tila kumpirmasyon ng status nila nito.

Ani Lie, “Your my sun and moon your everything in the middle of the stars collide with you.”

Mga Netizen Napa-sana all!:

At dahil isang Briton ang jowang afam ni Lie kaya naman talagang bumaha ang salitang ‘sana all’ sa kanyang post. 

Nag-react din ang mga kasamahan ni Lie sa showbiz sa kanyang jowa ngayon:

“AY IBA DEN!!!” komento ng Idol Philippines alumnus na si Enzo Almario.

“May nanalo na!” sabi naman ng dating PBB housemate na si Kiara Takahashi.

Bumaha rin ang mga komento gaya ng:

“Mapapa sana all ka na lang!” at “Prayer reveal!”

Kilalanin ang foreigner boyfriend ni Lie Reposposa: 

Bukod sa ‘sana all’ reaction ng mga netizen, marami naman ang naging curious sa katauhan ng jowa ni Lie at kung paano nagkakilala ang dalawa.

Sa aming pananaliksik, napag-alaman namin na Paul ang pangalan ng jowa ni Lie ngayon. Siya ay isang British National at nasa 19 na taong gulang na rin gaya ni Lie.

Hindi naman nakakapagtaka kung bakit hindi magkamayaw ang netizens nang makita nila ang jowa ni Lie. Paano ba naman kasi ay talagang agaw pansin ang taglay nitong kagwapuhan. 

May mga nagsasabi nga na parang may kamukha itong Hollywood actor na walang iba kundi ang kinakikiligan ng marami na si Edward Cullen. Mala-Edward Cullen ng “Twilight” raw nga ang jowa ni Lie dahil sa hugis ng mukha at kaputian ng kutis nito na tila isang bampira! At bukod sa kanyang itsura, kapansin-pansin din ang magandang hubog ng katawan nito. 

Samantala, sa kanyang parte ay nag-post naman sa kanyang Instagram si Paul ng mga larawan at video niya kasama si Lie. Makikitang sweet at masaya si Paul sa mga larawan kasama si Lie. Kamakailan lang rin ay nagbahagi si Paul ng nakakakilig na video nilang magkasintahan na may caption na “Happy days”.  

Mukhang hindi lang nga si Lie ang in love na in love kundi maging si Paul. Well, walang makakatalo sa ganda ng isang Pilipina! 

Talagang mapapa-sana all ka na lang talaga sa buhay pag-ibig ngayon ni Lie. At dahil papalapit na ang kapaskuhan, sigurado nang ‘di malamig ang pasko ni Lie dahil magpapasko siyang may jowa na katulad ni Paul. 

Ikaw, gusto mo rin bang magka-jowa ng Afam? O baka meron ka nang jowang Afam? Huwag nang mahiya at i-flex mo na yan!


No comments:

Post a Comment

Sponsor