Kilalanin Ang Panganay Na Anak Ni Robin Padilla Na Si Camille Orosa

Kilalanin Si Camille Orosa - Ang Panganay Na Anak Ni Robin Padilla

Kilalanin Ang Panganay Na Anak Ni Robin Padilla Na Si Camille Orosa

Madalas nating sinusundan ang buhay ng ating mga hinahangaang celebrities off cam. Kung ano ang buhay nila kapag hindi na sila nakaharap sa camera. Kasama na rito kung sino ang kanilang mga anak.

Mula pa noon, marami na ang nagkakainteres sa mga anak ng mga sikat na artista. At dahil sa presensya ng social media, napakadali na lamang ngayong silipin ang personal na buhay ng isang artista at alamin kung sino ang kanilang mga anak.

Kilalanin si Robin Padilla:

Isa naman sa pinakasikat at sinusubaybayan na aktor sa Philippine showbiz ay si Senator Robin Padilla na tinaguriang 'bad boy' ng Philippine cinema.

Kilala siya ng marami bilang isa sa mga hari ng action series at pelikula. Hanggang sa hindi lang showbiz ang pinasok niya kundi pati na rin ang pulitika. Ngunit bukod sa pagiging artista at senador, alam n’yo ba na si Senator Robin ay isa ring screenwriter, producer, director, at pilantropo? Ang pagiging multi-talented nga niya ay namana ng kanyang mga anak na ngayon ay gumagawa ng sariling pangalan sa iba't ibang larangan.

Kilalanin ang Panganay na Anak ni Robin Padilla na si Camille: 

Gaya ng panganay sa lahat ng anak ni Robin na si Camille Orosa. Hindi lingid sa lahat na maraming babae ang dumaan sa buhay ni Robin. Isa na rito ang ina ni Camille, ang dating TV actress na si Leah Orosa.

Matatandaang si Leah ang leading lady ni Robin sa pelikulang "Sa Diyos Lang Ako Susuko" noong dekada 90. Naging magkasintahan ang dalawa at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay si Camille. Pero nasaan na nga ba ngayon si Camille?

Nasaan na Ngayon si Camille?

Isa lang si Camille sa mga celebrity kids na piniling hindi sumunod sa yapak ng kanilang magulang sa showbiz. Mas pinili ni Camille na manirahan sa Amerika kasama ang kanyang ina at ang asawa nitong si Antonio Orosa.

Sa kasalukuyan, si Camille ay 32 taong gulang. At ayon sa ilang ulat, nakapagtapos na ng kolehiyo si Camille. Bukod dito, nakamit din niya ang kanyang Master's Degree sa kursong "Information and Data Science" sa isang unibersidad sa California noong 2019.

Batay sa isa sa kanyang mga post sa Instagram, kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa isang marketing company sa America kung saan siya ay tumatayo bilang Chief Marketing Officer at Data Scientist.

Magandang Relasyon ni Camille sa kanyang Daddy Robin:

Samantala, kahit malayo sila sa isa't isa, hindi naging hadlang ito kay Camille para magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang ama. Lumaki man siya at naninirahan ngayon sa Amerika, hindi pa rin nawawala ang komunikasyon ni Camille kay Senator Robin. Sa katunayan, madalas ipagmalaki ni Camille si Senator Robin bilang isang mabuting ama sa kanyang mga social media post.

Updated din si Camille sa buhay ng kanyang Daddy Robin. Sa katunayan, isa si Camille sa mga numero unong tagasuporta at talagang naniniwala sa kakayahan ni Senator Robin na maging senador. Nang manalo nga si Senator Robin, hindi maitago ni Camille kung gaano siya ka-proud dito. Sa isang Instagram post, isang madamdaming mensahe ang isinulat ni Camille para batiin si Senator Robin sa kanyang pagkapanalo sa halalan.

Ani Camille, “I’ve always been so proud of my dad. Action star, screenwriter, producer, director, (unofficial) ghost hunter, karaoke king, philanthropist*… Today, I get to congratulate and celebrate Senator @robinhoodpadilla: You did it papa. I love you 3000.

Talagang kahanga-hanga ang mga nagawa ni Camille sa buhay kahit hindi siya pumasok sa showbiz. Nakaka-inspire din ang relasyon niya sa kanyang ama kahit hindi siya lumaki sa piling nito. Patunay din ito na mabuting ama si Senator Robin dahil lumaking malapit sa kanya ang kanyang mga anak kahit wala ang mga ito sa kanyang poder.

Pero, alam n’yo bang may anim pang anak si Senator Robin at mula sa iba’t ibang babaeng kanyang nakarelasyon?

Kilalanin sila sa artikulong ito: Mga Naggagandahang Anak Ni Robin Padilla


No comments:

Post a Comment

Sponsor