Celebrity Couple na Mas Matanda ng Mahigit 20 Taon sa Isa't Isa

Celebrity Couple na Mas Matanda ng Mahigit 20 Taon sa Isa't Isa

Celebrity Couple na Mas Matanda ng Mahigit 20 Taon sa Isa't Isa

Maraming celebrity couples ang nagpapatunay na hindi hadlang ang agwat ng edad sa pagmamahalan. May ilang mag-asawang may malaking agwat sa kanilang edad subalit maayos pa rin ang kanilang relasyon at nagpapatuloy ang kanilang pagmamahalan. 

Ating kilalanin ang mga celebrity couples na mayroon mahigit dalawang dekadang agwat ng edad.

1. Maris Racal at Rico Blanco

Inamin ng Kapamilya actress na si Maris Racal at ng kanyang nobyo na si Rico Blanco ang kanilang relasyon noong Mayo 2021. Dahil pareho silang mahilig kumanta, madalas silang magkasama sa paggawa ng mga awitin, at dito sila nagka-developan na nauwi sa pag-iibigan. Hindi naman naging hadlang sa kanila ang malaking agwat ng kanilang edad.

Mas matanda si Rico 25 taon kay Maris, ngunit hindi ito basehan para hindi sila magmahalan ayon sa kanilang mga tagahanga. Bago pa man sumikat si Maris bilang artista, may crush na siya kay Rico at fan siya ng kanyang banda na Rivermaya. Nagkatrabaho sila noong 2019 nang sumagot si Rico sa tweet ni Maris na nagtatanong kung may interesado siyang mag-collab, at doon na nagsimula ang kanilang love story.

2. Pauleen Luna at Vic Sotto

Noong taong 2011, nagsimula ang mga tsismis na nagde-date ang dalawa, ngunit hindi pa nila ito kinumpirma at ipinakita sa publiko.

Ngunit noong 2013, kinumpirma ng dalawa na opisyal na silang magkasintahan. Sinabi ni Bossing na si Pauleen Luna ang nakasulat sa kanyang puso. Tinanggap din naman ito ni Pauleen at sinabi na dahil sa determinasyon ni Bossing, naging malapit at minahal na niya ito.

Sa simula raw medyo nahirapan ang anak ni Vic na si Danica na tanggapin ang relasyon ng kanyang ama at ni Pauleen dahil sa malaking agwat ng kanilang edad. Pero pinakita niya ang respeto at suporta sa kanilang dalawa at sa kanilang relasyon. Kung saan daw masaya si Vic ay masaya ang mga anak nito sa kanya.

Noong 1995, nasa mga pitong taong gulang si Pauleen nang sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga at doon niya pala makikilala ang kanyang future husband na Vic Sotto. Kahit mayroong agwat na 34 taon sa kanilang edad, hindi ito naging hadlang sa kanila. Nagpakasal ang dalawa noong 2016 at mayroon na silang anak na si Tali.

3. Vicki Belo at Hayden Kho

Si Hayden Kho Jr. ay isang modelo, aktor, at cosmetic surgeon samatalang si Maria Victoria "Vicki" Gonzalez Belo-Kho naman ay isang sikat dermatologist at content creator. Siya ang nagtatag, CEO, at direktor ng Belo Medical Group. May agwat na 23 taon sa kanilang edad si Vicky at Hayden. Alam naman ng lahat na marami nang kontrobersiya at isyu ang naranasan ng relasyon ng dalawang sikat na dermatologists. 

Noong 2008, naranasan ni Hayden ang mga dark years ng mga skandalo at pagtatangkang pagtitiwakal, ngunit dahil sa tulong ni Vicky, unti-unti siyang nakabangon. Binuo nila muli ang kanilang relasyon at nagkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy noong 2015 na si Scarlet Snow. At noong 2017, nagpakasal sila sa isang magarbong kasal sa Paris na tinawag na "Wedding of the Year."

4. Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan

Mayroong halos tatlong dekadang agwat sa edad ang mag-asawa, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang relasyon, bagkus, ito pa ang nagpalakas ng kanilang pagsasama. Kinasal sila noong Disyembre 2017 sa simbahan ng Christ the King sa Quezon City.

Si Ai-Ai ay ikinasal na nang dalawang beses at may tatlong anak mula sa kanyang dating partners. Walang problema ang mga anak ni Ai-Ai sa relasyon niya kay Gerald, at maayos ang relasyon nila sa isa't isa.

Dahil sa kanyang edad na 58 taon, malabo nang magkaroon ng anak si Ai-Ai sa natural na paraan. Gayunpaman, napag-usapan na nila ang pagkakaroon ng anak sa pamamagitan ng IVF, at ayon sa kanilang panayam kay Pia Arcangel, mayroon na silang embryo at matagal na nilang pinaplanong magka-anak.

5. Assunta de Rossi at Jules Ledesma

Si Assunta de Rossi, na 40 taong gulang ay kasal sa politiko at negosyanteng si Jules Ledesma na 61 taong gulang. Naging girlfriend ni Assunta si Jules nang siya ay 19 taong gulang at si Jules naman ay 41 taong gulang pa lamang noon. Sila ay ikinasal noong 2004. 

Sa simula ay hindi pumapabor ang kanilang mga pamilya sa kanilang relasyon. Ngunit sa bandang huli ay tinanggap nila ang 22-taong agwat sa edad ng mag-asawa. Pagkatapos ng dalawang dekada ng paghihintay, noong Oktubre 23, 2020 ay nagkaanak na sila ng kanilang unang anak.

Matapos ng 16 na taon ng paghihintay, nabuntis si Assunta at pinanganak nila ang kanilang unang anak na si Giulia Fiorentina 'Fiore' Alessandra. Para sa kanila, ito ay isang milagro dahil nahirapan sila noon dahil sa mga medikal na kondisyon ni Assunta tulad ng myoma at endometriosis. Dahil dito, tinawag nila si Fiore na "miracle baby."

6. Niña Jose at Cezar Quiambao

Si Niña Jose ay isang dating housemate ng PBB at artistang ikinasal sa dating Mayor ng Bayambang na si Cezar Quiambao noong 2017. Hindi na siya aktibo sa telebisyon ngayon, ngunit aktibo siya sa mga community activities sa Bayambang, Pangasinan.

Si Niña ay 34 taong gulang habang ang kanyang asawa ay 68 taong gulang. Bagamat mayroong mahigit tatlong dekadang agwat sa kanilang edad, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Tulad ng celebrity couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto, na mayroon ding mahigit tatlong dekadang agwat ng edad, ay nagmamahalan din sila nang maayos. 

Dahil sa agwat ng edad nina Niña at Cezar, madalas siyang nakakatanggap ng masasakit na salita, ngunit hindi niya ito masyadong pinapansin noon. Ngunit may mga pagkakataon na sobrang malala na ang mga sinasabi ng ilang netizens tungkol sa kanilang relasyon, kaya minsan ay pinapatulan na niya ang mga ito.


No comments:

Post a Comment

Sponsor