Top 8 Pinoy Celebrities na nag-trending ngayong 2023

Top 8 Pinoy Celebrities na nag-trending ngayong 2023

Top 8 Pinoy Celebrities na nag-trending ngayong 2023

Sa mundo ng showbiz, hindi lang ang mga nakakatuwang balita at tagumpay ng mga artista ang nakakapagpapasaya sa mga tagahanga. Sa kabilang banda, may mga isyu at kontrobersya rin na nagiging sentro ng pansin ng publiko. 

Kadalasan, nagiging viral sa social media at nagiging usap-usapan ng mga netizens. Kaya naman, hindi nakapagtataka kung bakit ang ilan sa ating mga paboritong Filipino celebrities ay nag-trending ngayong 2023.

Willie Revillame

Maraming nabigla at nalungkot nang matapos ang kanyang variety show sa GMA Network na "Wowowin", kasunod sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa network.

Naiulat ni Cristy Fermin sa kanyang online show na 'Cristy Ferminute' ang tunay na dahilan ng pag-alis ni Willie sa GMA. Saad niya, sana ay pipirma pa si Willie ng panibagong kontrata sa Kapuso network, subalit biglang nagbago ang kanyang desisyon dahil sa hindi niya kayang magtrabaho ng mahigit anim na taon nang walang pahinga.

Sa huli, inamin ni Willie sa final episode ng "Wowowin" na hindi siya pumirma ng panibagong kontrata sa GMA dahil binigyan siya ng mas magandang oportunidad na magtrabaho sa ilalim ng bagong TV network ng kanyang kaibigan at dating senator Manny Villar.

Kaya nang magpaalam na siya sa GMA, si Willie ay inilunsad bilang bagong mukha ng "ALLTV", ang estasyon na pag-aari ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni Manny Villar.

Kris Aquino

Ang taong 2022 ay puno ng mga pagsubok para kay Kris Aquino, ang Queen of All Media, lalo na sa kanyang kalusugan. Lahat ng mga Marites ay siguradong updated sa kanyang mga pinagdadaanan.

Nakatanggap si Kris ng magandang balita noong Pebrero na na-clear out na ang kanyang mga malalang sakit gaya ng diabetes at cancer. Subalit, siya ay sumailalim sa maraming test upang malaman kung ano ang solusyon sa kanyang autoimmune disease.

Hindi rin siya nakaligtas sa nakahahawang sakit na COVID-19, kung saan ang kanyang buong pamilya ay tinamaan noong Hunyo.

Elisse Joson at McCoy de Leon

Sa pagpasok ng bagong taon, isa sa pinakamaingay na isyu ay ang hiwalayan ng magkasintahang Elisse Joson at McCoy De Leon.

Sa bawat hiwalayan, hindi maiiwasan na magkaroon ng usap-usapan kung mayroon bang third party na sangkot sa paghihiwalay ng dalawa. Sa kaso ng hiwalayan ng McLisse, isa pang pangalan ang kumalat sa social media at ito ay si Mary Joy Santiago.

Nauna nang itinanggi ni McCoy ang espekulasyon na may third party sa hiwalayan nila ni Elisse.

Pinabulaanan din niyang siya ang lalaking kausap ng isang ‘Mary Joy’ sa mga kumalat kamakailan na screen grab ng chat messages.

Samantala, kinumpirma ni McCoy de Leon na sila ni Elisse ay nagkabalikan na. Ito ay inamin niya nang makapanayam siya ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori sa guesting niya sa ASAP Natin 'To noong ika-5 ng Pebrero 2023.

Toni Gonzaga

Kahit na marami siyang natatanggap na mga kritisismo sa social media, si Toni ay mananatiling tahimik. Hindi pa rin siya nagbibigay ng anumang pahayag o opinyon tungkol sa kanyang pagsuporta sa Uni-Team at pag-alis niya sa kanyang home network na ABS-CBN.

Tulad ng mga isyu na kinasangkutan niya noong nakaraang taon, tila naninindigan pa rin si Toni ngayong 2023 bilang 'unbothered queen' o hindi naapektuhan ng mga taong nagbibigay ng mga batikos sa kanya.

At hanggang ngayon ay wala pa rin siyang inilalabas na pahayag o komento hinggil sa isyung nilangaw ang kanilang pelikula sa sinehan na "My Teacher".

Alex Gonzaga

Naging usap-usapan noon ang video na ibinahagi ni Dani Barretto sa kanyang Instagram story kung saan ipinagdiriwang ni Alex Gonzaga ang kanyang ika-35th birthday. Sa video, na ngayon ay binura din kaagad ni Dani, makikita si Alex na kinakantahan ng Happy Birthday kasama ang kanyang mister na si Mikee Morada. 

Pagkatapos hipan ni Alex ang kandila ay itinapal niya ang chocolate sa noo ng staff o waiter sa lugar kung saan ginanap ang kanyang kaarawan. Dahil dito, maraming mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon at komento kay Alex, dahil hindi raw niya kaibigan o ka-close ang staff o crew na nasa lugar.

Sa huli, humingi ng tawad si Alex sa waiter sa pamamagitan ng kanyang social media.

"On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment. I am truly sorry, Kuya Allan."

"To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person."

Dennis Padilla

Ipinost ng ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla ang isang larawan nila noong sanggol pa lamang si Julia na may kasamang caption na, "Dearest Juy... A picture in my wallet for 26 years and counting... Hope to see you soon.. Happy birthday anak!! Love you - Papa."

Ito ay naging usap-usapan sa social media dahil matagal na din hindi nagkikita ang mag-ama. Sa panayam ni Karen Davila kay Julia, inamin ng aktres na hindi pa rin sila nagkakaayos ng kanyang ama at hindi rin sila nag-uusap. Sinubukan na raw ni Dennis na makipag-ayos sa kanya ngunit hindi pa siya handang makipagkita dito dahil pareho lamang silang masasaktan.

Maraming netizens ang nalungkot at nakaawa kay Dennis dahil tila pinipilit pa rin niya ang sarili sa mga anak.

Barbie Imperial

Naging maingay ang pangalan ni Barbie sa publiko dahil sa diumano'y pagsugod nito kay Debbie Garcia sa isang bar sa Quezon City noong October 2022, na nagresulta sa demanda laban sa kanya. Nagpahayag si Barbie ng kanyang pananaw kamakailan lang matapos ang ilang linggong pananahimik. Ayon sa kanya, naka-move on na siya at mas makabubuting huwag na munang magsalita dahil naaayos na ito sa legal na paraan. 

Liza Soberano

Kinumpirma ng Kapamilya aktres na si Liza na nagtatampo siya sa dating manager nito na si Ogie Diaz. Sa loob ng labing isang taon ay magkasama silang nagtrabaho at bago mag-expire ang kontrata ni Liza, sinabi niya kay Ogie na magpapaalam na siya at ipinaliwanag ang kanyang naging desisyon. Isa sa dahilan ng hindi niya pag-renew ay dahil gusto niya ng career growth at naintindihan naman daw ni Ogie ang kanyang desisyon.

Ngunit nabigla ang aktres sa mga negatibong komento ni Ogie sa kanyang vlog. Sana daw ay kinausap muna siya dahil dati ay kung may problema man sila ay nakukuha naman nilang pag-usapan ay ayusin iyon.


No comments:

Post a Comment

Sponsor