Mga Celebrity na Nagpatanggal ng Kanilang Mga Breast Implant

Mga Celebrity na Nagpatanggal ng Kanilang Mga Breast Implant

Mga Celebrity na Nagpatanggal ng Kanilang Mga Breast Implant

Parami nang parami ang mga kababaihan na nagpapalagay ng breast implants o silicon, kabilang na rito ang ilang sikat na celebrities.

Sa katunayan, malaki ang papel ng mga celebrity kaya naging popular ito hindi lang sa mga babae kundi maging sa mga lalaki.

At madalas, nagpapalagay sila nito hindi lang para lumaki ang kanilang mga dibdib kundi para rin tumaas ang kanilang kumpiyansa sa sarili.
Sa showbiz, karaniwang nagpapalagay naman ng breast implants ay ang mga sexy actress na gumaganap sa mga daring role sa mga pelikula at teleserye.

Gayunpaman, kasabay ng pagsikat ng breast implants, ay ang pagdami ng mga celebrity na nagpapatanggal nito.

Sa artikulong ito, kilalanin natin sila at alamin ang kanilang dahilan kung bakit nila ipinatanggal ang kanilang breast implants.

1. Ellen Adarna


Noong Mayo 2022, ibinahagi ng sexy actress at modelo na si Ellen Adarna sa pamamagitan ng kanyang Instagram story na nagpaalam na siya sa kanyang 'breast implants illness' o mga kondisyon na dulot ng breast implants tulad ng matinding sakit sa likod, pagkapagod, at kakulangan sa focus o brain fog.

Ani Ellen, “Goodbye breast implant illness I can now breathe properly - goodbye chronic back pain, fatigue and brain fog.”

Giit pa ni Ellen, “It was fun while it lasted.”

Taong 2014 nang aminin ni Ellen na peke ang kanyang ‘boobs’ o dibdib.

2. Rica Peralejo


Sa edad na 18, sumailalim sa breast augmentation o pagpapalagay ng breast implants ang dating sexy actress na si Rica Peralejo.

Gayunpaman, aminado si Rica na pinagsisihan niya ang kanyang desisyon na magpalagay ng breast implants.

Inamin din ni Rica na hindi niya talaga alam noon kung bakit siya nagpalagay ng pekeng dibdib.

Hanggang noong 2021, sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Rica na pinatanggal niya ang kanyang breast implants noon pang 2017.

Para kay Rica, ito ang isa sa mga pinakamagandang desisyon na ginawa niya dahil pagkatapos matanggal ang kanyang breast implants ay nakaramdam umano siya ng kapayapaan, kaginhawaan, at mas na-appreciate raw niya ang kanyang sariling katawan.

Ani Rica, “I had my breasts augmented. So I have my implants, and I have them removed in 2017…It’s just that ‘pag nire-recall ko kung ano ba talagang reason ko, hindi ko maintindihan. Hindi ko maalala bakit ko ginusto yun. So I had it removed. I just felt so much peace that it felt like, ‘Ito pala talaga ako. Ito pala talaga yung katawan ko.”

3. Michelle Madrigal


Tulad ni Ellen at maraming kababaihan, naranasan din ng dating sexy actress na si Michelle Madrigal ang breast implants illness o BILL, na mga sintomas na dulot ng breast augmentation.

Taong 2008 nang magpalagay ng breast implants si Michelle na tinawag niyang 'toxic bags in her body' at pagkalipas ng halos 12 taon, pinatanggal nga niya ang mga ito noong 2019.

Samantala, matapos maalis ang kanyang breast implants, ibinahagi ni Michelle na napansin niyang mas naging ‘healthy’ ang kanyang katawan.

Maliban dito, mas naging ‘empowered’ at ‘confident’ din umano siya sa kanyang natural na mga dibdib.

Bahagi ni Michelle sa kanyang Instagram post, “A year since removing these toxic bags in my body. Let me tell you... I have never felt so empowered and confident even with my smaller breasts. Clothes fit me better and I am able to move freely. My body feels healthier since my implant removal. No judgements here... if it makes you happy, do it. But do your research and make sure that it is something you truly want in the long run.”

4. Aj Raval


Ang isa sa mga pinakabagong aktres na nagpaalam na sa kanyang "fake boobs" ay ang Viva sexy actress na si Aj Raval.

Noong ika-30 ng Marso, nag-post si Aj ng larawan na masayang-masaya habang hawak ang kanyang mga breast implants.

Matagal nang nais ni Aj na alisin ang kanyang mga breast implants simula pa noong 2022.

Ayon kay Aj, nagpa-implants siya noong 2020 dahil may nagrekomenda raw sa kanya na gawin ito.

Naging masaya naman si Aj sa kanyang breast implants subalit nagsimula raw siyang maging 'conscious' sa kanyang dibdib dahilan upang magpasya siyang ipatanggal na ang mga ito.

Ani Aj, “Naging happy naman po ako pero ang dami ko pa rin realizations and I’m planning na ipatanggal ko next year…Gusto ko pong magkaroon ng freedom sa sarili ko. Before kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na ipinalagay po, dun po ako nag-start na ma-conscious.”

5. Maui Taylor


Maureen Anne Rodriguez, o mas kilala bilang Maui Taylor, ay isang aktres, modelo, at dating miyembro ng grupo ng mga sexy performers na tinatawag na Viva Hot Babes.

Napabilang siya sa Viva Hot Babes noong 2003, kasama ang ilang mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz tulad nina Katya Santos at Andrea del Rosario. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Viva Films, naging popular sila sa kanilang mga kanta tulad ng 'Bulaklak', 'Basketbol' at marami pang iba. 

Ang busy schedule ni Maui ang nagpapigil sa kanya na tanggalin ang kanyang breast implants noon. Saad ng dating Viva Hot Babe, mahirap isingit sa kanyang schedule ang pagpapa-appointment dahil sa sunud-sunod na mga proyekto, pero nasa kanyang plano ito. Dahil sa discomfort na dulot nito at hindi na nito nagugustuhan ang hitsura nito sa kanyang katawan at mabigat daw ito sa likod.

Inamin din ni Maui na isa ito sa kanyang puhunan noong una siyang pumasok sa mundo ng showbiz at nagsisimula pa lamang siyang gumawa ng mga seksing pelikula.

Dagdag pa niya, hindi naman daw lamang sa dibdib nakasalalay ang kagandahan ng isang babae kaya't hindi rin siya nag-aalala kung magiging flat-chested na siya pagkatapos ng operasyon.

"Kung ako ang tatanungin nila sa mga gustong magpadagdag ng dibdib, wag na. Kasi uso na nga ngayon ang flat-chested, hindi na siya big deal talaga. Ngayon kasi pwede kang maging sexy kahit flat-chested ka eh. Pwede kang maging sexy kahit wala kang puwet o balakang, napu-project ng artista iyon."


No comments:

Post a Comment

Sponsor