Love Añover, Iniwan Na Ang Unang Hirit Ang Lumipat Sa NET25

Love Añover, Iniwan Na Ang Unang Hirit Ang Lumipat Sa NET25

Love Añover, Iniwan Na Ang Unang Hirit Ang Lumipat Sa NET25

Matapos ang bali-balitang lilipat na ng ibang network ang Unang Hirit mainstay at reyna ng kalsada na si Love Anover, kinumpirma na niya ito sa kanyang Facebook account. 

21 taon din siyang nanatili sa GMA Network at malaki ang naging pasasalamat nito sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso network. Ang kanyang kontrata sa GMA ay natapos na kaya naman tinanggap niya ang alok sa kanya ng NET25. 

Aniya sa kanyang social media, 

“21. Buong pusong pasasalamat sa dalawampu't isang taon bilang kapuso.”

“Hindi lang ang buhay ko ang nabago ng pagkakataon na ibinigay ng GMA Network, kundi kasama po ang aking buong pamilya.”

“Tinupad po ninyo ang aking pagnanasa bilang panganay na anak na mabigyan ng disenteng buhay ang aking mga magulang, mga kapaatid at mga pamangkin mula sa buhay na nagdarahop at walang-wala.”

“To all my GMA bosses, co-hosts and colleagues of all the shows I was part of - yakap nang mahigpit na mahigpit. Wagas na pasasalamat.”

Dagdag pa ni Love ay marami siyang gustong pasalamatan pero hindi posible ang mag-tag ng mahigit 50 katao sa kanyang Facebook account.

“Sila ang mga tao na alam kong itinalaga ng Panginoon na tulungan ako para maisakatuparan niya ang kanyang mga plano para sa akin.”

Samantala, inanunsyo ni Love na lumipat na siya sa NET 25.

“Every step I take, every move I make. Sabi nga ng kanta, may kasabay at kambal na panalangin sa isang makapangyarihan na nasa itaas para ako ay magabayan.”

“Tried and tested ang mga plano ni Lord sa akin, ever since high school to college and when I started facing yung reality ng aking adulthood.”

“In all levels, personal, career, family, business, whenever I am faced with big decisions, I always, always ask for signs from him and when you listen hard and follow, you are going to be fine. No matter what the ride would be, rough or smooth. I always hold tight to God's plans and promises!”

Wala din umanong naging problema si Love sa paglipat ng network at maayos ang pamamaalam nito sa mga big bosses ng GMA Network.

Pumirma siya ng kontrata noong Disyembre 5 para mapabilang sa lumalaking pamilya ng NET25 kung saan kasama sina Ms. Wilma Galvante at ang president ng network na si Caesar Vallejos. Hindi napigilan maging emosyonal ni Love dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng bago niyang tahanan. Sa edad daw niya ay hindi niya inakalang may mga oportunidad at nagtitiwala sa kanya.

Mapapanood si Love sa Love and Everythaaang na mapapanood sa NET25 mula Lunes hanggang Biyernes.


No comments:

Post a Comment

Sponsor